Chapter 16.

10.7K 201 0
                                    


Binalewala na lang Niya Ang sinabi ni ursula sa kanya at binalin Ang tingin sa daan mabuti na lang at Hindi traffic papuntang SM aura Kaya halos 30 minutes lang din ang ginugol Nila sa daan.

Pagkababa pa lang Nila sa sasakyan ay bigla siyang kinabahan na siyang ikinagulat Niya sa sarili, pupuntahan Lang naman Niya si Dwaine Pero Bakit ibang Iba Ang nararamdaman Niya? Ibang Iba Ang kaba Niya ngayon?

"Tara na! Ano pang tinatayu-tayu mo diyan lady Marie? -wika ni Ursula ng hawakan nito Ang palapulsuhan Niya sabay hila sa kanya papasok

Tahimik lang siyang nagpahila Kay ursula Pero mas tumatak sa kanya Ang paraan ng paghila at paghawak nito sa palapulsuhan niya---- dwaine, kuhang kuha at katulad na katulad Ang paghawak ni ursula Ang paraan ng paghawak ni dwaine sa kanya.

Bakit ganun?

Ah! Miss Niya lang talaga siguro si Dwaine Kaya hinahanap hanap Niya Ang bawat simpleng gawi nito sa kanya, ultimo Ang pagkain ng ice cream na nakagawian nilang dalawa.

Simula Kasi ng malaman ni Blade na lagi silang kumakain ng ice cream ni Dwaine ay Hindi na siya nito pinapakain ng ice cream kahit na gustong gusto niyang kumain. Nababadtrip Kasi si blade kapag may naalala Ito na konektado sa huli.

"Eto na diba? -wika ni Ursula sabay kunot noo na binabasa Ang nakasulat na pangalan ng resto sa salitang Chinese "Ano ba iyan! Di ko mabasa at maintindihan! -dagdag nito

"Malamang! Chinese ka ba? -wika Niya kahit sobra sobra Ang tahip ng kanyang dibdib

"Tsk! Tara na nga! Pasok na tayo! Bet Kong kumain ng xiao yong fao.

"Ano yun? -kunot niyang wika

"Parang dimsum siya. Basta! Oorder tayo para matikman mo tsaka para Hindi naman bisto na miss na miss mo iyang si dwaine!

"Oy Hindi ah! Nag-aalala lang Ako!

"Sus! Pag-naalala ibig sabihin namimis!

Nang makaupo sila sa pang-apat na upuan ay agad na lumapit Ang isang nakangiting waiter sabay lahad ng menu sa kanilang dalawa.

"Ursula Ikaw na Ang mag-order Wala akong Alam sa mga Chinese food. -wika Niya sabay bigay uli sa waiter Ang menu ng nakangiti

"Maam Baka po gusto niyong tikman Ang sweet and spicy roasted chicken namin with rotti and cashew nuts? Best seller po namin iyon pati na din po Ang xiao yong fao. -saad ng waiter

"Sure! Bigyan mo kame ng tig-iisa ng mga binanggit mo! -wika ni ursula

"Ah mam yung sweet and spicy chicken po ay pang apat na tao na po iyon pwera lang sa xiao yong fao Kasi apat na maliliit na piraso lang naman iyon.

"Sige. Isang order lang ng chicken tapos tig iisa kame ng dimsum. -Ursula

"Drinks niyo po mam? -waiter

"I'll take mango smoothie. -wika naman Niya

"Coke light akin. -Ursula

Nang umalis Ang waiter ay Hindi siya mapakali, sabay tingin sa Kung saan saan sa loob ng resto na iyon.

"Excited masyado! Pag balik ng server tatanungin natin iyon Kung nandito Ang Amo Niya. -wika ni Ursula

"Iyang si Dwaine talaga! Ang haba ng topak! -saad Niya

"Hindi topak, selos.

"Ayan ka na naman. Papano magselos iyon? Magkaibigan kame!

"Bakit Ang kaibigan ba di pwedeng magselos? Nagseselos din naman Ako Kasi si blade na lang lagi kasama mo simula ng nililigawan ka niya. Lalo na kaya si dwaine diba?

"Kilala ko iyon. Di naman siya ganun, tsaka pranka yun at nagsasabi talaga saken. Nakapagtataka nga lang Dahil di na nagpaparamdam saken, mag-iisang buwan na Kaya.

"Baka busy lang yung Tao, at young age businessman na siya lady Marie! Chinese yun eh, laging business Ang nasa utak.

Sumimagot na lang siya sabay tingin sa cellphone, lumiwanag agad Ang Mukha niya sabay ngiti ng makita Ang text ni blade sa kanya.

"Iyang ngiting iyan lady marie. Kahit Hindi mo sabihin Alam kong si blade na naman Ang rason niyan.

"Nag text. Sabi Niya miss na daw Niya ako.

"Sus! Kung miss ka Niya sana tinawagan kana hinde tinext.

"Nasa loob nga daw sila ng simbahan. Nababagot daw siya. Bad trip na naman siguro iyon.

Naimagine Niya tuloy Ang ichura ni blade habang nakasuot ng barong at nakasimangot, sobrang gwapo siguro nun malamang nakakuha na naman ng atensyon ng mga kabaro niyang babae.

"Huwag Mong sabihin na nandito tayo sa resto ni Dwaine, dagdag badtrip yun sa kanya.

"Nagtanong nga Kung saan tayo, Sabi ko sa rustans nagpa-pa spa.

"Magaling, Hindi naman masama magsinungaling kahit minsan. -ngiting wika ni Ursula

Wala pang 15 minutes at dumating na order nila, unang tingin pa lang Niya ay takam na takam na siya at the same time curious Dahil first time niyang maka-kain ng Chinese cuisine.

"Hindi naman Ako marunong magchop stick! -wika Niya

Sabay pang tumawa Ang server at si ursula sa tinuran Niya Kaya magiliw naman siyang sinabihan ng server,

"I'll bring fork right away for you mam.

"Thank you. -nahihiyang wika Niya

Agad naman siyang binigyan ng tinidor pagkuway binalingan ng server si Ursula ng tanungin Ito ng huli tungkol sa Amo nito.

"Nandito ba dwaine? -ursula

"I'm sorry mam? -server

"I mean nandito ba Ang may-ari nitong resto? Si Dwaine tristan yu? -ulit ni Ursula

"I'm sorry mam Pero Wala po si sir. Di ko na napansin na pumunta si sir dito, laging si mam Hyacinth lang po.

"Hyacinth? -Ursula

"Dwaine's mother. -agap niyang wika

"Opo, mommy ni sir dwaine. -server

"Don't you have any idea of where is he? Or maybe sa ibang branch? -salita Niya

"Baka po sa ibang branch si sir Dwaine, Kasi dinig ko pong may problema sa isang branch Nila. Yung sa makati yata.

"Ganun ba. Di mo ba talaga siya nakita? -ulit Niya

"Hindi na po talaga mam. Mga dalawang linggo na po siguro. Kaibigan Niya po ba kayo? -server

"Yes. Magkaibigan kameng tatlo. -ngiting saad Niya

"Hayaan niyo po, kapag pupunta si sir Dwaine dito sasabihan ko po siya tungkol sa inyo.

"Please! Kasi yung Iba diyan sobrang nami-miss na yang Amo mo Kaya malaking pabor yang gagawin mo sa kanya. -Ursula

"Ursula! -Sigaw Niya

LOving the Naughty-Chef (Completed) 7Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon