UNANG KABANATA

Comincia dall'inizio
                                    

Di masyadong kalakihan ang bahay namin. Gawa lang ito sa kahoy at magkakatabi lang ang mga kwarto namin ni Lola at Lolo. Sa harapan nga ng kwarto ko ay ang hapag-kainan na namin tapos sa harapan naman ng kwarto nina Lola ay ang iisang banyo at pasilyo namin. Pinagawa agad ni Lolo itong bahay ng mapangasawa na nya si Lola. Di na rin sila nagkaanak kasi mahina ang kalusugan ni Lola at ayaw ni Lolo na mahirapan si Lola sa pagbubuntis nya. Masaya naman sila kahit silang dalawa lang dahil ang importante daw sa kanila ay mahal nila ang isa't-isa. Pero sa awa daw ng Diyos ay ibinigay Niya ako sa kanila. Kaya ayoko ng hanapin ang tunay kong mga magulang dahil sapat na sa akin sina Lolo at Lola.

"Oh, Leo, gandang umaga. Maliligo na ako kaya dyan ka lang. Pagkatapos kong maligo, matulog ka na agad ha. Wag magpupuyat, pasikat na yung araw." sabi ko sa alaga kong alakdan pagkatapos ko syang kunin sa balagat ko tsaka inilagay sa isang lagayan ng sabon na para lang talaga sa kanya.

Mahilig tumambay si Leo sa paligid ng leeg ko. Minsan napagkakamalan pa syang tattoo ko dahil sa kaitiman nya. Nakita ko lang sya sa maisan namin noong 4th year high school ako. Maliit pa sya nun kaya ang cute nya. Ngayon? Cute pa rin naman. Nangangagat ba sya? Hindi naman. Sobrang bait ng kaibigan kong ito. Mas mabait pa kay Don. Minsan nga pakiramdam ko, mas naiintindihan pa nya ako kaysa sa baliw kong kababata na yun kahit na sing laki lang sya ng hinlalaki ko sa kamay.

"Walangya, anlamig!" sigaw ko sa unang buhos ko ng tubig mula sa tabo.

Napansin ko din na lumipat ng pwesto si Leo sa kabilang bahagi ng lagayan kung saan ay malayo sa talsik. Minsan napapaisip na lang ako kung may pagka-isip tao ba tong si Leo. Kahit sa pagtulog ay nagtataka din ako noon na hindi ko sya nadadaganan kahit malaya lang syang nakakalibot sa higaan ko. Tapos pag nagigising ako, lagi ko naman syang nakikita sa parte kung saan makikita ko sya agad tulad ng sa dulo ng hinihigaan kong unan o di kaya nasa ulunan ng kama ko.

Kung tutuusin, marami na kong nararanasang kakaiba sa naging buhay ko dito na kalaunan ay nakasanayan ko na din. Wala naman kasing napapahamak kaya wala din akong rasong matakot.

"Ano, handa ka na?" tanong ni Don pagkatapos kong kumain.

"Naman. Lika na." yaya ko.

"Oh, ito pamasahe at baon mo. Magpakabait ka dun ha. Wag papasobra sa kapilyuhan." habilin ni Lola sa akin na hinihintay kami sa labas kasama si Lolo.

"Grabe naman kayo sakin, pero salamat po. Mag-ingat din kayo ni Lolo dito." sagot ko na may ngiti.

"Don, ingatan mo yan. Wag mong iwawala sa paningin mo." yan naman habilin ni Lolo kay Don.

"Wag po kayong mag-alala, 'lo. Talagang di ko aalisin tingin ko sa babaeng yan, mahirap na baka masira pa nya ang buong unibersidad." pang-aasar ng napakabait kong kaibigan.

"Oh, sya sya, alis na. Mag-iingat kayo." pamamaalam ni Lola sa amin.

"Alis na po kami." sabay na pamamaalam din namin ni Don.

"Isasama mo pa din ba si Leo? Ibang lugar na dun, di na tulad ng dati nating pinapasukan. Baka di ka papasukin o di kaya magiging sanhi pa ng gulo." naglalakad na kami ni Don papuntang baryo. Dun lang kasi kami makakasakay ng trysikel palabas sa highway kung saan kami maghihintay ng bus.

"Tingin mo ba?" pinakita ko sa kanya ang pwesto ni Leo. Nakapwesto sya sa may ibaba ng kaliwang bahagi ng leeg ko.

Pinaliit nya ang mga mata nya at medyo inilayo pa yung mukha nya.

"Magbibilang na ba ako kung ilan magsisigaw?" biro nya kaya kinaltukan ko sya.

"'Gat di sya gagalaw dyan, walang makakaalam. Gabi lang naman sya gising eh, kaya parang tattoo lang sya dyan." pinakita ko ulit sa kanya ang leeg ko.

Wala na syang nagawa kaya umiwas na lang sya ng tingin at hinayaan na lang.

Nakasakay naman kami kaagad ng trysikel dahil marami namang nakaparada kaya di kami masyadong natagalan papunta dito sa hintayan ng bus.

Habang naghihintay kami ng bus, di ko maiwasang mapansin ang iilang mga taong dumadaan na may kadena sa pulsohan tulad ng kay Don. Isa ito sa mga pinakakaiba at pinakamahiwaga sa mga nararanasan ko hanggang ngayon. Ang mga kadena sa pulsohan ng ilang mga tao na tanging ako lang ang nakakakita.

Blood and the Seven VampiresDove le storie prendono vita. Scoprilo ora