Chapter 32

5.4K 204 5
                                    

CHAPTER 32: MALIGNO?





NADINE P.O.V

Kinuha ko ang phone ko sa bag nang marinig ko na may nagtext.

1 message receive

Nadz, punta ka sa field. Nandito kami.

sender: chesca <3
6:02am
01/02/03



Nang mabasa ko ang text ni Chesca ay doon na ako dumeretso. Nakita ko dun sila Chesca, Isabelle at Claire na malungkot na nag-uusap.



Ilang hakbang na lang ang layo ko sa kanila ay sinalubong na ako ng yakap ni ng umiiyak na si Claire.



"Nadz, nag-aalala na kami kay Margaux." Umiiyak nitong sabi habang nakayakap sa akin. Niyakap ko s'ya pabalik at inaya na maupo sa tabi nina Chesca.



"1 week na s'yang hindi nagpaparamdam. Hanggang ngayon, wala pa rin kaming balita sa kan'ya." Frustated at nag-aalalang sabi ni Isabelle. Kahit ako ay nag-aalala rin. Simula nang ikwento sa amin ni Chesca ang nangyari ay hindi na namin s'ya naka-usap pa. Hindi ko tuloy mapigilang makaramdam ng guilt. Alam ko na isa ako sa dahilan ng pagkawala n'ya.



Kung hindi lang sana iyon ginawa ni Tyler.



Si Tyler, nababaliw na s'ya. Paano n'ya nagawa ang ganoong bagay?



"Ipapahanapa ko s'ya sa buong City." Sabi ko sa kanila.



"Nagawa na namin Nadz pero wala pa rin."



"Nag-aalala na ako. Paano kung may masamang nangyari sa kan'ya?"



"Paano kung tumalon pala s'ya sa tulay? Hindi pa naman stable ang emosyon n'ya ngayon?"



"o baka nag-bigti sa gubat."



Napabuntong hininga na lang ako sa sinasabi ng dalawa. Mukhang wala na nga talaga silang pag-asa. Pinag-untog naman ni Chesca ang ulo nung dalawa dahil sa pinagsasabi nila.



"Huwag nga kayong magsalita ng gan'yan. Mahahanap natin s'ya. Hahanapin natin s'ya." Umiiyak na sabi ni Chesca. Sa aming tatlo s'ya ang hindi mapakali sa pagkawala ni Margaux. S'ya kasi ang hiking nakasama nito sa amin at sinisisi n'ya ang sarili n'ya dahil hindi n'ya nagawang samahan si Margaux.



"Huwag kayong mag-aalala. Hindi tayo titigil hanggat hindi natin s'ya nakikita." Pagpapalakas ko ng loob sa kanila. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang isa sa mga kilala kong private investigator from the underground society.



"Kung lumapit na kaya tayo sa Daddy n'ya." Suhestyon ni Isabelle. Nagulat naman ako sa sinabi n'ya dahil ang alam ko ay step brother n'ya lang ang meron s'ya at patay na ito.



"Daddy?"



"Oo, yung tunay n'yang daddy. Hindi sila magkasundo pero feeling ko wala na tayong choice."



"Isa pa, mahal naman s'ya ng daddy n'ya. Si Margaux lang talaga ang galit." dagdag pa ni Claire.



"Oh! Eh ano pa'ng ginagawa natin? Tara na!" Biglang tumayo si Chesca kaya lahat kami ay napatingin sa kan'ya.



"May klase pa." Bagsak naman ang balikat na naupo ulit s'ya.



"Paano naman tayo matutulungan ng Daddy n'ya?" seryoso kong tanong sa kanila. Dahil kung nagawa na nilang ipahanap si Margaux, ano'ng paghahanap pa ang gagawin n'ya?



She's A Gangster Princess [COMPLETED]Where stories live. Discover now