"Di traffic noh? -bungad ni Ursula sa kanya

Tango lang Ang naging sagot Niya sabay upo sa tabi nito.

"Tapos na din naman ako.

"Sigurado ka ba dun sa SM aura si Dwaine ngayon?

"Di ba Niya sinabi sayo na dun siya lagi?

"Hindi eh.

"Anong klaseng kaibigan ka?

"Di naman Niya nabanggit saken eh, Teka may communication ba kayong dalawa?

"Nagtetext siya minsanan lang para magtanong.

"Magtanong? Tungkol saan naman?

"Tungkol sayo.

"Bakit di Ako Ang tanungin Niya?

"Aba'y ewan ko!

"Hay Naku! Ang Dwaine na yun! Tara na nga! Ano pa bang hinihintay mo?

"Yung credit card ko!

"Libre mo ko ng foot spa with mani and pedi one day before the graduation ball.

"Bakit di ka magpalibre dun sa barumbado Mong manliligaw? Mayaman yon kesa saken at mapera.

"Ayoko nga! Baka Anong isipin nun tungkol saken noh!

"So Kung sa akin ok lang? Kung sa kanya hinde?

"Kasi kaibigan kita kaya makapal na Mukha ko sayo! Eh si blade---

"Na kamakailan mo lang nakilala ng husto Hindi ba? Sabihin mo nga saken lady marie, Anong pinagkaiba ni blade Dati at ngayon aber?

Hindi Niya magawang sagutin Ang tanong ni Ursula sa kanya at sinadya Niya talagang ihulog Ang hawak na magazine sa gilid Niya para madivert Ang attensyon nito. Lihim siyang nagpasalamat ng bumalik Ang bading at binalik Ang card ni Ursula at pinapirma sa risibo. Tumayo na din siya pagkuway at hinintay na tumayo si ursula.

"Ang iksi ng short pants mo! -wika ni ursula sa kanya

"Mas maiksi iyang sayo. Kita na iyang singit mo!

Sumimangot naman Ito sabay kuha ng cellphone sa loob ng bag,

"Manong, sa harap na lang kame maghihintay. Di na kame bababa pa sa basement. Salamat. -dinig niyang wika ni Ursula sa driver nito

"Bakit di Ikaw nag drive? -tanong Niya

"Tinatamad ako.

"Kahit kailan Tamad ka talaga.

"Sus! Kung Tamad Ako di na kita samahan ngayon!

Ganyan silang mag-usap ni ursula, yung tipong aso't pusa at minsan mas tumitindi Ang argumento nilang dalawa kapag Hindi sila nagkakasundo sa isang bagay. Magpaganun pa man, vibes na vibes silang dalawa at komportable sa isa't isa. They have things in common Kaya marahil nagkasundo sila specially in fashion and taste.

"Sagot mo na Ang pag-spa ko ha? -wika Niya uli dito

"Kapag si Dwaine Ang escort mo, sagot ko lahat pati hair and make up mo. -sagot ni Ursula

Ursula came from a wealthy family, Kaya pa credit card lang Ang buhay niya. Swipe dito swipe doon, she don't care Kasi naman walang limit Hindi katulad Ang kanya na 30k lang Ang limit tapos supplementary siya ng kuya niya--- in short magkahati sila sa 30k na limit ng credit card Nila.

"Bakit ngayon mo lang naisip na puntahan Si Dwaine? Mag isang buwan na diba? -tanong ni Ursula sa kanya habang nasa daan sila papuntang SM aura

"Busy---

"Huwag Mong I-rason Ang busy busyhan mo na iyan Dahil Kasama mo ako lagi. Nanligaw lang sayo si blade nakalimutan mo na si dwaine, minsan pati Ako echepwera na.

"Hindi ko naman siya nakalimutan, in fact iniisip ko siya lagi. Siya din Ang laging laman ng kwento ni blade---

"Bakit Ano bang sinasabi ni blade tungkol Kay Dwaine?

"Ayaw nga ni blade Kay Dwaine diba? Kaya laging pinapa-alala saken ni blade na lubayan at Huwag ko ng kaibiganin si dwaine.

"Aba't Hindi pupwede iyon! Kaibigan mo si dwaine at naging kaibigan ko na din! Hindi siya dapat magdikta sayo Kung sinong poncio pilato Ang ka-kaibiganin mo, he's still courting you anyway and don't have the right to tell you about that. Kita mo na? What more pa Kaya Kung boyfriend mo na iyon?

"Hindi naman siguro ganyan si blade, sinabi naman Niya saken na gagawin niyang karapat dapat Ang sarili Niya para saken. Na Mali Ang iniisip ng Iba tungkol sa kanya, Ursula Alam mo bang Ang laki ng pinagbago ni blade?

"Hindi ko Alam iyang sinasabi mo lady marie, Dahil sa tingin ko ngayon mas lalong naging worse si blade.

"Worse? Bakit? Anong ibig Mong sabihin?

"Hindi kaba nasasakal sa kanya?

"Hindi naman Bakit?

"Iba Kasi Ang pinapakita Niya sa sinasabi ng mga mata niya. Don't get me wrong ha? Iyan ay base sa nakikita ko.

"Ano bang kaibahan ng pinapakita Niya kesa sa sinasabi ng mga mata niya?

"Magkasalungat lady marie.

LOving the Naughty-Chef (Completed) 7Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon