It's Him Version 2.0

2.3K 60 7
                                    


Mika

Kinabukasan, sinabi ko lahat kay mama yung nangyari.
Medyo nagalit nga siya dahil nakipag usap nalang daw sana ako ng maayos.

"Anak naman, hindi sila tanga. Sure akong unang kita pa lang niya kay yna, alam niya agad na anak niya yun." Sermon sakin ni Mama.

"Ma, I know. Pero hindi naman siya nag react eh. I mean, wala naman siyang kahit anong sinabi. I know na alam na niya. Pero hanggat wala siyang move na ginagawa para makapag usap kami, bahala na siya. Hindi ako ang dapat na mag reach out sa kanya." Pagpupumilit ko pa.

"Anak, alam ko naman na nasaktan ka niya. Kaya lang kasi wag mo naman idamay ang apo ko dito. Kung may pagkakataon na ganun. Dapat sana ikaw na unang gumawa ng paraan para makapag usap kayo."

"No ma. Ayoko po, kasalanan naman niya lahat eh. That's why he can't blame me with this. Bahala siya kung may gagawin man siya o wala. Basta ako po, I'm always open to talk to him about yna that's it."

Tapos tumayo na ako. Tama naman ako diba? It's all his fault kung bakit ganito kami ngayon. Tapos ako pa ang mag a-approach sa kanya about our baby?! Tsss.. never! Mag pasalamat pa nga siya dahil papayag akong makasama niya si yna eh! Sobra sobra na nga yun kung tutuusin eh!

I was about to sleep nang mag ring yung phone ko. Yna is just having her power nap. Inaantok ako kaya tinabihan ko siya, ang kaso kaninanang tumabi ako sakanya nagpunta agad siya sa pinaka favorite niyang higaan. Which is ako. Kaya ngayon yakap yakap ko na naman siya. Hindi ko tuloy alam kung paano ko sasagutin yung phone ko na nasa table beside our bed.

Hirap na hirap akong abutin yung phone pero dahil mahaba ang arms ko naabot ko hahahah!
Nung tinignan ko yung caller, unknown number. Tsss. Sino ba 'to?

"Hello?"

"Ahmm.. good afternoon Mika." Sa voice pa lang alam ko na agad kung sino ba 'to.

"Where did you get my number?" Inis na tanong ko.

"I just really wanted to talk to you. Please Mika, alam 'mong kailangan natin mag usap." Pagbabalewala niya sa tanong ko. Sino ba kasi nagbigay ng number ko sakanya?!

Hindi pa ako sumasagot, hindi ko alam kung ano bang dapat 'kong sabihin. Kanina lang sabi ko kapag nag reach out siya willing akong makipag usap sakanya. Pero ngayon, parang ayoko na ulit. Feeling ko hindi pa ako handa na makipag usap ulit sakanya.

Maya maya lang naririnig ko na yung mga hikbi niya.

Oh Damn! Please lang ayoko ng ganito!! Mas nasasaktan ako! Nanghihina ako kapag ganito siya.

"Please Mika... please. I know na anak ko siya. May anak tayo at hindi mo sinabi akin yun." He said in between his sobs. Kaya hindi ko na rin napigalan yung iyak ko.

I cleared my throat after a couple of minutes of us being silent.

"Pumunta ka dito mamaya. Before dinner. Ayokong pag usapan yun sa phone lang." Malamig na sabi ko then I ended the call immediately.

Iyak ako ng iyak habang yakap si baby yna. Hindi ko alam pero natatakot ako. Ito na naman yung pakiramdam na, na feel ko few years ago after what happened to us. Feeling ko after this, iiwan niya ulit ako, kami. Natatakot rin akong masaktan ang anak ko. Baka kasi umasa siya na magiging isang buong family na kami. Which is sobrang labo nang mangyari.

That afternoon hindi na ako naka tulog. Inisip ko lahat ng sasabihin ko sakanya mamaya.

It's already 6pm, kaya kinakabahan na ako. Kinausap ko na rin sila papa at mama kanina. Then papa said na gusto rin naman daw talaga niyang mag usap sila.

I'll Be ThereWhere stories live. Discover now