CHAPTER 17 Revised

856 17 2
                                    

"Talaga ba na paninindigan mo yang hindi pagpansin sa kanya?" nangingiting tanong sa akin ni Shaira. Sa mga tingin niya para bang napaka-in denial kong tao. "Hindi talaga kita maintindihan, Hero. Pero isa lang ang alam ko, hindi mo kaya, kahit isang buong araw lang na hindi mo siya pansinin." it bothers me to think the same way. It's so frustrating.



"We'll see." then I took a sip of my juice. Buti na nga lang walang masyadong tao ngayon dito sa cafeteria kaya nagkakarinigan kaming mabuti ni Shaira. Wala naman din problema kay Shaira kung makita man ng ibang mga babae na kasama ko siya. Shaira can protect herself. Kahit lagi ko siyang kasama hindi siya kayang apihin ng iba. Hindi gaya ni Hannah na lagi nalang mapagkumbaba pag ayan na yung mga nangaapi. Hindi lumalaban at lagi nalang...




"Shhh*t.." she always had her way into my mind.



"You see?" saka siya tumawa ng mahina para lalo pa akong mainis sa sitwasyon.



"I'm not mad at her, Shaira. I just wanted to give her space. Masyado ko na siyang ginagawang baby." tila natatawa pang pinipigil ni Shaira ang sarili. Napapailing pa niya kong tinignan saka pumalatak.



"Kidding aside, Hero. I hope you know what you are doing. Kasi sa nakikita ko, the more space you give the more your rival seeks his way in. Hey, you're such a smart kid. What happened to you, really? Yan ba ang epekto ng pag ibig?" sarcastic niyang pahiwatig.  Gusto ko sanang ipaalala sa kanya na kahit siya wala namang kahit sinong naipakilala sa aking nobyo niya noon pa man. But I rather not. Nababasa ko kasi madalas na sensitive siya sa ganoong klase ng topic. "Oh! I get it. Nagseselos ka kaya ka lumalayo. Cause you think your relationship with Hannah is basically enough to make her choose you rather than her new friends. Tell me, I'm right. Dali! " sabi ni Shaira saka hinalo halo ang inuming juice at nakatingin sakin faking her excitement. She knows she's right herself. Hindi ko naman na siguro kailangan sumagot. Basically yung sagot sa isip niya pa rin ang paniniwalaan niya. "Oh poor kid. Ayaw aminin na seloso siya." Shaira said teasing me more.



"Seloso? I don't think so." seloso nga ba ko? Why would I even get jealous? Hannah and I were friends since we're in diapers. Why would I even get threatened with those successors.



"Ayaw mo nang seloso? Okay. Overprotective nalang. It's lighter to carry." napapailing nalang akong tumahimik at unti unting binaliwala ang mga sinasabi niya. "Hero, the blame is in you, really." iinom na sana ko ng juice ng sabihin niya yon. My straw hangs a second of looking at her wondering what she meant. "You we're the first one to get cold. I think it really is your fault, kaya hindi mo siya masisisi na mapalapit sa iba." It suddenly gets the curiosity out of me.



One day, I left her. I cut all the things that we usually do together. Hindi na ko sumasama na manuod ng sine sa kanya. Movie marathons sa bahay nila twing may mga bago siyang bili na dvd. There are days I tried not to communicate with her. But guilt always strikes me whenever I keep seeing her alone. Doing the stuff we usually do. Pero kailangan kong labanan ang pagka-miss ko sa kanya. Ang hirap na yung mga oras na pag nasa school kami hindi ko siya kinakausap, mag isa siyang naglulunch, at saka palang pag uwi kami nagkakasama dahil sabay kami sa sundo. Naaalala ko lahat. Pero hindi ang dahilan kung bakit ako naduwag para gawin ang lahat ng yon sa kanya.

The Heartthrob's PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon