38 - Family.

Mulai dari awal
                                    

"May tanong lang ako... don't get me wrong, but... pwede pa ba ang sexual intercourse kahit buntis na?" bulong ko. Nahihiya nga ako pero kinapalan ko na ang mukha ko.

Ngumiti naman si Penny. "Sexual intercourse is fine as long as the two of you will do positions that will not harm the baby."

Tumango naman ako at ngumiti tapos pumunta na ako kay Damon. Sabay kaming lumabas ng ob-gyne office at naglakad.

"What did you asked Penny?" tanong ni Damon. Bigla naman akong namula sa tanong niya. Sasabihin ko ba? Sabagay kailangan kong sabihin dahil involve siya.

"Uhm... T-tinanong ko lang kung p-pwede pang mag... s-sex kahit buntis ako..." mahina kong sabi. Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Damon.

"Eh anong sagot ni Penny?" sunod na tanong ni Damon. "P-Pwede as long as... we'll do p-positions that will not harm our baby..." mahina kong sagot. Gosh, he's the father of my child, dammit! Di ko kailangang mahiya.

Nakita ko namang tumango si Damon pagpasok namin ng elevator. "Hmm. Leave that thought to me."

Goodness. Di ko alam kung bakit nahihiya ako. Paglabas namin ng elevator, dumerecho na kami sa parking. Talagang inaalalayan ako ni Damon. Gosh, buntis ako hindi disabled.

Pagpasok namin ng kotse, kinausap ko siya. "Saan na tayo?" tanong ko.

Damon started the engine first before answering. "Maggrocery tayo ng healthy foods for you and our baby. Then if we still have time left, we'll go to your parents to tell them the good news."

Bigla naman akong kinabahan sa huli niyang sinabi. Paano kung magalit sila Mommy? Nawala naman ako sa pagiging pessimist ng maramdaman ko ang kamay ni Damon sa ibabaw ng kamay ko kaya liningon ko siya.

"I know what you're thinking. Whatever their reaction might be, you know that I'll be here for you. For our baby. And I don't think magagalit sila. May God forgive them if they did get angry." sabi ni Damon saka ngumiti. Nginitian ko naman siya. Hay, ang swerte ko naman.

Nagpatuloy na kami sa pagpunta sa grocery. Sa may SM Aura na kami naggrocery dahil malapit lang naman yon sa St. Luke's. Kumuha naman ng malaking cart itong si Damon pagdating namin sa grocery. All out shopping ito!

May mga ilang tao na nakapansin sa amin, syempre. Yung iba tinuturo kami, yung iba kinikilig, yung iba nagpi-picture. Hinahayaan na lang namin sila.

Dumerecho kami ni Damon sa milk section. Kumuha kaagad siya ng Anmum, yung gatas para sa mga buntis. Healthy kasi yun sa baby.

"Anong gusto mong maging gender ng baby natin? Boy or girl?" tanong ko kay Damon habang naglalakad kami papuntang vegetables & fruits section.

Matagal ding nag-isip si Damon bago sumagot. "Actually I want twins, fraternal twins. Pero kung hindi naman twins ang baby natin, I'd love to have a baby girl. I wanna see a little Serena running around." sagot ni Damon. I grinned with his answer. "Eh ikaw, anong gusto mo?" dagdag ni Damon. Handa naman na ang sagot ko kaya sinabi ko na.

"I also want fraternal twins, actually. Pero kung hindi rin fraternal twins ang baby natin, eh gusto ko ng boy. I wanna see a little Damon making girls swoon with his handsome face." sabi ko sabay grin. Damon grinned back then went to the vegetables but he stopped and turned to me.

"Right. Hindi nga pala ako ang nagluluto. This is your forte, Serena mine. The supermarket floor is yours." sabi ni Damon. Ngumiti naman ako at lumapit sa kanya para halikan siya ng mabilis sa labi saka kumuha ako ng madaming gulay. Carrots, potatoes, calamansi, tomatoes, pechay, sitaw, Baguio beans, squash, onions, garlics, etc.

His Naughty Proposal [COMPLETE]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang