Chapter 20

5.8K 200 13
                                    

CHAPTER 20: UNCONSCIOUS


TYLER P.O.V

10:30 pm at bigla na lang nagpatawag ng meeting ang mga taga-council. Ano ba'ng akala nila sa amin? Vampire? At hindi natutulog?



Dahil nga inaantok pa ako at wala pa sa huwisyo ay nagpa-iwan ako kina Lance at sinabing susunod na lamang ako.



Sa shortcut sa kabilang subdivision ako dumaan. Kumapara sa paikot ikot na daan sa J-Venile, dalawang eskinita lamang ang kailangang lampasan dito. Binilisan ko ang paglalakad ng magsimula nang pumatak ang ulan.



Nakita kong may babaeng tumatakbo papunta sa isang motorbike kaya sandali akong napahinto.



Si Nadz ba yun? Pamilyar ang katawan at buhok nito parang si Nadz. Kaya naman imbis na sa J-Venile pumunta ay sinundan ko s'ya.



Hindi nga ako nagkamali. Nang tuluyan ko na s'yang malapitan ay nakita ko si Nadz na walang malay at hawak ang tagiliran n'yang dumudugo. Napansin ko rin ang isang lalaking walang malay malapit sa kan'ya.



Sa hindi kalayuan ay mayroon pa ring ilang lalaki ang walang malay.



Sila ba ang may kagagawan nito?



Ano'ng kinalaman ni Nadz?



Bakit s'ya may saksak?



Binuhat ko si Nadz at isinakay sa kan'yang motorbike para mabilis ko s'yang mailabas. Nasa gilid kasi ng highway ang kotse ko. Dahil sa shortcut ako dumaan at eskinita ay hindi ko naipasok ang kotse ko.



Nang makalabas kami ng eskinita at lumapit ako sa cashier ng isang 24/7 store para makabili ng ilang medicine kit.



" P172.25 po lahat sir!" Iniabot ko sa kan'ya ang bayad at kinuha ang binili kong bulak at ilang gamot.



"Ah, Miss, pwede bang pakihabilin muna ako nitong motorbike ng kasama ko? Bukas ko na lang kukunin." Pakiusap ko nang makita ko na may ilang nakapark na sasakyan sa gilid ng store nila.



"Pwede naman po sir. Paki-chain na lang po sa tabi para hindi manakaw."



"Salamat Miss."



Isinakay ko si Nadz sa kotse ko at ikinadena ang motorbike n'ya sa labas.

"Ayy sir! Sino po 'yang kasama n'yo? Naku! May sugat po s'ya." Nakita ko si Manang na natataranta nang pagbuksan n'ya kami ng pinto. Matanda na si manang kaya mabilis itong nerbyusin.



"Manang, ipa-usap n'yo naman po ako kay Celia ng maligamgam na tubig. Sabihin n'yo po pakidala po sa taas. Kayo naman po, magpahinga na kayo at gabi na. Bukas ko na lang po iku-kwento sa inyo ang nangyari." Umakyat na din ako sa taas at ibinaba si Nadz sa kama.



Simula pa kanina nang makita ko s'ya ay hindi pa s'ya nagkakamalay. Mayroon na rin s'yang lagnat at habang hinihintay ko ang maligamgam na tubig ay inihanda ko ang ilang gamot.



"Iho ito na ang tubig. Ako na ang magpupunas sa kan'ya at maglilinis ng sugat n'ya." Napalingon ako kay manang sa pinto.



"Manang talaga oh. Sinabi ko ng magpahinga na lamang po kayo."



"Naku iho, ay hindi rin naman ako makakatulog lalo pa at alam kong may babaeng hindi maayos ang lagay dito sa kwarto mo. Ano ba'ng nangyari sa kan'ya?"



"Hindi ko rin po alam manang eh. Kaibigan ko po s'ya at nakita ko lang s'ya sa isang eskinita na walang malay at may saksak sa tagiliran."



"Kayganda pa namang bata. Kaibigan mo lang ba ito? Bakit hindi mo na lang gawing girlfriend?" Natawa ako sa sinabi ni manang. Ngayon ko lang din naalala na hindi ko pa nga pala naiipakilala sa kanila si Margaux.



"Naku manang! Kaibigan lang po talaga. Isa pa ay may girlfriend po ako. Hayaan n'yo po at ipapakilaka ko s'ya sa inyo." Pinagmasdan ko ang paglilinis ni manang sa sugat ni Nadz. Malalim pala ang naging saksak n'ya. Kaya siguro s'ya kaagad nawalan ng malay at dinapuan ng lagnat.



"Nalinis ko na ang sugat n'ya. Hayaan mo na lang s'yang magpahinga. Bukas at tumawag ka na rin ng doctor para opisyal s'yang matingnan." Tinulungan ko sa pagliligpit ng gamit si manang. Mukha namang maayos ang pagkakagamot n'ya kaya sana magising na rin bukas si Nadz.



"Opo manang."



"Lalabas na ako. Ikaw rin ay magpahinga na."





• • •




Maaga akong nagising. Nakita ko si Nadz na wala pa ring malay at medyo malalim ang paghinga. Lumapit ako sa kan'ya at hinawakan ang kan'yang noo.




Sobrang init at ang taas ng lagnat n'ya. Kumuha ako ng thermometer at inilagay sa may leeg n'ya.



Nang magkombulsyon si Nadz ay tinawagan ko na si Uncle. Isa s'yang doctor at s'ya lang ang kilala ko na makakatulong sa akin.







CHESCA P.O.V

Kanina pa ako dito sa harap ng salamin at nagpa-practice ng sasabihin.



'Mommy may boyfriend na po ako'



'I have a boyfriend mommy'



'My, jowa ko'




'Mommyyyyy, sorry pero may boyfriend na po ako'



Kainis naman. Bakit ko ba kasi pinapractice pa yun? Alam ko naman na matutuwa pa si mommy kapag sinabi ko sa kan'ya na may boyfriend na ako. Nang si Nadz nga at PaulJohn, kahit grade 10 pa lang kami kilig na kilig so mommy. Sabi n'ya pa, magboyfriend na daw ako para maaga s'yang magka-apo.



Naman diba?? Boyfriend lang ang usapan tapos hihingi kaagad ng apo?




Kaya nga bagay na bagay si Tita Angelie; mommy ni Claire at si mommy eih. Parehas silang mga advance mag-isip.



"Baby merienda ka muna."



"Ayy! Boyfriend ko mommy" Napasigaw ako sa gulat ng bigla na lang magsalita si mommy.



"Anong boyfriend baby? May boyfriend ka na?" Napatapik ako sa noo ko nang marealize kung ano ang nasabi ko.



Sa tagal tagal ko sa harap ng salamin, sa ganung paraan ko lang pala masasabi.




"Mommy! Bakit ba basta basta ka na lang pumapasok sa kwarto ko." Inabot ko ang dala n'yang meryenda at ipinatong sa lamesa.



"Yiieeehhh... Sino'ng boyfriend mo baby?" Kinikilig pa nitong tanong. Mas excited pa talaga s'ya sa'ken tungkol sa mga boyfriend thingy na 'yan.




"Mommy, wala pa po. Ahm, nagpapractice lang ako." Nagpapractice pa lang naman talaga ako eh.




Kahapon kasi nang papunta ako sa gymn narinig ko ang usapan nina Xander. Bibisitahin ko kasi sana sila para itanong kung napansin ba nila si Nadz kung pumasok. Hindi na kasi kami magkaka-klase ngayong second semester.



Sa gymn lang din naman sila tumatambay ngayon dahil palagi silang may training ng basketball. Malapit na kasi ang Varsity Match.




Tapos ayun nga! Narinig ko na sinabi ni Xander na tatanungin na n'ya daw ako kung pwede n'ya ba akong maging girlfriend.



Eh sino ba naman ako para humindi, diba?



"Pero basta baby huh! Ingatan palagi ang puso."




"Syempre naman my."











HAPPY READING 😘

She's A Gangster Princess [COMPLETED]Where stories live. Discover now