Chapter 44 - Bricks' Side

2.6K 84 0
                                        

Sa loob ng nakalipas na dalawang buwan ay marami nang nangyari. Marami na ang nagbago. Maraming nawala ngunit marami rin ang dumating. May mga bagay na hindi natin inaasahang darating sa buhay natin. Gayundin ang mga taong kusang pumapasok sa mundo natin.


"Honey Bi, anong mas maganda? Ito o ito?" Kunot-noong tanong ni Hannah. Natatawa na lang ako kapag naiisip ko kung bakit Honey Bi ang tawagan namin. Hannah daw kasi ang pangaln niya kaya naging Honey at ako naman daw ay Bricks kaya daw Bi na lang. Nakakatawa, hindi ba?


"Honey Bi, mas maganda ka dyan." Ayan na naman 'yung ngiti niya. Ang dali niyang pangitiin kaya hindi ako nagsasawaang pangitiin siya.


"Eh Honey Bi, kailangan nating pumili dito para maisuot na natin. Dali na. Nahihirapan kasi akong pumili eh. Pareho kasing cute eh." Ang hilig niya talaga sa mga cute na bagay. Lahat yata ng makita niyang cute, gusto niyang iuwi sa bahay. Nakakatuwa talaga siya.


"Edi pareho nating bilhin para pareho nating maisuot." Agad naming nagliwanang ang mukha niya at parang nakaisip ng bright idea.


"Oo nga ano. Hindi ko agad naisip 'yan, Honey Bi." Tara, bilhin na natin."


Pagkatapos naming bumili ng couple shirt, namasyal lang kami buong araw. Simple lang naman kasi siya. Hindi siya materialistic na tao. Mababaw ang kaligayahan niya. Makakita lang siya ng kahit anong cute na bagay, tuwang-tuwa na siya. Pero ako ang pinakacute syempre.


"Waaaaa! Ang cute nung marshmallows oh." Nagniningning ang mga matang sambit ni Hannah. Paborito niya kasi ang marshmallows. Alam nyo ba kung bakit nasabi niyang cute yung marshmallows? Kasi may design na mata at labi kaya tuwang-tuwa siya. Parang mga emoticons yung marshmallows.


Bumili kami ng limang ballot. Ayan, magsawa siya dyan. Ang saya niya talagang kasama. Walang kaarte-arte sa katawan. Kapag gusto niya, gusto niya at hindi siya nahihiyang iexpress 'yung nararamdaman niya. Maswerte ako at nakilala ko siya. Iniingatan ang mga katulad niya. Minamahal ang babaeng tulad ni Hannah.


"Bye, Honey Bi. Next time ulit. Ang saya ng araw na 'to. Ingat ka, I love you." Pagkasabi ni Hannah ay hinalikan niya ako sa pisngi.


"Alright, bye. I love you." Hinalikan ko siya sa noo at niyakap ko siya. Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya. Pinasok mo ang mundo ko at hindi na kita hahayaang makalabas pa.


She's My Stalker Girlfriend (COMPLETED)Where stories live. Discover now