Yannie's POV
Hay naku, ang aga-aga nabubuwisit na naman ako kay Jack. Ang kulit niya, grabe. Mas makulit pa siya kaysa dati.
"Dali na kasi, sabihin mo na." Sabi niya habang kinukulbit ako. Nakakairita yung pagkulbit-kulbit niya ha.
"Ano ba kasi? Tumigil ka Jack Stone ha."
"Sagutin mo kasi." Ano bang sasagutin ko? Magaling na kaya ako sa accounting.
"Ano ba kasi yun? Nagtanong ka ba?"
"Hindi."
"Hindi naman pala eh. Anong sasagutin ko dun?"
"Pag sinabihan kita ng I love-"
"Nye nye nye! Kailangan bang sagutin yun? Tanong ba yun? Abnormal ka talaga." Bwisit siya ha. Kailangan ba laging may I love you too kapag sinabihan ka ng I love you? Yuck. Ang corny corny talaga niya. Alam niya na yun. Hindi na kailangang sabihin pa.
"Gusto ko lang namang marinig mula sa masungit kong girlfriend." Wow! Ang ganda naman ng description niya sa akin. Nakakatouch naman.
"At ano namang mangyayari kapag sinabi ko at narinig mo yun? Kikiligin ka ba? Alam kong hindi ka kikiligin dahil abnormal ka. Kaya wag na lang."
"Edi wag! Hindi mo talaga ako love." Aba't siya pa talaga ang nagdrama. Ang lakas ng loob niya ha.
"Hindi naman sa ganun-"
"Wala, wag ka ng magpaliwanag. Hindi mo talaga ako love." Tumalikod pa siya at nagcross arms. Anong drama yan Jack Stone?
"Tsk! Oh sige na, sige na. I love you too. Ano, ok na?"
"Tss. Walang feelings." Aba sumusobra na siya ha. Sinabi na nga, ayaw pa?
"Tsk! Ok, I love you too with feelings. Ok na ba?"
"Tss. Wag mo ng pilitin kung hindi mo talaga kayang sabihin." Pagkasabi niya nun, naglakad na siya palayo. Nataranta naman ako bigla. Ano yun? Iiwan niya ako dito mag-isa? Wala siyang kwentang boyfriend.
"Hoy, Jack Stone! Bumalik ka dito! Walanghiya ka, iiwan mo lang ako dito? Pagkatapos kitang sagutin sa baduy mong panliligaw, iiwan mo lang ako? Sinasabi ko na nga ba. Sinasabi ko na nga ba, paasa kang hayop ka! Hindi ka tao! Pagkatapos kitang mahalin, ito pa ang igaganti mo? Napakasama mo! Wawasakin mo lang pala ang puso ko. Walanghiya ka talaga. Mahal na mahal pa naman kita." Hindi ko namalayan na umiiyak nap ala ako.
*tsup*
"Tahan na, joke lang yun. Hindi kita iiwan. Gusto ko lang makita kung pipigilan mo ako o hahayaan mo lang akong lumayo sayo. Kahit masungit ka, ikaw lang ang gusto ko. At kahit lagi kang beast mode, sayo lang ang puso ko. I love you."
Nakakaiyak naman yung sinabi ni Jack. Mahal na mahal ko rin yan kahit abnormal yan.
"I love you too. Always remember that, abno." Natawa lang siya sa sinabi ko at niyakap niya ako.
Tulad parin kami ng dati. Palaging nag-aaway pero naaayos din naman agad. At isa pa, maswerte ako sa kanya dahil kahit gaano ako kaingay, hindi niya ako iniiwan at kahit pa-hard to get ako minsan, hindi niya ako sinusukuan. Kaya kahit anong mangyari hindi ko rin siya iiwan dahil kapag nagmahal ang isang Yannie, kahit digmaan pa yan, ipaglalaban ko siya.
YOU ARE READING
She's My Stalker Girlfriend (COMPLETED)
General FictionCopyright © 2015 All rights reserved. @kai_sarah Si Kailee ay isang dakilang stalker ni Mico - ang pinakasikat, pinakagwapo at pinaka-cool na dancer ng university nila. Labis ang kanyang pagkagusto rito kung kaya't araw-araw ay palihim siyang nagbi...
