Chapter 26: Lurking

Start from the beginning
                                    

Natigilan ako bago muling nagsalita.

"Aren't you going with me?" tanong ko.

He sighed. "I want us to go together. But there are still things I need to fix. And spending time in a classroom won't help."

Inaasahan ko na ang sagot na yon mula sa kanya. After all attending a public school is only a form of formality for him. Muling pumasok sa isip ko ang tungkol sa meeting.  It was one of the consequences of Zander keeping me. Another stain in the long outstanding Van Zanth reign. And this time, it's because of me.

"Napapagod ka na ba?"

Natigilan siya sa tanong ko. Umalis ako mula sa kanyang pagkakayakap at tinitigan siya. Doon ko napansin ang pagod sa kanyang mga mata. This past few days he's been overworking himself. Hindi niya gustong magkamali. Lalo na ngayon na naghihintay lamang ang council ng pagkakataon.

"Would it be easier if you have someone who has the same status as you?" sinabi ko. "No issues, no complications. A strong and dependable woman who can be by your side at all cost."

Hindi siya sumagot. Sa halip pinalapit niya ako sa kanya. "C'mere."

Noong una nagtaka ako. Pero tumayo ako at lumapit sa kanya.

"What--"

Hindi ko natapos ang sasabihin nang bumalot ang kamay ni Zander sa bewang ko at hinila ako palapit sa kanya. He kissed the top of my head.

"I want you to remember one thing." I heard him say. "I will never be tired if it's all for you. You are more than enough, Laura."

Tinitigan ko siya. Zander, you always say you're fine even if everything is falling apart on your feet. What can I do for you?

—-

Maaga akong nagising noong umagang yon. Ito ang unang araw ng second semester. Bumaba ako sa staircase. I was about to go directly to the front door when I stopped.

Naghihintay si Zander sa paanan ng hagdan. Nakabihis siya na tila may pupuntahan. Nilislis niya ang cuff ng suot niya at sinilip ang wrist watch. Maya maya pa lumingon siya nang marinig ang pag dating ko.

"Let's go."

Nagtataka na pinagmasdan ko siya. “Where are you going?" tanong ko.

He frowned. "Ihahatid kita." He pointed out.

Nagsimula siyang maglakad papunta sa front door bago pa ako makapagsalita. Sumunod ako. Nakita ko ang isang itim na sasakyan sa harap ng mansion. Pumasok siya sa driver's seat.

“I can use my truck. Hindi mo na ako kailangan ihatid.”

"May aasikasuhin ako sa bayan so I might as well drive you to school.” He said.

Sa huli ay wala akong nagawa kundi ang pumasok sa loob ng sasakyan. Tahimik na nagdrive si Zander. It was the first time that he was seated beside me, driving, like a normal person. Like it's a normal relationship.

Naging tahimik ang aming byahe. Muli kong nakita ang familiar na daan patungo sa campus. Huminto ang sasakyan sa parking lot. Kinuha ko ang gamit ko. My hands were unnervingly all over the place. Napansin ito ni Zander. He held my hand. I flinched. Kumunot ang kanyang noo dahil sa aking reaction. Tuluyang niyang pinatay ang engine ng sasakyan.

“What’s wrong?”

Ito ng unang beses na haharap ako sa mga taga bayan matapos ang gabi ng All Hallow. Matapos ang party at ang gulo. Hindi ko alam kung ano ang aasahan sa pagkakataong ito.

“Nothing.”

“Step outside and wait for me.”

Napalingon ako kay Zander dahil sa sinabi niya. “You don’t have to.” Mabilis kong sinabi. “I’ll go ahead.”

Living with a Half BloodWhere stories live. Discover now