CHAPTER 2 Revised

1.9K 32 2
                                    

"Hannah. Huy Hannah! Ano ba. Gising na. Tatanghaliin na tayo." hirap na hirap na ginigising ni Hero ang kaibigan na mantika kung matulog. Halos buhatin na niya ito para lang magising.

Panigurado niya ay hindi nanaman ito nakatulog kinagabihan nang dahil sa matinding excitement nito para sa first day nila sa school. Sinadya niyang gumising ng maaga dahil alam niyang mahuhuli nanaman silang pumasok kapag hindi niya pinuntahan si Hannah ng maaga. At nakikinita niya nang magiging ganito sila buong high school years.

Papungay pungay na minulat ni Hannah ang mata... pagkakita niya kay Hero pumikit siya ulit at nahiga covering her face with a pillow.

"Tss. Male-late tayo sa ginagawa mong yan, Hannah." inuga ni Hero ng malakas ang kaibigan. Grabe talaga yung kaibigan niya, hindi niya nalang talaga maitapon at alam niyang walang pupulot.

"Tss... Sige, aalis na ko, bahala ka."

Pagtalikod niya saka siya pinigil ng kaibigan.

"Baliw ka. Ang aga aga pa eh." nag inat inat si Hannah at humikab hanggang sa tumayo siya at iniayos ang kama.

Nakatingin lang si Hero kay Hannah habang kakamot kamot ito ng ulo at nag aayos ng kama. Ngumiti siya ng lihim. Isang sulyap lang niya kay Hannah pawi na ang puyat niya. Napansin niya naman ang pantulog na damit nito. May kanipisan kasi kaya hindi niya napigilang mamula ng marealize kung anong kulay ng panloob nito.

"Oy yu-yung ano mo nga! Ayusin mo na nga sarili mo. Dalaga ka na nagsusuot ka pa ng manipis na pantulog." tumalikod siya rito na siyang pinagtataka ni Hannah. Kung hindi niya lang kabisado ang kaibigan niya malamang napikon na siya rito sa simula palang.

"Aba malay ko bang gegerahin mo ko ng ganito kaaga." inirapan ni Hannah si Hero, na parang walang nadinig. Lalo pa siyang naiinis pag may sinasabi siya tapos walang comment si Hero.

"Mano kayang maligo ka na at mag tooth brush ka na rin. Amoy na amoy ko yung morning breath mo." sabi ni Hero pagkaharap sa kanya na kunwaring nagtatakip ng bibig.

"Kapal mo naman. HAAH HAAH." makulit niyang binugahan lalo ng hinginga si Hero sa mukha habang takip na takip si Hero sa ilong niya para hindi ito maamoy. Pamartsang nagpunta ng banyo si Hannah dala dala ang damit. Natatawang umalis na rin si Hero para hintayin sa baba si Hannah.

"May sayad talaga." aniya sa sarili.

Sa kusina kung saan naamoy niya ang masarap na niluluto ni manang siya dumiretsyo. "Mukhang masarap po yan ahh." lumapit siya rito na may ginigisa. "Naku hijo, masarap talaga tong luto ko. Pero kilala kita. Ayaw mo ng nakakatabang pagkain. May inihanda ako para sayo jan sa lamesa. Kumain ka muna habang naghihintay." naupo si Hero sa mesa at tinignan ang mga pagkain.

"Wow. Mga paborito ni Hannah to ahh." bati niya sa mga nakalapag na pagkain.

"Ehh, kilala mo naman ang kaibigan mong iyan. Hindi na nagsawa sa tocino." sabay silang nangisi. Parehas nilang kilala si Hannah sa simula palang. Nagkwentuhan lang sila hanggang sa narinig nilang nagmamadaling bumaba si Hannah ng hagdan.

Napatayo pa si Hero sa kinauupuan ng marinig ang malutong na "Shit" at "Ouch" ni Hannah habang pababa ito ng hagdan.

"HERO! TARA NA DALI!!! Late na tayo!! Sa daan na tayo kumain." nagmamadaling nagsusuklay si Hannah habang ibinababa nito ang dalang sapatos. Ngingiti ngiting tinitignan siya ni Hero at ni manang.

"Huyyy! ANO NA? LATE na tayo. Look! 7:30 na for Pete's sake!!" umayos ng pagkakatayo si Hero at humalukipkip sa harap ni Hannah na madaling madali sa pagaayos ng sintas ng sapatos.

The Heartthrob's PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon