baby..baby!????

260 6 1
                                    

Jessa's POV

Hila-hila padin niya ang kamay ko habang dumadaan kami sa mga corridors.I'm sure aware siya na may elevator naman pero bakit di namin ginamit?Pinagtitinginan na din kami ng ibang mga tao lalo na ang mga nurses,paano ba naman kasi naka-uniform pa ako!At sino ang hindi mag-tataka kasama ko lang naman ang gwapong bagong director ng ospital na to!


"Ahmm..pwedeng magtanong sir?Doc?"tanong ko sakanya habang naglalakad kami papuntang main building gamit ang closed bridge dito sa 3rd floor.


"Ano bang ginagawa mo?Di ba't nagtatanong ka na?and please drop the SIR AND DOCTOR JUST KRISTOFF OKEY? or I'll kiss you torridly."sabi niya ng hindi tumitingin sa akin at diretsong naglalakad.Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya feeling ko ay pumula ang mukha ko.

"Ahmm.Sa-saan ba tayo pupunta?Hindi pa kasi tapos ang shift ko.Tsaka naiwan ko ang mga gamit ko sa nurse's station sa 4th floor."hinila ko ang kamay kong hawak niya kaya napatigil kami sa paglalakad.Mariin siyang tumitig sa akin bago nag-salita.


"Exactly!Sa 4th floor tayo pupunta!nandoon ang clinic ni mama.Ipapatingin natin kung buntis ka ba o hindi..I don't want to waste time kaya tara na."hinila niya ulit ang kamay ko."WAIT!Sinabi ko bang gusto kong sumama?!"nakipag-hilahan ako ng kamay ko sakanya.Ayoko!Paano nalang kung malaman niyang buntis nga ako?Baka ipalaglag niya ang baby ko!


"Don't argue with me!Huwag mong ubusin ang pasensya ko Jessa!Hindi ako nakikipag-lokohan sayo!"nakipag-hilahan pa din ako ng kamay ko.Para akong batang ayaw sumama sa tatay niya.First time niya din akong tinawag sa pangalan ko!Aba feeling close siya hah?!Pinagtitinginan na kami ng mga tao dito sa bridge.Mga tsismosa!gusto ko sanang isigaw pero hindi ko nalang pinansin dahil iba ang gusto kong awayin!


"Ano ba sabi ng bitawan mo ako eh!Ayoko ngang sumama sayo!Argghh!"pinipilit pa din niya akong sumama sakanya."Ang kulit mo!"nagulat ako ng bigla niya akong buhatin na parang pang-bagong kasal!

"Ano ba sabing ibaba mo ako eh!"hinampas-hampas ko siya sa dibdib niya!"Hahalikan kita dito kapag di ka pa tumigil sa kakasigaw.And you know exactly na kaya kong gawin yun ,right here and right now."pabulong niyang sabi sakin habang naglalakad pa din.Hindi nalang ako umimik sa sinabi niya.


Nakarating kami ng 4th floor ng hindi niya ako binababa.Napatingin ako sa paligid at panay ang bulungan ng mga tao.Nakita ko din na nakatayo lahat ang nasa loob ng nurse's station kung saan ako naka-duty.Gusto ko sanang tumawa sa reaksyon ni Louella.Malaki ang mata nito at nakabuka ang bibig habang may hawak na bote ng dextrose,pero makakatawa pa ba ako sa sitwasyon kong 'to?


Nakasalubong namin ang head nurse ko na galing sa office ni Dra.Ramos.Nagulat siya ng makita niyang buhat-buhat ako ng bagong direktor ng ospital!"Good afternoon Doc."nakangiting bati ni Ma'am Chellie sa kasama ko.Napatingin siya sa akin na parang nagtataka.


"Hell-hello po ma'am Chellie."nakangiwi kong bati din sakanya.Binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti."Is my mom inside Miss Chellie?"tanong ng lalaking nagbubuhat sa akin.Nakakainis!Parang gusto kong mag-laho ng parang bula dito dahil sa hiyang dinadanas ko ngayon!

"Ahmm..yes doc nasa loob siya.Katatapos lang ng doctor's round niya."sabi ni ma'am Chellie at tumingin ulit siya sa akin ng may halong pag-ngiti.Parang pumula ang mukha ko dahil sa hiya.Sa wakas ay binaba na niya ako pero hinawakan niya ulit ang kamay ko para siguro ay hindi na ako makatakas sa kung ano man ang gagawin niya sa akin.

One Night Partner (HIATUS "muna")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon