From: Mommy C
'Glaiza kasama mo daw si Yoyon sabi ni Nadine? Isusurprise ko sana siya dahil uuwi ako ngayon from London. Umuwi kayo before mag-10pm okay? Pasensya na ha? Take care sa gala ninyo. Wag mo tong sasabihin kay Rhian dahil hindi niya alam na uuwi na ko. Salamat hija. Mag-ingat kayong dalawa.'



Napalunok si Glaiza at unti-unting tiningnan si Rhian. Nakatingin ito sa bintana at parang kumakanta dahil naririnig yung 'Hmmmm' nito.

Before mag-10pm kailangan ko pala siyang iuwi. Maaga pa naman eh. Kaya pa. She thought.

"So I'm gonna love you like I'm gonna lose you..
I'm gonna hold you like I'm saying goodbye
Wherever we standing I won't take you for granted.
'cause we'll never know it when we'll run out of time...
So I'm gonna love you like I'm gonna lose you...
I'm gonna love you like I'm gonna lose you.."


Napangiti si Glaiza at pumalakpak nang medyo lumakas yung pagkanta ni Rhian.

"Woooo. Ang galing!!" Pumalakpak si Glaiza na parang nagfafangirl sa Girlfriend niya.

Dahil sa pagkabigla, nahampas ni Rhian si Glaiza ng beri light. "Naman eh!" Para siyang nahiya kaya nagtakip siya ng mukha. "Ayoko na nga."

Natawa si Glaiza dahil sa kakyutan ni Rhian. Parang bata talaga ito. "Anong ayaw mo na? Okay naman ah? Ay. Hindi pala okay, sobrang okay. Waaaah. Ang galing kaya. Ganda ganda ng boses e."

Umiling si Rhian na parang nahihiya pa rin. "Ang random lang kasi nun Lovelove. Ano ba. Nakakahiya talaga."

"Hahahaha. Ano ka ba Rhian Ramos. Kasing ganda mo yung boses mo promise. Dali. Isa pa nga. Kakanta na yan! Kakanta na yan!" Natatawa si Glaiza na parang nang-aasar.

Tiningnan ng masama ni Rhian si Glaiza. "Ayoko na. Inaasar mo pa ko e."

"Hindi kita inaasar. Ano ka ba naman. Ang ganda ganda kaya. Promise." Tinaas pa ni Glaiza ang kanang kamay niya.

"Ehhhhhh"

Natawa lalo si Glaiza. "Ang cute cute mo. Pakiss nga." Ngumuso si Glaiza para sana sa kiss ni Rhian pero umiling si Rhian at nag-look away. So yung pagnguso ni Glaiza biglang naging sad face. "Hala. Galit ka?"

"Wala kang kiss dahil inaasar mo ko." Kunware pang tampong tampo si Rhian kaya parang matatawa talaga si Glaiza.

"Hala. Hindi naman kita inaasar e. Wag mo namang idamay yung kiss Love grabe. Ang inosente nung bagay dinadamay mo. Kiss mo na ko." Ngumuso ulit si Glaiza pero umiiling talaga si Rhian.

"Mag-drive ka na. Nag-signal na ng Go yung lights." Rhian said.

Si Glaiza naman yung umiling.


May nagbusina na sa likuran nila meaning kailangan na nilang umusad.

"Oh my God, G. Magagalit yung mga nasa likuran natin." Parang biglang nagpanic naman si Rhian.

Umiling ulit si Glaiza.

"Lovelove naman eh. Umusad ka na."

"Hindi naman kita inaasar eh." Naka-sad face pa rin si Glaiza.

RASTRO FEELSWhere stories live. Discover now