CHAPTER 26 (Revised)

426 12 0
                                    

A/N: Hi ! Here's my UD. Teka may naghihintay ba?? (wala ata) -.-"

Dedicated: ate Aril ^-^

-----------------------------

[Hannah's POV]


"Ang galing galing ni Ken." sabi ng mga ilang estudyante na papalapit sa gawi ko.


Naiwan muna kasi ako dito sa bleachers habang hinihintay ko si Hero na matapos makipag usap kay coach. Nalilibang na rin naman ako kakanuod kila Geoff habang nagpapractice.


Sikat na ba sila ngayon? Mukhang mga taga hanga din kasi nila tong mga nandito.


"Matteo kaya mo yan." rinig kong may nagsabi sa gawing itaas.


At meron pa pala don? Biglang dami pala ng mga estudyante dito ng ganitong oras.


"Lucas baby!" nagulat ako sa pagtili ng babaeng malapit ang upuan sakin. Sabay sabay naman siyang binawal ng mga malapit din sa kanya. Baby?? Nakakaloka naman pala makinig sa mga babae dito. Kalerki.


"Teka nasan si Geoff?" bulong ko sa sarili ko. Kanina lang naglalaro siya don kasama nila Ken eehh. Biglang nawala.


"Nabobored ka na ba?" ayy eto pala. Nakajersey pa rin siya. Nagpupunas siya ng pawis niya nang maupo sa tabi ko.


"Hindi naman." I sheepishly smiled tapos tinignan ko na ulit yung mga naglalaro.


"Nagbago ka na talaga." napabaling ako agad sa kanya dahil sa sinabi niya. Ako? Nagbago daw? Hmmm~


"Mas matured ka ngayon. Manamit, magsalita saka kumilos." binalingan naman niya ng pansin yung bola na hawak niya. "I suddenly misses the old you." then he smirked.


"Old me? Hayy ano ba talaga? Sabi nila magmature na raw. Tapos ngayon naman na nakukuha ko na yung style ng maturity may nakakamiss naman." biro ko ngumisi pa ko para maemphasize ang pagbibiro ko.


"Namimiss ko lang yung dating tayo." pakiramdam ko bigla akong namula sa sinabi niya. Para namang may dating kami? Ehh.


"Hi." may babaeng bumati sa kay Geoff na tantsya ko nasa 2nd-3rd year na siguro. Nilingon siya ni Geoff. Nahalata ko sa babae na hirap siyang magsalita.


"Hmm. Pamilyar ka. Anyway, Hi." maayos siyang binati ni Geoff. Then he suddenly snapped his fingers. "Ahh naaalala na kita."  Ngumisi siya saka tumayo kaharap nung babae.


"Ikaw yung muntik nang malaglag sa stage diba?" curious lang akong nakikinig sa kanila. I mean kay Geoff. Kasi hindi naman nagsasalita si girl. Nakatulala lang siya sa kaharap. Feeling ko tuloy na starstruck siya kay Geoff.

The Heartthrob's PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon