It's Him

2.4K 66 17
                                    


Mika

"Hey little one, what are you doing there?" Malambing na tanong ko sa kanya habang busy siya sa kakalaro sa playroom. Ngumiti lang siya sakin at nagsimulang maglaro ulit ng mga blocks na binubuo niya.

Kaya napa ngiti ako, ganyan kasi talaga siya. Whenever she's playing, hindi mo siya dapat kausapin kasi deadma lang siya.
It's Sunday today, kaya lahat ng attention ko nasa kanya. Every weekend is "Georgina's day". Yan lang kasi yung mga araw na buo yung time ko sa pakikipag bonding sakanya. Naka laan kasi yung weekdays ko, of course sa work. Uuwi ako around 6pm tapos yun lang yung time na maalagaan ko siya until she sleeps, ganun lagi ang routine namin. Nandyan naman kasi si Jane kaya walang problema sa pag aalaga sakanya the whole day na wala ako.

It's been five years magmula ng umalis ako. Kahit kailan ay hindi ako nagpakita ng picture niya kay baby yna. What for? Masaya naman na kami ng anak ko kahit wala siya. I already proved that I can take care of her and raise her ng mag isa lang. Kaya nga lang unfortunately, nakita na niya. Yun nga yung sinabi ni Jane na napanood na niya ito at nag tanong pa kung sino daw.

As I've said, naka base kami dito sa US, I left my family to start a new life here with baby yna. Nung araw na sinabi ko sa family ko that I'm pregnant nagulat sila nung una syempre, nagalit si papa. Nag insist pa nga sila na kausapin yung family niya but I stop them, sinabi ko lahat sakanila. Yung huling pag uusap namin, lahat sinabi ko, simula dun sa pag mamakaawa 'kong wag niya akong iwan hanggang sa dulo sinabi ko. Kaya mas lalo silang nagalit. And that's the reason why they agreed sa plan 'kong umalis ng bansa at dito na tumira.

At first, sobrang lungkot. Miss ko na siya eh. Pero pinilit 'kong lumaban para kay Yna. I made my self a stronger and wiser peron for her, only for my baby, my one and only angel. Hindi rin naman nila ako pinababayaan. Si Auntie Mildred, siya yung naging mama ko dito. Lahat ng needs ko they always makes sure na nakukuha ko. Lalo na when my tummy is in 5months already. Pina punta pa nila dito yung isa pa naming katulong sa bahay sa Bulacan para may mag aasikaso talaga sakin kapag nasa work na si auntie. That's why super laki ng pasasalamat ko sa kanilang lahat dahil hindi nila ako iniwan sa pinaka mahirap na laban ng buhay ko.

"Mam? Cellphone niyo po nag ri-ring, naiwan niyo sa kitchen kanina." Sabi ni jane habang iniaabot sakin yung phone ko.

Tumayo ako at kinuha yun sakanya. And say "Thank you".

"Hello ma?" I answered the call as I look at my daughter who's still busy with her thing. Napapangiti ako sa tuwing maririnig ko ang masayang pag tawa niya, kasama niya kasing mag laro yung dog namin na si snow.

"Potch? May sasabihin kasi sana ako, actually kami ng ate mo sana kaso wala pa dito eh." Parang nag aalangan na sabi ni mama.

"Ano po ba yun ma? About saan po?" I asked.

"Ganito kasi anak, diba malapit na yung birthday ng papa mo? Gusto niya kasi na kumpleto sana tayo sa araw na yun. Kaya naisip namin ng ate mo na i-surprise siya. Kailangan niyong umuwi ni baby yna kasi kayo yung surprise namin."

Natigilan naman ako dun sa sinabi ni mama. Matagal na talagang gusto ni papa na umuwi kami ni yna. Ako lang talaga yung may ayaw dahil feeling ko anytime, pwede silang mag kitang mag ama. At yun yung pinaka ayaw kong mangyari. Pero kasi.. si papa. Gusto 'kong ibigay sakanya lahat ng hihilingin niya ngayon. Pang bawi ko man lang sakanya.

"Anak? Still there?"

"Ahh. Yes ma. Sige po, payag na akong umuwi kami. Next week po. Aayusin ko lang lahat ng dapat na ayusin, tapos lilipad na kami pabalik diyan." I saod to her. Rinig 'kong napa sigaw pa siya ng konti. Hahahaha! Mama talaga!

I'll Be ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon