Knowing Jessa Kate Reyes

307 6 0
                                    

Jessa's POV

Nakatulala lang ako sa kisame habang nakahiga sa kama ko,Nangyari ba talaga kahapon yun? Naiiyak akong masaya,I don't know what to feel.Hindi ko napigilang maiyak sa ginawa ko.

Tama ba ang desisyon ko?

Marumi ba akong babae?

Masyado ba akong desperada?

Tatanggapin pa ba ako ng mga kaibigan ko?

Galit kaya sa akin si God?

Questions are running through my mind.Gusto ko lang naman ng may makasama na sa buhay,yung aalagaan ko at mamahalin ko.Gusto ko ng may tumatawag sa akin ng "mommy".

Gusto ko na ng napupuyat ako dahil may inaalagaan akong anak ko,gusto ko ng magkaroon ng anghel sa buhay ko.Pero tama ba ang desisyon ko?Ang sarilihin man ito kung may mabuo?

Gusto ko bang matulad siya sa akin na lumaking walang ama?

----Flashback----

Grade 3 ako noon,sinabi ng teacher namin na mag-drawing daw kami ng family tree.Yung mga kaklase ko nagsimula ng mag-drawing habang ako nakatingin pa din sa papel at lapis na hawak ko.

Ano ba yung family tree?Yun diba yung binubuo ng nanay,tatay at mga anak?

Naidrawing ko na yung puno,ano na ang ilalagay ko?Ahh!Oo!yung pangalan ko at pangalan ni nanay! Nakangiti ako habang sinisulat ko ang pangalan ni nanay at pangalan ko.

Ayan tapos na!Lalagyan ko nalang ng kulay.Kinuha ko ang pangkulay ko sa bag ko.

"Uy Jessa!Pahiram naman ng color green mo,putol na yung sakin ehh."sabi nung classmate ko na nakaupo sa tabi ko."Oh..eto bilisan mo hah?gagamitin ko din kasi."sabi ko pagkatapos kong iabot sakanya.

"Ayy bakit ganyan?Walang pangalan yung tatay mo?Wala ka bang tatay?"nakatingin siya sa papel ko. "Hah?Di ko kasi alam ang pangalan niya ehh,hindi ko siya kilala."sabi ko habang nakayuko.

"Uyy mga classmate wala daw tatay si Jessa!Hahahahahah!"isinigaw pa niya ang nalaman niyang wala akong tatay.Naiiyak ako.Malaki bang kasalanan kung wala kang tatay?

"Jessa nasaan ang tatay mo?"

"Jessa may tatay ka ba?"

"Wala kang Daddy?Kawawa ka naman."

Hindi ko mapigilang tumakbo palabas kahit di pa tapos ang klase ko.Pumunta ako sa school garden at umupo sa ilalim ng puno,Doon ako umiyak.Bakit ba kasi wala akong tatay?Masama ba akong bata kaya wala akong tatay?

Ang sabi ni nanay,Hindi ko daw maiintindihan at sasabihin nalang daw niya sakin sa tamang panahon. Kailan ba ang tamang panahon?Mamaya?Bukas?Next year?Sa birthday ko?Kailan?

---End of flashback---

Napabuntong hininga ako sa pag-iisip.Bakit ko ba iniisip yun ehh wala pa namang nabuo!Bigla akong napaupo sa pag-kagulat dahil nag-ring ang cellphone ko.

"Hell----"

"Hoy bruha!Bakit di ka sumasagot sa mga text ko!?Ayan tuloy napilitan pa akong magpa-load ng pangtawag! Loka-loka ka talaga matapos mong mawala noong isang gabi hindi ka na nagparamdam!Sayang yung hinanda namin sayo ni Sheen!Ang gwapo pa naman!Sayang ang lahi!Saan ka ba kasi nagpunta??"dire-diretsong sabi sakin ni Louella.

"Dahan-dahan lang noh!Ako ang hiningal sayo!Kwento ko mamaya kapag nag-kita tayo.Sige bye!Maligo na ako.Baka malate pa ako."

"Oo!Bilisan mo!Bago na daw ang director ng Ospital!Madami daw mag-babago sa management at mare-reshuffle daw ang teams.Gora na at magkita nalang tayo mamaya sis!Byers!mwahhh!"sabay patay sa cellphone niya.

One Night Partner (HIATUS "muna")Where stories live. Discover now