Aly 2.0

1.4K 34 6
                                    


Kiefer

"You know what Ly? I think it's better kung siya na mismo ang kakausapin mo. I mean, ok naman na kayo diba?" I'm trying to convince her na makipag usap na ng diretso kay Mika. Nahihiya kasi siya kaya ayaw niya. Kanina nga pagdating ko I can see na ok naman na talaga sila. Baliw lang talaga ang isang 'to. Hahahaha!

"You sure Kief? Nahihiya kasi talaga ako eh." Then she bit her lower lip. Habang naka pamaywang pa.

"Aly, mabait ang asawa ko. Hindi ka niya papapasukin dito kanina at kakausapin kung galit talaga siya sayo." Then I tap her shoulder.

She sigh and smile.

"Ok. Siguro nga praning lang talaga ako. I'll talk to her na ng mas matino na ngayon."

"Alright. Pupuntahan ko na siya para makapag usap na kayo. It's going to be ok Ly I promise." I assured her.

Pumasok ako sa room at nakita kong naglalaro sila ni yna.

"Hello my babies!" Napatingin sila sakin tapos mabilis na bumaba si yna sa bed at nagpa buhat sakin.

"You're awake na pala." Then I kissed her cheek that made her giggle.

"Naku ang bilis nga nagising eh. So where's Aly?" She asked paglapit niya samin. I kissed her lips kaya nahampas naman niya ako.

"She's waiting for you outside babe, gusto ka daw niyang maka usap." NAkita ko kung paanong kunot ang noo niya sa pagtataka.

"Maka usap? Why? I mean, ok naman na kami ha?"

"Yun nga rin ang sabi ko. Pero makulit, gusto ka talagang maka usap ng maayos. Gusto niya yatang mag explain talaga."

"Ganun ba? OK sige. Dito lang kayo ha? Baby, wag masyadong malikot pagod pa si Dadad ok po?" Then she kissed yna.

"Yes mommy!" She answered with a very bright smile.

Mika

Sabi ni Kief gusto daw akong maka usap ni Aly. Actually hindi niya naman na kailangang gawin yun. Naiintindihan ko na lahat. Pero sa ikaka tahimik ng kunsensya niya, eto mag uusap kami.

Paglabas ko, nakita ko siyang naka upo sa single couch, kaya umupo ako dun sa opposite side.

"Gusto mo daw akong maka usap Ly?" Sabi ko pagka upo ko, hindi niya yata ako napansin kanina dahil malalim ang iniisip niya habang naka yuko.

"Ahh yes. Gusto ko lang sabihin sayo lahat. I want to explain my side Miks."

"Hindi mo naman na kailangang gawin yun eh. I understand everything Aly. Nagawa mo lang lahat ng yun dahil sa nag mahal ka."

"Yeah, nag mahal ako kahit na alam 'kong walang patutunguhan. Kahit na alam kong hindi na dapat at hindi na pwede. Mika ako may kasalanan kung bakit nakipag hiwalay siya sayo noon. Kinausap ko yung management na may hawak samin noon na dapat makipag hiwalay siya sayo." Umiiyak na siya, at hindi ko alam kung bakit. Na alarma naman ako kaya tinabihan ko siya and hugged her.

"Shh.. I know. Tahan na, forget about it. Ok na kami ngayon." I'm trying to comfort her.

"Ang sama sama kong tao. Dahil sa pagiging selfish ko, lumaki si yna na walang daddy. Nabuhay kayo sa loob ng halos limang taon na miserable, kinailangan mong palakihin si yna ng walang Kiefer sa tabi mo. Nahirapan kayong dalawa and it's all because of me." She said habang umaagos yung luha niya.

"Oo, nasaktan kami, nahirapan. To the point na kinailangan kong mag sacrifice pero lahat ng yun Aly nabayaran na. Napalitan na lahat ng yun ng masasaya. And it also made us more stronger, marami kaming natutunan. Isa pa, hindi lang naman ikaw ang may naging kasalanan noon. Lahat tayo, may naging parte kung bakit nangyari yun. You see, hindi mo na kailangang ma guilty. Everything is ok now." Then I smiled at her.

I'll Be ThereWhere stories live. Discover now