Naalala niya ang pagpapakilala ni Nykyrel sa kaniya kanina kay Xavier kaya naglakas ng loob siyang sagutin ang babae.

"Oo, ako ang girlfriend niya." Sabi niya.

At the same time, Nykyrel said, "h-hindi k-ko s-siya g-girlfriend."

Parang may espadang tumarak sa puso niya, tagos 'yon sa likod niya. Lechel choked in pain as she struggles not to shed a tear.

Hindi makapaniwalang tumingin siya kay Nykyrel. "Please, Nykyrel—"

"H-hindi k-kita girlfriend." Pagkasabi niyon ay umikot ito sa driver's seat saka sumakay at nagmaneho palayo.

The woman beside her laughed. "Isa ka rin palang loser. May disability na nga hindi mo pa makuha—"

Isang malakas na sampal ang pinakawalan niya at tumama iyon sa babaeng leader ng mga langaw.

"Fuck you!" Sinampal niya ulit ito sa kabilang pisngi saka malakas na sinabunutan.

Lechel was so mad; she could kill the woman in cold blood! Nanginginig ang katawan niya sa sobrang galit at walang nagawa ang babae sa lakas at bilis ng kilos niya. Ang ibang kasama naman nito ay umatras ng makita ang poot sa mga mata niya.

"Bakit niyo ba tinatrato ng ganoon si Nykyrel! Wala siyang ginawang masama sa inyo! Wala!" She keeps on saying this sentence again and again.

"Aray! Nasasaktan ako!" Sigaw ng babaeng simasabunotan niya.

Walang pusong itinulak niya ito sa semento saka nanlilisik ang matang pinandilatan ito. "Ikaw na babae ka, sa oras na nagkita kayo ni Nykyrel at kinutya mo siya, sakin ka mananagot."

Lechel saw fear on the woman's eyes. Good.

Nagmamartsa siyang umalis at pumara ng taxi. Gusto niyang sundan si Nykyrel sa bahay nito pero hindi ngayon. She was also mad at him for denying her like that! Alam naman niyang hindi talaga siya nito girlfriend, at nagpakilala lang siyang ganoon para iligtas ito. Argh!

Buwesit na lalaking 'yon!

Sobrang sakit ng puso niya sa nangyari.

Sa bahay niya siya nagpahatid sa Taxi. Ayaw niyang makita si Nykyrel. Yes, the psychologist and therapist told her to understand and be patience with him, pero paused muna siya ngayon sa pag-intindi rito. Mag-aaway lang sila at walang patutunguhang maganda yon.

Lechel needs time before she talks to Nykyrel.

TWO DAYS. Two days had passed since her and Nykyrel's date. Hindi siya pumunta sa bahay nito dahil galit pa siya. Sa dalawang araw na 'yon nanatili siya sa loob ng kaniyang bahay at kinakalma ang sarili.

Her heart was still torn apart. Nykyrel denied her. Siguro hindi naman talaga siya nito gusto. She's just someone to fuck when he gets bored being alone. That hurts more than she cares to admit.

Inilapag niya ang isang tasa ng kape sa Island counter at bumuga ng marahas na hangin.

Breathe in. Breathe out. Shit! Not working— the doorbell rang.

Nagsalubong ang kilay ni Lechel, sino naman kaya ang nasa labas ng bahay niya? Wala naman siyang inaasahang bisita.

With a lazy stride, Lechel went to open the door. Nanigas siya sa kinatatayuan ng mapagsino ang nagdo-doorbell.

"Nykyrel."

"H-Hi."

Her forehead furrowed. "Anong ginagawa mo rito sa bahay ko? Paano mo nalaman na dito ako nakatira? At bakit nasa labas ka ng bahay mo? Bakit hindi mo nalang ikulong ang sarili mo roon sa loob ng mag-isa—"

TDBS2: Wicked Encounter - COMPLETED (PUBLISHED under Precious Pages: LIB Bare)Where stories live. Discover now