CHAPTER SIXTEEN

1K 19 8
                                    

Note: Unedited. Raw draft. Bear with me.

CHAPTER SIXTEEN

"ARRA!" sigaw ko.

Bumitaw na ako sa pagkakayakap ko kay JC at dalidaling tumakbo papunta doon sa pwesto ni Arra. Tinawag pa nila akong lahat pero di ko sila pinakinggan at nagpatuloy lang ako. Pero pagkarating ko sa may entrance, wala na siya.

Namamalikmata lang ba ako? Pero hindi eh, totoo 'yon. Nakita ko talaga siya. Pero asan na siya? Lumingonlingon ako sa paligid pero walang Arra. Siguro nga namamalikmata lang ako.

Tumalikod na ako.

"Huh?" napalingon ulit ako. May naririnig kasi akong humihikbi. May umiiyak. Sino kaya 'yon?

"May tao ba diyan?" hinanap ko kung saan galing yung boses ng umiiyak. Pagkarating ko doon sa bandang likod ng building, may nakita ako isang babae. Nakaupo sa sahig at nakayukong tinatakpan ang kanyang mukha. Hindi ako pwedeng magkamali. Sa ayos pa lang kilala ko na kung sino siya.

"Arra?"

Lumapit ako sa kanya. Dahan-dahan naman siyang tumayo pero di man lang tumitingin sa akin. Gusto ko siyang yakapin.

"Kung pagtatawanan mo lang ako, umalis ka na lang." Sabi niya pero di pa rin tumitingin sa akin. Nakita ko namang pinahid niya yung luha niya sa pisngi. Naglakad na siya para sana umalis pero pinigilan ko lang siya.

"Teka lang." Huminto siya. "Paano mo maririnig yung tawa ko kung aalis ka?" pang-aasar ko. She looked at me with a gritted teeth. Nakakunot pa ang noo.

"Oh! 'Yon lang naman pala ang dapat kong gawin para mapatingin ka eh." Napataas lang yung kilay niya sa sinabi ko.

"Ano, nawala ka lang ng isang buwan, napipi ka na? Come on! Speak. Care to explain kung bakit bigla ka na lang nawala at di man lang nagpaparamdam."

"Para ano pa? Di ba dapat masaya ka na. Kasi sa wakas, wala nang nanggugulo sa araw mo. Wala nang Arra sa buhay mo."

Kahit kailan talaga 'tong babae na 'to. Ang taray.

"Alam mo, 'yon din sana ang gusto kong mangyari eh. Ang mawala ka sa buhay ko. Pero alam mo ba, nang mawala ka, nagsisi ako sa sinabi ko. Ayaw pala kitang mawala. Gusto palagi lang kitang nakikita." Tinitigan niya ako sa mga mata. "Siyempre wala akong naasar noh!" nanliit lang yung mga mata niya sa sinabi ko.

Parang ang hirap yatang banggitin yung sasabihin ko. Pero tama lang naman siguro 'to para na rin sa ikabubuti at ikatatahimik ng lahat. Para wala nang away pa. Gusto ko na talagang makalimot.

"Sorry."

Natahimik ako. Yun dapat ang sasabihin ko kanina pa pero naunahan niya ako. Pero teka, tama ba talaga yung narinig ko o may problema lang sa pandinig ko? Si Arra Mendoza? Nag-sorry?

"I know, it's hard to believe but it's true at tama yung narinig mo."

So, totoo nga. Si Arra Mendoza na kilala ng lahat bilang isang bully sa school, ay nag-so-sorry sa akin ngayo? Akala ko hindi niya kayang gawin ang mga iyon pero nagawa niya.

"Margaux, I'm really really sorry. To the point na gusto kong lumuhod at magmakaawa para lang mapatawad mo ako. Pero alam ko, it's not enough for you to forgive me nang ganun-ganun na lang kadali. Di kita masisisi kung kasusuklaman mo ako habang buhay or you'll curse me to death, because I deserved it. Slap me. Please slap me very hard para kahit papaano ay makaganti ka sa akin." Pilit niyang kinuha ang kamay ko at pinagsasampal ang sarili niya gamit ang mga kamay ko.

"Arra, please stop it."

"No. I deserved it."

Umiiyak na siya. Di ko na napigilan pa ang sarili ko. Niyakap ko na siya at di ko namalayang umiiyak na rin pala ako.

Her Pretty Little Game (Published under Immac Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon