Chapter 42

4.6K 149 3
                                    

CHAPTER 42: CONFESSION






NADINE P.O.V


"Fiance naman eh, hindi nga ako ganun!"




"Anong hindi eh nung first year tayo kulang na lang lagyan mo ako ng tag na 'fiancee ko toh' diba Xander?"




"Oo, naaalala ko. Tapos diba buntot s'ya ng buntot sa'yo at nung mag-cr ka, binantayan ka sa labas ng cubicle mo. Dude! That was so creepy. Lakas ng tama sa'yo ni Cassandra nun!"




"Grabe! Hahaha obsessed ka pala nun kay Lance." Komento pa ni Chesca habang nagpupunas ng bibig dahil sa kan'yang pagtawa.




"At ito pa! After flag ceremony namin, dapat magdadasal s'ya pero iba ang sinabi n'ya. Pinagbantaan n'ya lahat ng babae sa school namin na bawal nilang lapitan si Lance kundi mananagot lahat sa kan'ya." Dagdag pa ni Xander.






"Tama na nga! Pinapahiya n'yo na ako eh." Sa tagal ng panahon mula nang makilala ko si Cassandra, ngayon lang ako nainis ng ganito sa kan'ya.





"Hahaha... Ang cute mo talaga kapag nahihiya. Syempre alam namin na nagbago ka na." Pinisil ni Lance ang ilong ni Cassandra at pinahiran ng mayonnaise ang pisngi nito.




Dahil sa ginawa n'ya, everything in the table now turned in a mess. Kahit sila ay nagkagulo na din. They were happily chasing each other, laughing and playing. I can't help myself to be bitter about it. Hindi ako natutuwa na masaya sila dahil kay Cassandra. I am selfish, yes! But what can I do? Hindi ko mapigilan ang inis na nararamdaman ko.




Kinuha ko ang bag ko at lumabas na ng hotel room na inupahan nila. Habang naglalakad sa lobby ay hindi ko mapigilang mapangiti ng mapakla. It seems that no one notice that I'm gone. Ganoon sila kasaya na hindi man lang nila napansin na nakaalis na pala ako.





"Nadz!" Muntik na akong mahulog sa hagdan nang may marahas na humila ng braso ko. Mariin akong napatingin sa kamay n'yang nakahawak sa akin. Kahit hindi ko tingnan ang mukha n'ya ay ramdam ko ang paghahabol n'ya ng hininga dahil sa pagtakbo.





"What?" Tanong ko na hindi pa rin nag-aangat ng tingin. Nanatili lang akong nakatinhin sa kamay n'ya.




"Let's talk please." Pakiusap n'ya. Hindi ko magawang mag-salita. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin.




Nang mapansin n'ya na wala akong balak sumagot ay hinila n'ya ako papalapit sa kan'ya at mahigpit na niyakap. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Ang bilis din ng pagtibok nito. Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng ganito. No! Alam ko pala, natatakot lang akong aminin sa sarili ko.
Natatakot ako sa mga posibleng mangyari. Natatakot ako na masaktan ako, na masaktan ko s'ya.





"Nararamdaman mo ba yun Nadz? Nararamdaman mo ba ang bilis ng pagtibok ng puso ko? Gan'yan ang epekto mo sa akin Nadz. Binabaliw mo 'ko."




"Ano ba'ng sinasabi mo?" Tanong ko at itinulak s'ya papalayo. Hindi ko s'ya magawang tingnan sa mga mata kaya tumalikod ako sa kan'ya at humakbang pababa sa hagdan.






She's A Gangster Princess [COMPLETED]Where stories live. Discover now