Vacation Part 1.3

106 1 0
                                    

-JESSA-


"Alam na ba ng Tita Susan mo na umuwi ka dito?"sabi ni nanay habang nilalapag sa center table ang tinimpla niyang juice para sa amin.


"Hindi pa po 'Nay,nandyan po ba sila sa kabila?"si Tita Susan ay kapatid ni Nanay na kapitbahay din namin dito.Uso kasi dito sa probinsya na ang mga kamag-anak mo din ang mga kapitbahay mo o di kaya'y kasama mo sila sa iisang compound.


"Hindi sila makakauwi ngayon nag-cater kasi kami kanina sa kasalan sa bayan,eh pinauwi na niya ako alam mo naman yun masyadong health conscious at ayaw akong mapagod."tumawa si nanay.


Alam kong hindi siya pinapabayaan ni tita Susan silang dalawa lang naman kasi ang mag-kapatid kaya hindi din ako nagdalawang isip na pumuntang Maynila para mag-hanap ng mas magandang trabaho.


"Ahh sige po,bukas nalang po kami mag-papakita kay Tita Susan."hindi ako mapakali kasi kanina pa nakatingin sa akin si Kristoff kahit umiinom siya ng juice niya.


Ang sarap niya suntukin sa mukha at alisin ang matangos niyang ilong!Nakakagigil ang pag-baba at pag-taas ng adam's apple niya habang umiinom.Is he seducing me????


"Bakit ka nga pala napauwi anak?At kasama mo pa itong boyfriend mo?"nagtatakang tanong ni Nanay na ngayon ay nakaupo na sa sofang kaharap namin.


"Ahhmmm--eh kasi Nay.."natigil ako sa pag-sasalita ng pagsiklopin ni Kristoff ang kamay ko at ang kamay niya."We're planning to get married ma'am,if that's okay with you."napanganga ako at si Nanay sa sinabi niya.



WHAT!?AKO DAPAT MAG-SASABI NIYAN KAY NANAY!BWISIT TALAGA TONG SI KRISTOFF!


"Teka?Kasal?Ilang taon na ba kayong mag-nobyo't nobya netong si Jessa?"halatang gulat si Nanay dahil napadiretso siya ng upo."Huwag mo na akong tawaging ma'am iho,nanay Carmen nalang ang itawag mo sa'kin."


"Mag-one year na po Nay."agad kong sabi kay nanay dahil sigurado akong magagalit siya kapag nalaman niyang nag-pabuntis ako sa taong di ko naman mahal at higit sa lahat nabuntis ako sa one night stand lang.Agad kong pinanlakihan si Kristoff ng mata at sana naman ay ma-gets niya!Sorry talaga Lord at nakapag-sinungaling ako kay nanay.


"Ye--yes that's true Nanay Carmen."phew!buti nalang at na-gets niya kung hindi baka kung ano ang ginawa ko sakanya para manahimik siya.Hindi ko inaasahan na tatanungin iyon ni nanay ngayon.


"Jessa,may nobyo ka na pala bakit di mo man lang pinakilala sa akin?Nakakatampo hah." parang bata si Nanay dahil nag-pout pa siya!"Sorry nanay kala ko kasi magagalit ka sa akin."wow! ang ganda ng palusot mo Jessa!


Kapani-paniwalang palusot! Sa edad mong 27 papagalitan ka pa ng nanay mo dahil may boyfriend ka.Really?


"Sus! bakit naman kita papagalitan anak,eh ang tanda mo na ngayon ka lang nag-kaboyfriend, sana sinabi mo para napag-pansit at napagpa-misa pa kita sa simbahan!Aba't 27 ka na,ngayon ka palang nagkaroon ng first boyfriend!Akala ko nga eh tomboy ka!"tumatawa si Nanay.Alam kong namumula ako ngayon sa hiya dahil sa pagbubuking ni nanay sa akin!


Agad kong tinignan si Kristoff para tignan ang reaksyon niya.Kagat-kagat niya ang kanyang ibabang labi halatang nagpipigil ng tawa niya."Subukan mong tumawa Kristoff at makikita mo ang di mo pa nakikita!"hinablot ko ang kamay ko at kinurot siya sa tagiliran niya.


"Ouch!Ahahahahh--Oo na! I--I'll try not to laugh on you!Hahahhaha Ouch!Okey I'll stop now!"bwisit siya,sinabi ko ng huwag tumawa eh!Tumawa pa din siya! Feeling ko tuloy pinag-kakaisahan ako ni nanay at Kristoff dahil parehas nila akong pinag-tatawanan.


"Sige pag-kaisahan niyo pa ako Nay at Kristoff mahirap magalit ang buntis!"sabi ko tsaka ako nag-martsa papuntang kusina para mag-salin ulit ng juice.


"Huwag ng mag-tampo ang anak ko,hindi bagay sa'yo, masaya lang naman itong si Kristoff kasi siya ang first love mo,diba Kristoff?"sinundan nila ako dito sa kusina.Muntik ko ng maibuga ang iniinom kong juice.


First love?


Tss,kung alam mo lang Nay,kung anong first talaga ang nangyari.Nakita kong ngumiti si Kristoff kaya tinaasan ko siya ng kilay.


"Siya sige ako ng bahala diyan ang mag-linis na kayo ng katawan at mag-pahinga na."nakita ko ang pag-ngisi ni Kristof at mukhang alam ko ang gusto niyang mangyari.


"Buti nalang at lagi ko pa ding nililinisan ang kwarto ni Jessa kaya malinis na iyon,Jessa sakin ka tumabi,hindi porket buntis ka na ehh pwede na kayong mag-tabi ng boyfriend mo,naiintindihan mo naman ako di'ba Iho?"nagsasalita si nanay habang nakatalikod sa amin at hinuhugasan ang mga basong nagamit namin.


"Hah?Ahmmm--Okey po Nanay Carmen.I really understand it."nakita kong nawala ang ngisi niya at tumingin sa akin at nag-puppy pa eyes pa ang loko.Binelatan ko siya at ngumisi sakanya,Hah! Ang bilis talaga ng karma,yan ang napala niya dahil tinawanan niya ako.


Lumapit ako sakanya at binulungan siya."Karma is a bitch,Kristoff.I told yah."kumindat ako sakanya at bumalik ulit ng salas para kunin ang bag kong dala.Ramdam kong sumunod siya sa akin.


"Goodnight Kristoff,sleep well.."and I kissed him on his cheek.Suddenly a warm feeling rose in my chest and I don't know what it is.


--to be continue--

++++++++++++++++++++++++

I know it's short..sorry nakakalungkot lang talaga kasi hindi umabot ang quota ko :(

Sa Wednesday at Thursday po ang tuloy niyan..


VOTE..COMMENT..

Thank you!!!



One Night Partner (HIATUS "muna")Where stories live. Discover now