CHAPTER 31

558 11 4
                                    

 Dedicated to: SaChelle
SaChelle loves Usui ♥ I love Usui...
SaChelle loves Takishima ♥.. I love Takishima... n___n

Such great tastes huh?? ^_______________^

=============

"Layas na!! Sarap mong sapakin aah!" napapitlag nalang kami parehas ni Matt. Hinahabol kasi ni Mia ng hampas ang tuwang tuwa sa pang aasar na si Ken.

"Bakit? Pagmamay-ari mo buong gym?" tawa ng tawa si Ken. Si Mia naman parang wala nang ikukunot ang noo sa sobrang aburido.

"Hindi nga... pero pupudpurin naman kita ng sapak kapag hindi ka pa umalis." naupo si Mia sa tabi ko. Hinihingal siya sa kakahabol niya kay Ken.

"Yeah right. Para ka ngang bata manapak eh. Walang impact. Hahahah!" nang umupo si Ken sa tabi ni Mia saka tumunog ang napakatinis na paghampas ni Mia sa braso niya.

"Aww!" hinimas niya yung braso niya na namumula sa hampas ni Mia. Hinipan hipan niya pa. Loko! Napala! Hahaha.

"Ayan. Hahaha. Ang pula. Bleeh!! Buti nga sayo." pang asar pa ni Mia. Hayy daig pa mga bata kung magharutan. Buti nalang hindi masyadong nagrereact si Matt. Parang lula nga lang siya dito sa tabi ko nakatulala kay Mia ehh.

"If I know.. crush mo lang ako ehh. Uyy crush mo ko noh?" maski ako hindi ko napigil ang matawa sa kakornihan at pagka- old style ni Ken. Kay lolo pa ata galing yung style na yun ahh.

"HAH! Ang kapal ng face! Kapanget mo errr!" isang malutong na hampas nanaman.

"Aww! Aiiisshh! Para ka namang naglilihi. Kunwari ka pa. Crush mo  talaga ko ehh."

"Hayy nako. Ang kapal talaga. Matt ohhh. Pagtanggol mo nga ako." close sila ni Matt. Hey how long am I asleep?

"Matt oooh.. pegtengel me nge akuu." ginaya ni Ken si Mia kaya lalo siyang nahampas ng malakas sa braso niya. "Ayaw mo talagang titigil eh noh? Halika rito!" sinabunutan ni Mia si Ken. "Masama na yan aahh. Gusto mo na ng halik ko." hindi ko napigilan ang pagngiti. "Errr!" Mukha nga talagang close sila. Halos magkayakapan na sila sa sobrang lapit; Lumingon ako kay Matt. 

He's emotionless, I think?

The Heartthrob's PrincessWhere stories live. Discover now