CHAPTER SEVEN

954 32 1
                                    

ARRA's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ARRA's POV

NAKAKAINIS!

Akala ko forever nang maganda ang magiging takbo ng buhay ko. Yung tipong, ako yung reyna, sila ang mga alipin at kaya kong gawin ang lahat ng walang kumukontra. Pero simula nang dumating ang nakakainis na babaeng iyon na di ko alam kung saang lupalop pa galing, wala na siyang ibang ginawa kung hindi ang ipamukha sa akin na mas malakas siya, mas makapangyarihan at mas may kaya.

Hindi niya alam, pader ang binabangga niya. Ipapakita ko sa kanya na nagkamali siya ng binangga. I'll make her life a living hell.

Humanda ka sa akin, Margaux Manrique.

Something is suspicious about her. Kaya naman naghanap ako ng imbestigador na pwedeng alamin ang tungkol sa babaeng 'yun.

Malalaman ko rin kung ano ang baho mo, Margaux. Humanda ka.

Matapos yung incident sa may parking lot ay palagi ko nang naiisip yung mga sinabi niya sa amin. I have this feeling na para bang nagkita na kami dati. Marami siyang alam tungkol sa akin at sa amin ni Jett. Pero wala akong alam tungkol sa kanya. This can't be. I should get even. Kailangan kong makahanap ng alas laban sa kanya.

Yung pagiging fiance namin ni Jett, pa'no niya nalaman 'yon? Eh, transfer student nga siya at hindi pa gaanong bulgar sa lahat ang tungkol doon, at iilan lang ang may alam. My name, bakit kilala na niya ako kaagad nung first day pa lang niya, where in fact, siya lang yung nagpakilala sa amin nung first day. Even Jett's name, alam rin niya. Sino ba talaga siya? Bakit ang dami niyang alam?

"What brings you here, dear?"

I couldn't help myself but to drop by at the principal's office at sakto namang wala siyang masyadong ginagawa. I look at Mrs. Suarez, my aunt.

"Lubos-lubusin mo na ang araw mo dito sa West High, Margaux. Dahil sisiguraduhin kong ito na ang huli mo dito," isip-isip ko.

"Go ahead...if you can."

Biglang nag-play sa utak ko yung sinabi niya sa akin. Oo, kaya ko. Kaya kitang patalsikin sa paaralang 'to at maging sa buhay ko dahil kaya ko. Dahil mas makapangyarihan ako sa 'yo.

Umupo ako sa tapat niya at sinabi na kung ano ang sadya ko.

"May gusto lang ako ipatalsik sa skwelahang ito. Masyado kasi siyang nagmamagaling. I know you can do it. Masyado siyang epal sa buhay ko. Ayoko siya dito."

"Masyado yata yung galit mo sa taong yun. Who is this person by the way?"

"Margaux Manrique. I don't like her and I don't want her to be part of West High. Bakit ba kasi nakapasok' yun dito? I want her to leave this school. Gusto ko, pagbalik ko ngayon sa room ay wala na siya sa paningin ko. 'Yon lang."

Tatalikod na sana ako nang bigla niya akong pigilan. "Wait! Margaux Manrique, you mean the transferee student?"

"Bakit, maliban ba sa kanya may iba pang Margaux Manrique dito sa school?" pagtataray ko.

Her Pretty Little Game (Published under Immac Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon