Chapter 45: Birthday

Start from the beginning
                                    

May nakita pa akong picture ko while wearing a black two piece. Picture taken noong nag- boracay ako with Yanna.

At shempre, dahil nga si Yanna Scott yan, talagang mala- MMK ang pinost.

Mayroon ding galing kay Bea, Lance, at iba pa. Pare- parehas lang naman sina ng sinasabi. Na mag- ingat daw ako kung nasaan ako at namimiss na nila ako. I wonder kung alam na ng Disix ang nangyari saming dalawa.

I'm just scrolling and scrolling nang mapukaw ng mata ko ang isang di- inaasahang post. With a picture of me while standing in front of the Eiffel tower.

This is the caption:

Happy happy birthday Wifey! I miss you so much. I know you're okay right now kaya panatag ako. I took this photo noong unang beses tayong pumunta sa Paris at natuwa ako nang makita ang ganyang klaseng expression mula sayo. Nakaka- in love ka talaga kahit saang anggulo. I love you Patricia. And I'll see you soon.

Kumalabog bigla ang dibdib ko. It's from Xider. At eksaktong kaninang alas dose niya ako binati.

Paano niya nagagawang umarte na parang wala lang?

Nag- log out na ko.

Naligo atsaka nag- ayos. Wala naman akong ibang pupuntahan pero napagtripan kong kulutin ang dulo ng buhok ko. Medyo nagiging straight na kasi siya.

Atsaka ako nagsuot ng isang royal blue na dress. Bagay pa naman sakin dahil hindi pa malaki ang tyan ko.

Sabi ko kahapon, magluluto nalang ako pero dahil tinamad, nagpa- deliver nalang ako ng maraming pagkain. Shempre hindi mawawala ang paborito kong tacos.

Umupo muna ako sa sofa sa living room at nagsalang ng isang movie.

The Dare ang title niya. It's a love story of six people na nagsimula lahat sa isang dare. May mga nasaktan pa nga dahil sa dare na yon.

Naaliw ako sa istorya. Parehong pareho sa istorya ng buhay ko. Ng buhay ng mga kaibigan ko. Ng buhay pag- ibig namin.

Ang layo na pala ng narating ng buhay naming lahat. Isipin niyo, dahil lang sa isang dare, humantong kami sa ganitong punto. May masaya, may nasasaktan, at may lumalago.

Ang sarap isipin na may kanya-kanya na kaming buhay ngayon. Ako nga lang ang naiiba sa kanila.

Kasi, kumpleto pa si Yanna at Lance hanggang ngayon. Pati si Bea, nahanap na si James. Pero ako? Eto n—

Naputol ang pag- iisip at panonood ko nang may mag- doorbell. Yung mga pinadeliver ko.

Lumabas ako ng bahay at tinungo ang gate.

Tuloy-tuloy pa siya sa pag- doorbell kaya nagsalita na ako,

"Wait."

But the moment I opened the gate,

It's like my heart dropped.











Agad niya akong sinunggaban ng yakap then said,

"Happy birthday my princess."

Namuo ang luha sa mga mata ko. Akala ko talaga hindi na niya ako hahanapin.

"Miss na miss kita. Bakit mo naman kasi ako iniwan agad? Wag mo na uulitin yun ha?"

Tuluyan ng tumulo ng mga luha ko. Pinigilan ko ang paghikbi pero talagang kumakawala 'to.

Akala ko ico- comfort niya ako pero hindi. Instead, dinamayan niya ako sa pag- iyak. Pinapakinggan ko lang siya at hindi ako nagsasalita.

Kung alam mo lang Xider, miss na miss din kita.

"I'm sorry Pat. Sorry sa lahat lahat. Mali lahat ng mga nangyari. Hindi ako ang ama ng pinagbubuntis ni Ashley. She just tricked me... us. I'm sorry for being so weak. At dahil hinayaan kong mangyari lahat yun. Patawarin mo ko Pat. Pinagsisisihan ko lahat. I'm so sorry." he said while crying, nararamdaman ko ang pagtulo ng mga luha niya sa balikat ko. Napangiti nalang ako ng mapait sa sinabi niya.

So that damn Ashley just really wanna fuckin' ruin us huh?

"Naiintindihan ko rin kung bakit sinabi mong pinalaglag mo na ang anak natin. Sorry Pat kung sinabi ko sayo noon na ipalaglag mo ang bata. Pangako! Pinagsisisihan ko yun. Sobrang nagsisisi ako."

Alam niya na rin pala ang totoo. Paniguradong si Mama ang nagsabi at winarningan niya pa si Xider.

"Princess, Pat, Ericka, Wifey, do you still love me?"

Do I still love him?













"Of course. Tingin mo talaga hindi na kita mahal?" sabi ko that made him hug me tighter.

"P'ta. Kinikilig ako." kumalas siya sa yakap then lean his face closer to me.

Nang may biglang magsalita,

"M-Miss Ramos?"

Natigil si Xider. Agad naman akong lumayo sa kanya.

"I b-brought your order." nahihiyang sabi ni Ethan. Delivery boy mula sa paborito kong kainan.

Kukunin ko na sana ang mga pagkaing dala niya nang lumapit samin si Xider at hiniklat niya ang lahat ng dalang paper bag ni Ethan. Inabutan niya pa ito ng sobra- sobrang pera.

"You may now leave." puno ng awtoridad na sabi ni Xider.

Halatang galit siya sa delivery boy.

Baka dahil iniisip niyang nasira ang moment namin. Pfft.

Umalis na si Ethan dala ang sobrang pera. Siguro natakot na rin kaya wala ng nagawa.

Hinawakan ako ni Xider sa braso. He's not dragging me, kundi inaalalayan niya ako papasok ng bahay.

"Careful. Baka mapano si junior." sabi niya that made me laugh

"At paano mo naman nasabing lalaki agad ha?" tanong ko

"Aba. Malakas ata dugo ko." sagot niya kaya pinalo ko siya sa braso ng mahina

"Loko loko." I whispered

* * * * * * *

Nasa sala lang ako habang pinapgpapatuly ang panonood nang lumapit sakin si Xider na galing sa kusina. Siya ang nagsinop ng pinagkainan namin.

Niyakap niya ako sa bewang at sumandal sa balikat ko.

"Pat? May naksip ka na bang pangalan ng anak natin?"

Tinignan ko siya then I smiled.

"Of course. Ako pa."

_________

Simplyponchiie's note:

Last 5 chapters nalang.😆 Pero shempre hindi pa dito matatapos, may book 2 pa po ang The Dare. Sana suportahan niyo po ulit.😄 love y'll readers!😍😘😚

The DareWhere stories live. Discover now