CHAPTER 5 revised

1.2K 27 1
                                    

"Babes... kanina pa kita hinahanap. Kala ko naman kung saan ka nagpunta." sabay akbay ko kay Hannah.

Confused na tinignan lang ako ni Hannah. And looking at the guy's face... aahh epic. Siguro akala niya magagalit ako dahil kausap niya si Hannah, na tinawag kong babes.

Binaba nito ang kamay na nakaharap sa akin.

"Ahh, sige Hannah. See you around nalang sa school." hindi na nakapagsalita si Hannah at naglakad na kasi si Geoff, paalis. Pero polite naman itong nagpaalam kaya hindi ito nakakuha ng pansin.

"Ikaw... " sabay kurot sa tagiliran ko. "Anung pakulo naman yon?" napahawak naman ako sa tagiliran ko. Sakit naman!

"Ikaw kasi... kung kani-kanino ka nakikipag usap. Fini-flirt ka na, di mo pa alam." tumaas naman ang kilay nito sa akin sabay ngiti ng nakakaloko.

"At ano naman sa'yo yun, aber??" ayan na... nalintikan na. Bakit nga ba kase?

"Hey, last time I check... bestfriend mo ko." palusot ko. I know it won't work pero sinabi ko pa rin. Bahala na nga.

"Oo nga... pero hindi kita boyfriend." sagot niya sa akin. A sudden intense heat strikes me. Ano ba... Hannah, how do you do that? Leaving me speechless.

Lalo na yung mga smile niyang ganyan. HHOOHH! Lalo kong nakakalimutan ang sasabihin ko.

"Tara na lang mag sayaw." hinila ko na siya sa dance floor kung saan marami rami rin ang pairs na nasa mid 40s na ang edad.

Hindi na rin ito umimik at sinunod lang ang paghila ko sa kanya sa dance floor.

Nang marating namin ang gitna. Nginitian ko lang siya habang hapit hapit ko siya sa bewang niya... sa totoo lang ito ang unang dance namin dalawa. Biglaan?? No. I planned this. :))

Hindi ko lang siya talaga isinayaw nung prom dahil ayokong pag usapan kami. Although marami namang nakakaalam na magkaibigan kami, hindi naman kasi mawawala na may magselos lalo na si Claire.

Kaya nag decided akong wala nalang akong isasayaw. Ngayon, my first dance is her, like how I planned 6 years ago.

 FLASHBACK

"Look, nagsasayaw sila oh." lumingon naman ako sa tinuro ni Hannah. Napangiti ako ng makita kong masayang nagsasayaw ang mga magulang ko pati na rin ni Hannah.

I can see love kahit pa sabihin na sa murang edad ko ay hindi pa dapat iyon nararamdaman.

"Tara, dance tayo." napatingin naman ng masama si Hannah sa akin. AYY! OO nga pala.

"Seryoso ka?" sabay taas ng kilay sa akin. Napilayan nga pala si Hannah. Tssskk! At iyon ay dahil sa akin.

"Sorry nga pala ah." sabi ko at napayuko nalang.

Kung hindi sa akin hindi ako nagtampo tampo hindi sana siya mabubundol ng tricycle.

EHHH sino ba naman kasing hindi magtatampo sa kanya? Hinihintay ko siya kasi uwian na namin, tapos yung sundo namin nag hihintay na sa labas ng gate, ang hirap ba naman ng parking doon, tapos makikita ko lang nakikipag usap siya sa isang estudyanteng ngayon ko lang nakilala.

Nang mag walk out naman ako muntik na akong mabunggo ng tricycle, pero tinulak ako ni Hannah tuloy siya ang nabundol.

Buti nalang hindi siya napuruhan dahil kung hindi, hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

The Heartthrob's PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon