Meron ba Talaga?

1.5K 37 12
                                    


Mika

Until now hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat ng nangyari. Sobrang bilis. Ang hirap tanggapin. Hindi ko alam kung saan at paano ako magsisimula ulit na wala na siya tabi ko. Hindi ko alam kung paano ko sasanayin yung sarili ko na hindi siya hanap hanapin. Hindi ko alam kung paano ko isasampal sa sarili ko na ang katotohanang wala na kami. Halos isang linggo na rin pala simula ng mangyari yun. At halos isang linggo na rin akong parang tangang umiiyak at umaasang babawiin niya lahat ng sinabi niya.

Flashback

Mabilis na lumipas ang halos isa't kalahating buwan. Super naging busy kami ni Kief naging limited na yung time namin together, may mga bago kasi siyang endorsement tapos sunod sunod na TV appearance. While me, nag focus talaga sa trainings and games. Kaya hindi ko napansin yung mga bagay na super important pala.

Kung hindi pa siguro ako tinanong ni Ara hindi ko na talaga mapapansin...

"Daks? Pinatatanong ni Carol kung may gusto ka daw bang ipabili? Pupunta siya ng supermarket today." Ara asked pagpasok niya ng room. While me super busy sa school works na tambak na tambak na!

"Wala daks, paki sabi thank you nalang. Okay pa naman yung mga kailangan ko so.. wala pa akong need na bilhin." I answered then smiled at her.

"Okay!" Tapos bumaba na ulit siya.

Sumasakit na ulo ko sa kaka intindi ng mga school works ko ng pumasok ulit si Ara.

"Daks? Sure ka ba na wala ka na talagang ipapabili? I mean, yung mga pang hygiene? Ganun? It's our time of the month na eh. Diba sabay pa nga tayo? Kaso parang mas nauna ako sayo ngayon ng one week. Kasi tapos na ako, that's why i'm asking you." She said habang naka upo dun sa kabilang bed.

Tinigil ko muna ang pagbabasa at lumingon sakanya.

"What do you mean?" I curiously asked dahil hindi ko ata naintindihan yung nga sinabi niya. Anu ba?! Yung utak lutang na lutang na ata? Ayaw ng mag function ng matino!

"Anong what do you mean ka diyan? Hindi mo naintindihan yung sinabi ko or hindi mo lang narinig?"

"Explain mo nga please?"

Parang nagulat naman siya sa sinabi ko. Naka awang pa yung mga labi niya na parang takang taka, tapos napa facepalm pa! Bakit? Ano ba yung sinabi niyang it's our time of the month?!

"Seryoso Ye? Hindi mo ako naintindihan? Ano bang nangyayari sayo? May sakit ka ba?" Tapos tumabi siya sakin at kinapa yung noo at leeg ko.

"Daks naman ano ba?! Okay lang ako. Wala akong sakit!"
I said then tinabig ko yung kamay niya na nasa noo ko.

"Eh bakit hindi mo na gets yung sinabi ko?"

"Sa hindi ko naintindihan eh! Ano ba kasi yun?" Medyo inis na sabi ko.

"Daks ang simple lang naman ng sinabi ko eh! it means na ngayong week na yung dating ng period natin! Ayy no pala, actually last week pa dapat eh. Ano ka ba?!"

"Sus! Yun lang pala eh!"

" Bakit may stock ka pa ng napkin at hindi ka nagpa bili?"

"Hindi wala akong stock. Hindi muna ako nagpabili kasi wala pa naman eh."

"Huh? Eh diba sabay nga tayo lagi kung magkaron? Almost one week na nga akong tapos eh, ikaw wala pa rin?" Takang tanong niya.

I'll Be ThereWhere stories live. Discover now