Eto na, eto na talaga.. Pipindutin ko na yung doorbell..

"Hey!" A woman's voice called my attention before I get to click the doorbell.

Tumingin ako sa gilid ko para tignan kung sino yung tumawag sakin.. I slowly turned my head and saw her sister..

"Good afternoon po" My voice is shaking and I walk near her..

"Parang nakita na kita." Nadine furrows her brows

"Ah ako po yung-"

"Ahh oo ikaw yung kaibigan ni Rhian na dumudungaw dito before.." She suddenly recognized my appearance

"Opo ako po.."

Ano kayang magiging reaction ni Rhian kung malaman niyang pumunta ako rito sa bahay nila.. Sana hindi siya magalit.

Just by looking at her sister's face, it's like I'm looking straight to Rhian.. A breathing Rhian. Their eyes and their nose resembles a lot. Their bright aura makes my heart calm for awhile.

"What brings you here? I suppose you missed your friend kaya ka napunta dito.."

Kung alam niyo lang po na lagi ko siyang nakakasama.

"Yeah I really miss her.. And honestly.." Bumalik nanaman yung kaba sa puso ko.

"Honestly what?"

I closed my eyes and finally got the guts to tell her "I need your help po"

"Let's get inside kaya muna.."

Sumunod ako sa kanya sa loob ng bahay nila. Ang bright ng loob, parang wala talagang nangyari na trahedya sa pamilya nila.. The living room is spacious with a large chandelier hanging at the center. Nakita ko muli ng mata ko ang litrato ni Rhian..

"Mom and Dad aren't here, sayang hindi kita mapapakilala sa kanila. Lagi silang busy.. Kaya halos kami lang ni Rhian ang laging magkasama buong buhay ko.." Nadine narrates as we walk to the kitchen..

"You and Rhian must be really close.." I say

"Nako sinabi mo pa"

Feeling ko nasa museum ako dahil sa mga paintings na nakapaligid sa bawat corner ng bahay nila.

"Uhm.. Kilala niyo po ba si Denise?" Tanong ko kay Nadine, dahil alam kong sa kanya ko makakuha ng panibagong information.

"Of course, she was Rhian's bestfriend ever since."

"Close po yung family niya sainyo?" I know this isn't the right time to ask this, pero andito na ko eh..

"Hmm.. I guess. Hindi ako nagingialam sa business matters ng family namin, pero sa tingin ko oo. Alam mo, sa sobrang open sakin ni Rhian hindi ka pa niya nakekwento sakin. Like I have never heard her talk about you."

Hindi ko alam kung bakit ako nasaktan bigla sa nasabi ni Nadine.. Pero totoo naman yung sinabi niya, paanong masasabi ako ni Rhian sa kaniya eh multo na nung nakilala ako ni Rhian..

"Uhm.. Ano po kasi.. Bago lang kaming naging close ni Rhian.."

"Ahh kaya pala. Tsaka hindi kita nakita sa funeral ni Rhi.."

I don't know what to say now..

"Sorry po, hindi ko po kasi kayang pumunta.." I know mali tong ginagawa ko, pero she's leaving me no choice..

"I understand, ako rin naman hindi ko kinayang makita siyang nakakulong na sa kahon.."

I just remained silent..

"By the way alam mo naman siguro yung reason ng pagkawala niya no?" Nadine asks..

I'm still finding out how..

"Honestly.. I only knew a few reasons why.. Malabo parin po para sakin yung dahilan.."

Ngayon ko na ba malalaman yung dahilan? Ngayon ko na ba mapagtatagpitagpi yung mga impormasyon? Kung sakali bang ngayon ko na malalaman, makakatawid na si Rhian?

No.. A selfish voice says inside my head..

No, hindi pa siya pwedeng umalis.. Hindi niya pa ako pwedeng iwanan.

"I understand dahil, hindi nilabas nila daddy kung ano tunay na dahilan.. Ayaw nilang mapagusapan ang pamilya.. I really hate their reason.. I really hate them for not letting Rhian get the justice she deserves."

Tama nga yung sabi ni Rhian sakin..

"Pero hindi parin ako tumitigil para mahanap yung taong kumitil sa buhay ng kapatid ko.. Yung taong walang awang nanira ng pangarap ng kapatid ko.. I actually hired for a private investigator para mahanap yung taong yun.."

Ramdam ko yung hinanakit sa bawat pagbigkas ni Nadine ng mga salita.. Ramdam ko yung galit niya..

"Sana talaga hindi nalang siya sumama sa mga kaibigan niya nung gabing yon. Hinding hindi ko malilimutan yung gabing yon.." Dagdag pa niya..

"Yun po ba yung victory party nila?" I ask..

"Yeah.. That was the night she died."

So tama nga ako na yun yung gabi na namatay siya.. Ang kulang nalang ay yung kung sino yung pumatay sa kanya..

"Hinding hindi ko mapapatawad yung taong gumawa kay Rhian non, hindi ako titigil hanggang sa hindi siya nagdudusa, gusto kong maranasan niya yung lungkot na nararamdaman ko hanggang ngayon dahil sa ginawa niya.. Gagawin ko ang lahat para maipaghiganti ko ang kapatid ko.." Nadine says in a very emotional voice.

Pagkatapos ng narinig ko, narealize kong si Nadine ang dahilan kung bakit nastuck si Rhian sa in between.. Kaya hindi makaalis si Rhian ay dahil sa mga hinanakit ng kapatid niya.. It's not about who the killer was, or how she died..


____________________________________________________

Now u know..

Thank you guyssss.. Another revelation omg

HauntedNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ