Chapter 17

13.1K 294 15
                                    

Chapter 17

Maisie

Nilakad ko ang daan papunta sa cafeteria ng school. It's already lunch time pero 'di ko pa rin nakikita si Sophie. Saan kaya siya? Hindi man lang pinansin ang mga tawag at texts ko. We're supposed to have lunch together but I ended up eating alone.

Habang kumakain ako ng lunch, napatingin ako sa isang table na malapit sa akin. May magkasintahan na nakaupo roon. I saw the guy wiping away the crumbs of the sandwich on the girl's lips. Ang sweet nilang tingnan. Naiinggit tuloy ako.

Bakit ba kasi wala akong boyfriend na kapwa estudyante ko lang? I think I skipped that part of my life. Pag aasawa kasi ang nauna at hindi ang pag nonobyo. Hindi ko man lang na nasubukan na ligawan ng asawa ko. Feel ko tuloy abnormal 'yong phase ng buhay ko. Nauna pa ang pag-aasawa kesa sa panliligaw.

Suddenly, Kyle crossed my mind. These following days, napapansin ko palagi kong naiisip si Kyle. I can't help it. It's like he's an aphrodisiac. I can't function properly without a dose of him.

Pagkatapos kasi noong last date namin, hindi na naalis sa isip ko si Kyle. I'm beginning to understand his mood, attitude, and personality. And I must say he is a nice person.

Habang tumatagal, nag-iiba ang tingin ko kay Kyle. I can't deny the fact that he is attractive and hot. Nasa dugo na niya talaga iyon.

Kahit mga schoolmates kong babae laging tinititigan si Kyle sa tuwing sinusundo niya ako. Ang sarap sabunutan ng mga bruha kung maka tingin kay Kyle parang may halong pagnanasa. Hindi ko alam kung bakit ako apektado. Hindi naman siguro ako in love para mag selos?

'Di pwede 'yon. I just saw something in him that I can't explain yet. Siguro ayaw ko lang talaga na may lumalandi sa kanya habang kasal pa kami. Respeto na lang din sa pagkababae ko.

I was back to my consciousness when someone tapped my shoulder. Lumingon ako only to find Sophie's face wet from crying. Namumugto ang mga mata niya. Oh god! What happened to her? Sinong walang hiyang nagpa-iyak sa best friend ko?

Niyakap niya ako ng mahigpit at humagulhol.

"Sophie, anong nangyari?" Niyakap ko siya pabalik.

"Ang sakit, Maisie. Ang sakit sakit." Tinitingnan na kami ng ibang taong kumakain sa cafeteria dahil sa lakas ng hagulhol niya. Pati 'yong magsyota, natigil na rin sa paghaharutan.

"Sshhh. Halika, sa labas natin pag-usapan 'yan."

Dinala ko siya sa isang kiosk na medyo pribado para maibuhos niya ang nararamdaman niya. Pinaghalong sakit at lungkot ang nakikita ko sa mga mata niya kahit puro lang iyak niya ang naririnig ko. Hindi kalaunan, natigil rin siya at unti-unting bumalik ang boses niya.

"Si Daryl..."

"What about him? Anong ginawa niya sa iyo?"

"I broke up with him." And there she cried again.

"Paano? Bakit kayo nag break?" Inabutan ko siya ng tissue at hinimas ang buhok niya.

"May iba na siya. Nakita ko siyang may ibang kasamang babae sa isang mall kahapon."

"What? Sigurado ka ba diyan? Baka naman kaibigan niya lang 'yon..."

"No! Nakita ko silang magkahawak kamay. HHWW pa ang mga gago! Sinundan ko sila hanggang sa parking lot at bago pa sila makasakay sa sasakyan, ay aba ang mga punyeta nag halikan. Kitang kita ng dalawang mata ko! They kissed! On the lips! May magkaibigan bang naghahalikan?"

Walang hiya 'tong si Daryl! Asan kaya 'yon para mapatay ko? Ang kapal ng mukha para gaguhin si Sophie.

"Tama na. He doesn't deserve your tears. He's a cheater. You see, while you are not around he's flirting and kissing other girls. Boys like him should be punished. Pero ayaw kong mapuno ng galit iyang puso mo Sophie. You just did the right thing and that is breaking up your relationship with him."

His Property (Ugly Past Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon