Chapter 12

7.5K 268 2
                                    

CHAPTER 12: PAGEANT





THIRD PERSON P.O.V

Dahil sa gulong nangyari ay hindi gaanong napanood ni Lance ang mga naunang part ng event. Bukod din sa naistorbo n'yang panonood ay nagkaroon din ng mga tanong sa kan'yang isipan.



Paano sila nagkakilala ni Bloody Prince?



Ano'ng koneksyon nila sa isa't isa?



Hindi n'ya maiwasan na magtanong, lalo pa at hindi basta basta ang lalaking kanina lang ay ipinagtanggol si Nadz.



Nagsimula na muling rumampa ang bawat kandidata. Halos lahat ng manonood ay hindi na mai-alis ang mga mata sa stage. Wala naman kasing maii-pintas sa bawat isa. Ang lahat ay may kan'ya kan'yang taglay na ganda kaya naman kahit ang mga judges na nasa ibaba ay nahihirapan din sa pagpili ng mananalo.



Inaasahan na naman nila na matindi ang magiging labanan dahil taon taon at hindi nabibigo ang bawat paaralan na magpadala ng representative na may kakaibang abilidad.



Ngunit ngayon ay mas mahirap. Kitang kita sa mga mata ng bawat kasali ang determinasyong manalo. Bukod kasi sa dinadala nila ang pangalan ng kanilang paaralan ay may kani-kaniya rin ang mga itong pangalan na iniingatan.



"Go Nadz! Whooo!!!" Sigaw ni Claire at itinaas ang hawak nitong tarpaulin na may malaking mukha at pangalan ni Nadz. "Go! Go! Nadine!!"



Ang ibang mga manunuod ay napapalingon dito at nakiki-cheer din. Tuwang tuwa namang nagtatalon ang katabi nitong si Isabelle at iwinagayway ang letter balloon na hawak nito.



"Chesca, paki-abot naman ng light stick ni Nadz oh!" Sigaw ni Margaux na nakiki-cheer kasama ang dalawa. Dahil sa ingay ng mga tao sa paligid ay kinailangan pa ng mga ito na isigaw ang mga sinasabi.



Si Chesca na nagvi-video at nagko-cover ng buong event ay saglit na ibinitaw ang isang kamay sa hawak na camera para mai-abot ang light stick. Patapos na rin naman ang pag-rampa para sa Philippine costume kaya ayos lang kung saglit na maiiba ang anggulo.



"Those were great and fabulous!"




Sabi ng MC matapos ang pag-rampa para sa Philippine costume na s'ya namang umani ng iba't ibang positibong reaksyon mula sa mga manonood.

Ang lahat at dalang dala sa ganda at pagdadala ng bawat kandidata ng kanilang costume, ngunit iba sa mundo ng isang Lance Reyes.





LANCE P.O.V.

Nang si Nadz na ang rumampa pakiramdam ko namanhid ako sa kinatatayuan ko. Hindi ako maka-kilos, maging ang paningin ko ay nanatiling tutok sa kan'ya. Napapalibutan ako ng maraming tao pero ang ingay ng tibok lang ng aking puso ang naririnig ko.



Ganito ang naramdaman ko nung makita ko s'yang umiiyak sa library, pero wala yung sakit. Yung kaba at pakiramdam lang na parang naghahabol ako ng hininga ang nandoon.



Ang hirap ipaliwanag. Nagsisikip ang dibdib ko dahil sa bilis ng pagtibok ng puso ko pero sa positibong paraan.



Hindi man kapani-paniwala, pero nakakaramdam ako ng saya.



Hindi ko alam na posible pa palang maging mas maganda si Nadz. Bagay na bagay rin ang suot nito sa kan'ya.

Malalim ang gupit sa may parteng dibdib n'ya pero hindi tulad ng iba na malaswa, disente at napaka elegante nitong tingnan sa kan'ya.



She's A Gangster Princess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon