"Rhian...."

Nag-look away si Rhian. "Kung ayaw mo kong samahan, ako nalang. Ako nalang yung pupunta sa kanya." Nagmadaling pumunta si Rhian sa may pinto nung kwarto ng hospital kahit na hirap na hirap siyang maglakad dahil sobrang sakit pa nga rin ng katawan niya.

Nadine just looked at her. Alam niyang mahirap kay Rhian na paniwalaan yung nangyari kay Glaiza. Hindi din niya alam ang gagawin dahil kahit siya, nabibigla din sa mga nangyayari.

Hinawakan na ni Rhian yung doorknob para sana buksan yung pinto pero sa sobrang panlalambot, bigla nalang siyang natumba at yung tahimik na iyak niya, lumakas at rinig na sa buong kwarto.

"No." Rhian said habang umiiyak. "No. No G. No. No. Hindi... No. Hindi, G. Hindi."

Unti unting lumapit si Nadine kay Rhian. Kitang kita niya yung pagbbreakdown nito. Yung sobrang iyak. Yung nakahawak na kamay sa tagiliran dahil alam niyang nasasaktan din ito physically dahil nga sa mga sugat na natamo nito. Pero kung titingnan talaga, mas lamang yung sakit emotionally. Yung sakit na nararamdaman ni Rhian dahil nga sa pagkawala ni Glaiza. Sa pagkawala ng taong mahal nito.

"Rhiri..." Lumapit si Nadine kay Rhian at niyakap ito. "Shhhh..." Sobrang dama niya yung panginginig ni Rhian. Yung parang hindi ito makahinga kakaiyak.

"Hindi. Hindi Nadine. Nandito pa siya. Nandito pa si Glaiza. Nafifeel ko yun. Hindi siya nawala. Hindi..... Ayoko.... Ayoko Nadine please tell me na hindi to totoo... Please... Ayoko Nadine.. Natatakot ako...." Rhian said between her sobs. "Nafifeel kong nandito siya. Nandiyan pa siya.... Hindi niya ko iiwan. Sinabi niya yun eh... Wala kaming iwanan. Sinabi niya yun Nadine... Hindi..." Nginig na nginig na si Rhian habang nagsasalita. Hindi siya naniniwala.... Hindi talaga at ayaw niya, kailanman, maniwala.

"Rhiri.... I'm sorry." Nadine said at niyakap lalo si Rhian.


"Nararamdaman kong nandito pa siya.... Sabi niya kasi walang iwanan e. Sabi niya walang mang-iiwan. Nararamdaman kong nandito pa siya. Magkasama lang kami kahapon.... Nandito pa siya Nadine. Hindi siya nawala... Ayokong mawala siya... Nadine, natatakot ako.. Ayokong iwan niya ko. Ayoko... Natatakot ako... Bakit... Bakit ganito... Ayokong maniwala... Bakit ganito Nadine...." Break down na break down na si Rhian. Sobra sobra na... Hindi na niya kaya pa. Halos hindi na nga siya makapagsalita dahil sa sobrang iyak. Hindi na niya alam... Masakit yung katawan niya pero mas masakit tong nararamdaman niya. Yung puso niya, parang durog na durog na. Hindi na niya alam.... Sobrang sakit...

Nadine tapped her back. Wala din siyang magawa para pakalmahin si Rhian. Bago palang magising si Rhian, alam na niyang ganito ang magiging reaksyon nito kapag nalaman na wala na nga si Glaiza. Pati siya, nasasaktan din. Hindi din siya makapaniwala. Sobrang biglaan.... Bigla bigla nalang nangyari...


//




Tumulo yung luha niya sa locket na yun. Yung locket na may wave form ng I love you ni Glaiza.... Pinagmamasdan yun ni Rhian kanina pa. Tahimik nanaman siyang umiiyak.


"Halika na."

Lumingon si Rhian kay Nadine na nasa may pinto ngayon at niyayaya na siya. Lalabas na siya ngayon sa kwarto niya dito sa hospital at pupuntahan si Glaiza. Pupuntahan kung nasan ito ngayon.


Tumayo na rin siya. Masakit pa rin yung tagiliran niya at yung mga sugat niya tsaka may benda pa rin yung ulo niya pero wala na yun sa kanya. Si Glaiza yung iniisip niya at gusto niya itong makita....

RASTRO FEELSWhere stories live. Discover now