Chapter 23: Boredom

Začít od začátku
                                    

"Bakit? Ahmm. Anong pag-uusapan natin?" Nagtataka namang tanong ni Flyne.

"Basta.." Sabi lang ni Antonio. Saan na naman kaya pupunta ang dalawang ito?

"Baka hindi tayo palabasin ng guard?" Nag-aalala tanong ni Flyne. Lokang babae, kayang-kaya nya ngang lusutn ang guard eh. Tapos andyan pa si Antonio. Gangster din yan eh.

"Basta... Ako bahala.." Sabi lang ni Antonio. Siya bahala kasi gangster nga yan..

"Sige, pero si Saffire kasi, mag-isa lang kapag iniwan ko.." Sabi ni Flyne habang nakatingin sa 'kin. Ako na naman ang inintindi niya.

"Don't mind me Flyne.." Sagot ko lang at ngumiti. Ayoko ng ako na lang lagi ang inaalala bago mga sarili nila.

"Are you sure?" Paniniguradong tanong ni Flyne. I nodded and smiled at her.

Tumayo na si Flyne at nagtanguan naman kami ni Antonio. Sign na aalis na sila.. Kaya eto ako ngayon, mag-isa..

Pagkatapos kong kumain, pumuta na agad ako sa room. At malamang! Sino ba ang nakita ko kaagad? Walang iba kundi ang tatlo.. Nakakagago.

Hindi ko na lang pinansin at umupo na lang ako sa bandang dulo sa likod sa may bintana.. Kinuha ko na ang phone ko at sinalpak ang earphone sa tenga ko.

Tutal wala naman kaming teacher dahil may meeting. Ako'y matutulog na lamang. Umob-ob ako sa arm chair.

"Hindi tulugan ang room. Kaya wala kang karapatang matulog dito.." Narinig kong boses na babae. Alam ko kung kaninong boses 'yon. Walang iba kundi kay May Ann. Tss. Bahala siya dyan basta ako'y matutulog. Huwag niya akong badtripin.

Masyadong papansin..

Hindi ko alam kung gaano katagal ako natulog pero nagising parin akong walang teacher. May teacher kayang dumating?

"Two hours kang tulog bhabess, may teacher tayong dumating, pero hindi ka lang ginising.." Napatingin ako kay Amor na siyang nagsalita. Huhuhu namimiss ko na silang kakulitan.

"Bakit?" Simpleng tanong ko lang dito. Wahhh! Pasensya na sa kanila kung ganito ako makipag-usap.

"May isang nilalang na sobrang gwapo ang dumating, tapos ang cool nga niya eh. Sinabi kay ma'am na huwag kang gisingin.."sabi nito habang kinikilig. Gwapong lalaki? Sino naman kaya 'yon?

"Okay.." Sagot ko na lamang para matapos na ang kwentuhan.

"Saffire? Ano bang nangyayari sayo?" Mahinahon na tanong nito sa 'kin. Huhuhu napapansin na nila? Malamang.

"Wala.." Sagot ko na lang at naghikab. Shit! Antok parin ako. Gusto ko paring matulog.

"Halatang antok na antok ka parin. Matulog ka na, wala na tayong teacher hanggang uwian.." Sabi ni Amor at ngumiti ng pilit bago umalis. Huhuhu! Namimiss ko na ang mga kaibigan ko.

Napatingin ako sa kinaroroonan ni Zander na nakatingin sa 'kin. Sabi ko na eh, parang may matang nakatingin sa 'kin. At kay Zander 'yon.. Ano bang problema niya, at lagi niya akong tinitingnan.. Epal na naman ganon?

Napatingin kaming lahat sa biglaang pag bukas ng pinto, Mabuti na lang at matibay ang pinto namin..

Nang nakita namin kung sino ang taong 'yon. Grabe lang! Halos tumili ang mga classmate kong babae. Ang gwapo kasi ng dumating. Seryoso lang siya habang naka pamulsa.. Naka black shirt lang siya at jeans pero umangat ang gwapo niya.. Pero Mali!! EPAL DIN YAN!

The Good Girl In To a Gangster QueenKde žijí příběhy. Začni objevovat