Chapter 10: Revelation

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ah okay lang." tipid niyang sagot sa'ken.

"May problema ka ba Heat? Parang kanina ka pa ata nag iinom mag isa dito ah. Okay ka pa ba?" Tanong sakanya ni Duke.

"Sa tingin mo nandito ba ko ngayon kung okay lang ako?" sagot niya ng pabalang kay Duke.

Saglit na nagkatinginan kame ni Duke sa way ng pananalita ni Heat. Si Heat ba talaga 'tong kaharap namin? Or baka naman sinapian na sya ng espiritu ng alak? Tsk. This is so not her. 


"Are you for real Heat? Is that even you talking? Looks like I'm talking with Ice." natatawang saad ni Duke kay Heat.

Para naman hindi nagustuhan ni Heat yung biro ni Duke sakanya. Dahil tinaasan niya muna ito ng isang kilay sabay sabing, "Oo nga eh. Sinapian na ata ako ni Ice. Dahil hindi naman ako magkakaganito kundi dahil sakanya." sabi niya nang kumukumpas kumpas pa ang kamay.


Nagkatinginan na naman kami ni Duke for the second time dahil sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin?


"Okay, Let's get straight to the point Heat. What's the real score between the two of you ba? And anong ibig mong sabihin sa sinabi mo samin kanina? Ano ba talaga ang nangyayari sainyong dalawa?" Titig na titig 'kong sabi kay Heat. Naghihintay ako sa sagot niya, pero imbes na sagutin niya 'ko. Ininom niya ng diretso ang laman ng baso niya.

"What? Are you planning to get drunk, Seb? Tama na nga yan." sabi ko at tinangkang kunin ang baso mula sa pagkakahawak niya.

"Okay, tara inom tayo habang pinag uusapan kung ano ba talaga ang problema ni Heat. Mukhang ayaw pa niyang magsalita ngayon eh. Pabayaan na muna natin siya." Sabi ni Duke sa tabi ko.

"Bahala kayo, paano pa natn yan makakausap ng matino kung lasing na siya?" Pag tanggi ko sa gustong mangyare ni Duke.


Pero wala naman din nagawa ang pagtanggi ko, dahil tinawag na niya yung waiter at umorder ng pwedeng inumin namin at pagkain na din.

Habang hinihintay namin yung order namin, hindi namin maiwasan magkatinginan ni Duke. Iba talaga yung galawan ni Heat ngayon, sobrang tahimik niya, ni ayaw niyang magsalita.

Pagkadating na pagkadating ng inorder namin, nagsalin agad si Heat ng laman sa baso niya at tinungga na naman niya ito ng diretso. Magpapakalasing ba talaga 'tong babaeng 'to?



"Heat, Let's talk about your problem na? Siguro naman di mo kami papapuntahin dito kung gusto mo lang naman pala panuorin ka namin maglasing?" napipikon kong sabi sakanya. Simula ba naman pagdating namin dito ayaw niyang magsalita? Psh. Hay, kung di ko lang talaga siya best friend baka iniwan ko na talaga to dito.

Huminga muna siya ng malalim saka tumingin ng tuwid saken.

"Seb. Hindi ko din alam kung bakit ako nagkakaganito. Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan to e." nakatungo niyang sabi saken.

"Is this about Ice?" Tanong naman ni Duke.

"Ewan ko, pero parang ganun nga, Duke"Humarap siya kay Duke na parang naiiyak na.

"Bakit? Ano ba talagang nangyare sainyo ni Fafa Ice?"Sabi ko naman sakanya.

"E kase nga ganto yun....."


Inumpisahan niyang magkwento habang lumalagok ng alak, mula sa unang pagtatalo nila ni Ice nung nagpunta kami sa resto-bar hanggang sa nakita niya nga daw kaninang may kasamang babae si Ice sa mall.

When A Mafia Falls In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon