CHAPTER FIFTEEN

1.1K 31 2
                                    

Note: Unedited. Raw draft. Bear with me.

CHAPTER FIFTEEN 

MARGAUX's POV

IT'S BEEN a month since nangyari ang lahat ng iyon, ang paghingi nilang lahat ng tawad sa akin. At buwan na rin ang nakalipas pero hindi ko pa rin nakikita si Arra sa West High o kahit na sa daan man lang. Walang nakakaalam kung nasaan man siya. Hindi na kasi siya pumapasok sa school. Noong tinanong ko naman sina Glenda at Gina, wala rin daw silang alam. Kahit na si Jett, walang idea. Di rin naman matawagan.

I should be happy. Kasi sa wakas ay wala nang Arra sa buhay ko. Wala nang nanggugulo at manggugulo pa. Walang mananakit. Pero mali eh, hindi iyon ang nararamdaman ko ngayon. It may sounds really weird pero parang na-mimiss ko siya. Creepy but it's true. Feeling ko may nawawala at kulang. Miss ko na yung sagutan namin, miss ko na yung mukha niyang parang sasabog dahil sa galit. I missed everything in her.

"Margaux?"

Isang mahinhin na boses mula sa labas ng pintuan ang tumawag sa pangalan ko, kasabay no'n ay ang pagkatok niya. "Pasok po, Yaya Mileng." Pagkasabi ko no'n ay kaagad namang nagbukas ang pinto at tumambad sa akin ang nag-aalala niyang mukha. Umupo siya sa kama katabi ko.

"Bakit di ka pa bumababa? Di ka pa nag-aalmusal ah?"

"Di pa po ako nagugutom." Walang-ganang sabi ko.

"May problema ba anak? Sabihin mo, handa naman akong makinig." Kahit na humindi rin ako sa sinabi ni Yaya, makakapag-kwento pa rin ako kasi pipilitin niya lang ako kaya mas mabuti pang sabihin ko na lang.

"Tama po kayo Yaya, walang magandang maidudulot ang paghihiganti. Actually, wala pa nga po talaga ako sa totoong plano ko, sumuko na ako kaagad. Pero sumuko po ako di dahil sa natatakot ako sa kanila. Sumuko ako dahil na-realize ko na mali pala ang ginagawa ko. I'm sorry Yaya, naging padalos-dalos ako ng mga desisyon. Di ako nakinig sa iyo dati. Nauunahan lang po kasi talaga ako ng galit ko eh."

Huminga ako ng malalim. Di ko aakalaing mangyayari pa talaga ang lahat ng ito ngayon. Hindi ko ito inaasahan. Ibang buhay ang gusto ko, yung tipong masaya ang lahat. Bakit dumating ako sa punto na kailangan ko silang gantihan at manakit rin ng iba?

"Kahit ako na po si Margaux physically, di pa rin po nawawala si Maggie sa loob nito. Lalo na dito..." tinuro ko ang bandang puso ko. "I am still the same Maggie na nakilala ninyo. Yung Maggie na hindi nananakit at ayaw manakit. Kahit na anong pilit kong baguhin yung sarili ko, kahit magmaldita pa ako sa kanila, well 'yon naman talaga ang gusto kong mangyari. Kahit na anong gawin ko, bumabalik at bumabalik pa rin yung pagiging Maggie ko."

Nararamdaman ko na naman yung namumuong luha sa gilid ng mata ko pero pinipigilan ko. Maya-maya ay niyakap niya ako.

"Tama ang naging desisyon mo, anak. Forget the past and forgive them. 'Yon lang. Sa susunod, 'wag na 'wag ka na ulit magpapadala sa emosyon mo. Kasi pag nauunahan ka ng galit mo, maraming mangyayari ang di mo gugustuhing mangyari." Bumitaw na siya sa yakap.

"Salamat po Yaya. Natatandaan niyo po ba yung sinabi ko sa 'yo dati? Sabi ko, hindi ko hahayaang maging unfair sa akin ang mundo. Binaba nila ako sa lupa at gusto ko silang hilahin din pababa para maging katulad na sila sa akin. Pero na-realize ko, di ko na pala dapat na gawin ang mga 'yon."

Napaatras naman siya ng ulo sa sinabi ko. "Bakit?"

"Kasi in the first place, binaba na nila ang mga sarili nila. Sila mismo ang nagpababa sa kanila. At habang nananakit sila ng ibang tao, mas nababaon pa sila. Ngayong nasa baba pa rin sila, gusto ko silang tulungan. Itatayo ko sila. Itatayo ko sila sa pagkakadapa nila at maglalakad kami nang sabay na para bang walang nangyari. We can start again, right?"

Her Pretty Little Game (Published under Immac Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon