Chapter 37

5.6K 163 5
                                    

CHAPTER 37: FLOWER




NADINE P.O.V

"Nadz, kailan ba tayo pwedeng pumunta sa Daddy ni Margaux? Nakuha na ni Isabelle ang address n'ya dito sa Pilipinas. Hindi natin sure kung nandito ba s'ya pero kailangan nating sumugal." Napabuntong hininga ako sa sinabi ni Claire. Sa totoo lang wala na akong time para personal na hanapin si Margaux. I asked my men to do that job for me but I can't tell them.

Inabot ko ang phone ko at idinial ang number ng isa sa mga tauhan ko na naghahanap kay Margaux.

"I'm also worried about her. Hindi natin alam kung okay lang ba s'ya. All we know is that there's this guy who have her. Other that that, wala na tayong clue." Dagdag ni Isabelle.

I close my eyes to calm myself. "I know. We are all worried, pero may mga problema din ako na hindi ko naman pwedeng ibahagi sa inyo. At ang paghahanap kay Margaux at this moment ay hindi ko na magagawa." I handed them my phone kung saan may mga information na nakuha tungkol kay Margaux. Inayos ko ang gamit ko at nagtangka nang umalis.

Before leaving, kinuha ko na ulit ang phone ko.

"I hope makatulong sa inyo ang mga information na yun. Also, according sa investigator na hinire ko for Margaux nasa Madrid ngayon ang Daddy n'ya so nonsense din kung pupunta kayo sa bahay nila dito sa Pilipinas." Pagkasabi ko nun ay umalis na ako sa Kiosk. Iyon ang kalimitan naming tinatambayan dito malapit sa field.

Dahil sa paghihigpit ngayon ng council may ilang anumalya na natuklasan. At kaming mga bahagi nito ang responsable para maayos muli ito. I've been very busy lately at hindi ko na alam kung paano pa pagsasabay sabayin ang mga bagay.

Hindi ko na napansin kung saang direksyon ba ako lumiko. I just notice that I'm lost because I'm seeing different flowers now.

"Kayo po pala 'yan Ms.Nadine." Napalingon ako sa likod nang may magsalita. Nakita ko ang isang babaeng naka-white lab coat at may hawak na bonsai.

Iniikot ko ang paningin ko sa paligid. Nasa perimeter pa rin naman ako ng school pero ngayon lang ako nakarating sa lugar na ito.

"Saang bahagi ito ng school?" Tanong ko at muling humarap sa kan'ya.

Ang daming iba't ibang bulaklak na hindi ako pamilyar. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong klase ng mga bulaklak.

"Nasa botanical garden po tayo ng school. Dito kumukuha ng resources ang research team ng university." Tiningnan ko s'ya sa mukha at doon ko naalala kung saan ko s'ya nakita. Isa s'ya sa palaging naka-duty sa clinic. Hindi ko alam kung nurse ba s'ya o intern.

Ipinikit ko ang mga mata ko at lumanghap ng sariwang hangin. Pagmulat ko ay nakita ko ang isang kulay berde na ahas na hindi lalampas ang haba sa aking braso at kasing taba lamang ng hinliliit na daliri ko.

Marahan ko itong kinuha sa sanga na kaagad namang pumulupot sa aking braso.

"Miss Nadine baka po makagat kayo. Hindi naman venomous ang ahas na 'yan pero kailangan pa rin pong mag-ingat." Sabi n'ya sa akin pero hindi ko s'ya pinakinggan. Pinalandas ko ang likod ng aking palad sa makinis nitong balat na parang isang maamong hayop.

Inilabas nito ang kanyang dila at kinagat ako sa braso. Napadaing ako sa gulat at walang anu-ano ay pinatay ko ito gamit ang aking kuko.

"Naku! 'yan na nga ang sinasabi ko eh." Lumapit s'ya sa akin at pinadugo ang bahaging nakagat ng ahas.

Napatingin ulit ako sa ahas na ngayon ay wala ng buhay. Para silang mga tao, akala mo kung sinong maamo at kaibigan mo pero sa huli, sila rin pala ang tutuklaw sa'yo.

"Sumama na lang po kayo sa akin dito." Hinila n'ya ako sa gitnang bahagi ng garden kung saan may maraming magagandang bulaklak. Hindi ko alam na may ganitong klaseng lugar sa University. Pero sabagay, kahit na huling taon ko na ngayon ay hindi ko naman nagawang libutin ang buong school.

Napatingin ako sa kulay orange na bulaklak na nasa tabi. Mahaba ang tangkay nito at nasa mismong bulaklak ang tinik.

"Ang bulaklak na 'yan ang paborito ko sa lahat." Bigla n'yang sabi. Napansin n'ya siguro ang pagtitig ko doon. "Maraming nagsasabi na oras na magtagpo ang mga mata ng isang babae at lalaki sa bulaklak na ito ay sila raw ang magkakatuluyan sa huli. Mahiwaga para sa akin ang bulaklak na ito dahil hindi mo s'ya magagawang pitasin dahil oras na hawakan mo ito ay mamamatay ka."

Hahawakan ko sana ang bulaklak na iyon para malaman kung totoo ba ang sinasabi n'ya nang makarinig ako ng pagkaluskos. Napaangat ako ng tingin at kaagad bumilis ang tibok ng puso ko nang malaman ko kung sino ito. Heto na naman s'ya at minamaligno ako.








CLAIRE P.O.V

"Nakakatampo naman si Nadz. Hindi na n'ya tayo masasamahan sa paghahanap kay Margaux." Sabi ko habang kinakain ang corneto ice cream na binili ko sa 7/11.

"Ano ka ba naman Claire. Baka marami lang talagang problema yung tao." Sabi sa akin ni Isabelle. Hindi n'ya man lang magawang tumingin sa akin habang nagsasalita dahil busy s'ya sa pagkopya ng sagot sa assignment namin sa Gen Math. Buti na lang at nasa akin ang notebook ni Steve. Hindi kami nahihirapan sa pagsasagot.

"Ewan ko din. Basta ang alam ko, masarap 'tong corneto na chocolate flavor."

"Hay naku Claire! Ubusin mo na nga 'yan at magta-time na. Tapos na rin naman akong kumopya ng assignment."

"Hanla! Oo nga pala. Ibabalik ko pa 'yan kay Steve." Mabilis kong inubos ang ice cream ko at inayos ang mga gamit kong nagkalat para makaalis na. Hindi kasi alam ni Steve na kinuha ko ang notebook n'ya sa bag.

Habang naglalakad kami papunta sa first subject namin ay nakita ko na puno ng tao ang gymnasium. Wala bang klase?

Hinila ko si Isabelle paliko at napansin ko na panay ang lagay ng make up at pagpapa-cute ng mga babae. Pilit akong nakisiksik sa kanila para makita kung ano ang meron.

Sa loob ng gymnasium ay nakita ko sina Steve na naka-jersey at naka-upo sa bleachers. Hindi pa nagsisimula ang game dahil mukhang kulang pa ang player pero andami na kaagad tao. Inter high na nga pala next week.

Napakunot ako ng noo nang makita ko ang isang babae na sobrang kapal ng blush-on na papalapit kay Steve habang may dalang snacks and energy drink. Mabilis akong naglakad papalapit dito at hinarang s'ya.

"Not that fast bitch!" sabi ko sa babaeng makapal ang blush-on sabay ngisi. Nakita ko pa si Reniel, isa sa mga teammate ni Steve na nagthumbs-up sa akin habang nakapulupot dito ang girlfriend n'yang si Recheane na leader ng cheer dance.

Hindi ko naman s'ya pinansin at inagaw ko na lang ang dalang snacks ng babaeng nasa harap ko. Nang pabalik na ako sa pwesto ko kanina ay nakasalubong ko si Lance na hindi maipinta ang mukha. Para s'yang bata na hindi nabigyan ng candy.

"Oh! Nanyare sa'yo?" tanong ni Xander na katabi na ngayon ni Chesca.

"Si Nadz kasi. Hinanap ko pa s'ya at pinuntahan sa magubat na taniman na yun para lang manuod ng practice natin, ayaw naman."

"Niyaya mo ba ako?" Hindi ko tuloy mapigilang matawa. Napalingon si Lance sa likod na mukhang kinakabahan. Si Nadz naman seryoso lang na nakatayo.

"Ahh, hindi ba kita niyaya?" Nagkakamot ng batok na tanong ni Lance. Napailing na lang ako, mukhang nadaanan na naman s'ya ni katorpehan.







HAPPY READING 😘

She's A Gangster Princess [COMPLETED]Where stories live. Discover now