Give This Update a Title ;)

279 7 1
                                    

Jessa's POV


Hindi ko maalis ang pagtitig ko sakanya habang papalapit siya sa akin.Ilang beses akong napalunok ng tumingin ako sa mukha niya.Bakit ba gumawa si Lord ng ganitong klase ng mukha?


For all of my life ngayon lang ako na-conscious sa itsura ko.I'm wearing my nurse's uniform at ang haggard na siguro ng itsura ko while the man infront of me now is like a Greek God in his simple white polo.Nagulat nalang ako ng hawakan niya ang gilid ng labi ko."Miss me?You're drooling babe."nakangisi siya at nanlaki ang mata ko.Ibinalik ko ang hawak ko pang picture frame niya sa table.


"Ahmm-I think should go.Hindi pa tapos ang duty ko sir..ahmm Doc??"Sh*t why it seems that I'm affected with his intense gaze on me?Inalis ko ang kamay niya na nakahawak pa din sa pisngi ko.



"Don't worry about your duty,I asked your head nurse na i-excuse ka muna."sabi niyang nakangiti sa akin.Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at ewan ko kung bakit.Lumayo ako ng kunti sakanya dahil baka mawalan ako ng oxygen.



"Ano po bang kailangan niyo sakin doc?Hindi ko po pwedeng iwan ang mga pasyente ko ng matagal at may endorsement pa kami para sa susunod na shift."nilagay ko sa likod ko ang namamawis kong mga kamay.Malamig naman dito sa office niya pero bakit namamawis ako.I saw him smirked habang umu-upo siya sa ibabaw ng table niya while crossing his arms in his chest.



"May nakalimutan ka yata?And please drop your Po,sir and Doc..para namang wala tayong pinag-daanan.Nakalimutan mo na ba?O baka naman gusto mong ipaalala ko ulit sayo ang mga nangyari by giving you a return demonstration of those scenes?Hmm?"lalong lumaki ang ngisi niya ng makitang lumaki ang mata ko sa sinabi niya.



Humugot ako ng hininga para pakalmahin ang loob ko-pero parang wala yatang effect!"You're not funny,isang gabi lang yun.Pwede bang mag-move on nalang tayo?"seryoso kong sabi sakanya.



Nakita kong nag-seryoso din siya ng mukha at tumayo siya mula sa pagka-kaupo niya.Humakbang ako patalikod ng isang beses at nagulat ako ng hawakan niya ang braso ko.



"No.I can't..Alam mo bang ilang linggo mo na akong hindi pinapatulog hah?Tapos ngayong nakita na kita,sasabihin mong mag-move on nalang tayo?Are you nuts?"seryosong sabi niya.Ewan ko kung anong pinag-lalaban niya,imposibleng wala siyang girlfriend para pilitin akong hindi mag-move on.Parang biglang may bumarang bato sa lalamunan ko.Girlfriend?!Sh*t!bakit di ko naisip yun!



"I'm sorry kung hindi ako nakapag-paalam sayo noon.Hindi ko kasi alam ang mukhang ihaharap ko.Knowing that we've just met at that time.You don't have to worry,ginusto ko din naman iyon.Please just forget it.You're my boss and I'm your employee.Ayoko ng gulo."mahaba kong paliwanag sakanya habang nakatingin ako sa mga mata niya.I saw something in his eyes but I don't know what is it.I can't explain.Frustration?



"So ganun nalang yun?Hindi ka ba nanghihinayang sa virginity mo?I'm your first!You should be chasing me!"nagulat ako sa pag-sigaw niya.What?Habulin?Siya?For what?My virginity?

One Night Partner (HIATUS "muna")Where stories live. Discover now