Jessa on Trouble

185 3 0
                                    

Jessa's POV

Isang oras bago pa man matapos ang shift ko ay pinauwi na ako ni Dra.Ramos,dumaan naman ako ng ward at nakipag-kamustahan muna kay Louella na kadadating lang para sa duty niyang 2-10p.m.


Namimiss ko na ang mga kaibigan ko kahit kagabi ko lang sila huling nakasama.Ilang minuto lang ang itinagal ko doon dahil ayoko namang maka-abala sa mga gagawin nila.Ayoko munang umuwi ng apartment,gusto ko munang mapag-isipan ang mga susunod kong plano para sa amin ng baby ko ngayon pang meron na palang asawa't anak si Kristoff.Pero bakit di yata sa akin nabanggit ito ni Dra.Ramos?


Ang daming gumugulo sa isip ko,di ko namalayang andito na pala ako sa isang park malapit sa Ospital.Tumingin muna ako sa paligid at nakita ko ang mga pamilyang nagpipicnic dahil Linggo ngayon at Family Day nila.Bitbit ang shoulder bag at paper bag ko ay umupo ako sa isang bench sa ilalim ng puno.


"Baby,sorry hindi kita mabibigyan ng buong pamilya kagaya ng sakanila."hinawakan ko ang tiyan kong hindi pa maumbok habang nakatingin sa isang buong pamilyang masayang kumakain sa isang picnic table.Naramdaman ko nalang ang pagpatak ng luha ko sa kanang pisngi ko na agad ko namang pinunasan.


Kakayanin ko to.Ipaparamdam ko sa anak ko na hindi na niya kailangan ng ama,dahil ako palang ay sapat na para sakanya.Nakaya ko,makakaya din ng baby ko,kanino pa ba siya mag-mamana kung di sa akin lang diba?


Napabuntong hininga ako,bakit ang sikip ng dibdib ko?May dumaang cotton candy vendor at bumili ako ng dalawang supot."Masarap to baby."nakangiti kong sabi habang nakatingin sa tiyan ko."Ate ito pong sukli niyo."inabot sa akin ng bata ang sukli ko.


"Hindi na,sa'yo nalang birthday ko kasi kahapon kaya yan na ang pa-birthday ko sa iyo"nakangiti kong sabi sa bata."Nako,salamat po ate.Ang bait niyo po sana po maging masaya kayo ng baby niyo." nakangiting tumingin ang batang babae sa tiyan kong di maumbok.


I tap her head."Walang anuman."tumakbo na paalis ang bata.Sinimulan ko ng kainin ang cotton candy ko habang nagmamasid sa paligid ko.Mga naglalarong bata kasama ang mga magulang nila. Malapit na akong maging nanay at dadating din ang araw na makakalaro ko din ang anak ko.Napangiti ako sa mga iniisip ko.


Tinignan ko ang wristwatch ko,mag-5 palang pala maaga pa para umuwi.Pumunta muna ako sa isang fastfood chain para kumain ng ice cream at fries."Lagi mo nalang akong ginugutom baby."bulong ko sa sarili ko habang kumakain ako ng fries na isinasawsaw ko sa ice cream.Nakakatawa,kinakausap ko ang baby ko kahit alam kong hindi pa naman niya ako naririnig.


Mag ala-sais na ng mapag-pasiyahan kong umuwi ng apartment.Kinukuha ko ang susi ko sa bag ng biglang mag-ring ang cellphone ko.Heto na naman ang kabog ng puso ko ng makita ko kung sino ang tumatawag.Ipinasok ko muna ang ang susi sa doorknob bago sinagot ang tawag niya.


"Hello?"ano ba yan ang hirap buksan netong pintuan!


"Where are you?Kanina pa ako nag-text sa'yo.Nakauwi ka na ba?"narinig ko ang pag-click ng pintuan ko at agad naman akong pumasok.


"Oo..kakadating ko----ahhhhhhm!"nalaglag ang cellphone ko sa sahig ng biglang may nagtakip sa bibig ko.

"Huwag kang sisigaw kung ayaw mong masaktan."narinig kong sabi ng isang boses habang nakatakip ang kamay niya sa bibig ko.Tumango-tango naman ako.Pinaupo niya ako sa sofa matapos bitawan at agad sinilip ang bintana para tignan kung may taong iba.

One Night Partner (HIATUS "muna")Where stories live. Discover now