Family Day??

2.2K 56 13
                                    


Mika

Nagising akong parang may naka titig sakin. As usual yakap ko si yna na nakahiga sakin. Hindi talaga ako sanay na may tumititig sakin kapag natutulog ako. Mabilis akong makaramdam kapag ganun. Kaya naman bigla naman akong kinabahan kaya mabilis 'kong iminulat ang mga mata ko. At nagulat ako sa kung sino ang unang nakita ko.

"What are you doing here?!" Gustuhin ko mang tumayo hindi ko magawa agad dahil sa baby ko na mahimbing pa rin ang tulog. Mabuti nalang hindi nagising sa ingay ko.

"I-I'm s-sorry.. kasi sabi ni... ni tita bhaby pumasok na lang daw ako." Sabi niya pagkatapos niyang mabilis na tumayo dahil sa pag sigaw ko.

"Tss.. trespasser." Inis 'kong sabi.

Dahan dahan 'kong inihiga si yna sa tabi ko para naman maka bangon na ako. After that dahan dahan akong tumayo. Habang siya, naka titig lang sa lahat ng kilos ko. Kaya hindi ako mapakali eh! Yung mga ganyang tingin niya? Ghaddd!! Di ko kinakaya. Pero hindi dapat ako mag pahalata na uncomfortable ako sa mga ginagawa niya.

"How many times do I have to tell you that staring is rude Manong?" Sabi ko habang naglalakad papasok ng banyo. Lumingin ako sakanya para makita yung reaction niya.

Kunot noo at taas ang isang kilay ko ng makita ko yung reaction niya. Naka ngiti kasi siya na parang ewan dun habang naka tingin din sakin.

"Anong nakaka tawa sa sinabi ko?!"

Mas lalo namang lumawak yung mga ngiti hanggabg sa natawa na talaga siya.

"No... it's just that. Ang tagal na kasi mula ng narinig ko sayo na tawagin akong manong. It really feels so good to hear that Mika. I really miss it." Tapos biglang naging serious yung mukha niya. Kitang kita ko sa mga mata niya yung lungkot nang sabihin niya yung mga salitang It really feels so good to hear that Mika. I really miss it...

Bigla naman akong nanghina sa sinabi niya. Idagdag mo pa yung sad face niya ngayon. Ayy grabe!!
Naiiyak ako kaya mabilis akong pumasok sa banyo.

Kasabay ng pag agos ng tubig na mula sa shower ay ang mga luha 'kong kanina ko pa pinipigilan.

I really just can't help it. Gustuhin ko mang wag nang maapektuhan. Walang nangyayari. Mas lalo lang nagiging matindi yung pag mamahal ko para sakanya na kahit kailan ay hindi nawala.
Damn! Ayoko na nito! Masyado ng masakit!



Pag labas ko ng banyo, nakita ko silang naglalaro sa bed. Ang saya say ng baby girl ko. Tawa siya ng tawa while her daddy is keep on tickling her. Ang tagal 'kong pinangarap 'to. Seeing them happily playing is such a really beautiful sight to behold. Hindi ko namalayan na naka ngiti na rin pala ako habang pinag mamasdan sila.

How I wish na sana ganito nalang lagi. Sana maging buo kami. Kaya lang alam 'kong hindi magiging madali lahat...

"Mom? Come here please?"

Kaya naman pumunta agad ako sa pwesto nila. Umupo ako sa kabilang side ng bed. Si Kief sa left tapos ako sa right. Then si Yna nasa pagitan namin.

"Why baby?" I asked her while combing her messy hair.

"Nothing. Mommy." She smilingly said. Naka ngiti lang siya habang papalit palit ng tingin samin.

"Baby why? What's the matter?" Nagtataka kong tanong.

"Nothing mommy.. I love you." She said tapos niyakap kaming dalawa. Napa yuko naman kami kaya medyo ang lapit lang ng pagitan ng face namin.

Ang awkward lang talaga.

"I love you too.." he said habang naka tingin sakin. Kaya bumilis yung tibok ng puso ko. Shocks!!

I'll Be ThereWhere stories live. Discover now