Tumango nalang ako

"Sige ba!" Sagot ko.

Teka ? Music play?

Si Nicole kaya sasali sa music play?

Maganda din ang boses nya. Isa na din sya sa mga ginagamit ng school kapag pagkanta lang ang pag uusapan.

Well. Parehong maganda ang boses ni Nicole saka ni Haide. Mahirap e identify kung kaninong boses ang lamang kasi parehong maganda e. Parehong may dating sa tao ang malumanay nilang boses.

Napalingon ako at napatingin Kay Nicole sa may likuran.

Ayun magkatabi na naman si Cheska at Nicole.

Bigla napakunot ang noo ko. At saka ako nanahimik at napa crossed arms.

Napansin kong napatingin si Haide kay Nicole saka sa akin. Pabalik balik ang tingin nya sa aming dalawa ni Nicole.

"Okay ka lang ba?" Tanong sakin ni Haide

Ngumiti ako nang pilit sa kanya.

"Yeah! Okay lang ako" sagot ko sa kanya.

Natapos na ang klase namin.

At wala ako sa mood para mag gala ngayon. Gusto ko lang mapag isa at magmukmok muna sa ngayon sa kwarto ko at manuod ng movies.

Inaayos ko na ang mga gamit ko. At pati na rin si Haide.

"Kate?" Sabay nang dalawang boses.

Alam ko si Haide yung isa kaya napalingon ako sa may likuran ko.

"Nicole?" Sabi ko.

"May lakad kaba ngayon?" Tanong nya sakin.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Tara! May pupuntahan tayo :)" sabi nya.

Napakunot ang noo ko.

"Saan?" Tanong ko.

"Ano ba yan! Dami pang tanong. Tara naaaa!!!" Sabi nya saka nya hinawakan ang kamay ko.

Napahawak din ako sa kamay nya.

"Sandali lang!" Sabi ko.

"Bakit?" Tanong nya na may halong pagtataka.

Lumingon ako pero hindi ko pa rin binibitawan ang kamay ni Nicole.

"Haide. Ano yung sasabihin mo?" Tanong ko Kay Haide

Ngumiti sya sa akin at saka umiling "Wala yun :) ingat kayo ^___^"

Tumango nalang ako sa kanya.

Magkahawak kamay kaming lumabas ng room ni Nicole.

Ang sarap sa feeling na hawak ko ang kamay nya ngayon.

Nakalabas kami ng school.

"Teka? Saan tayo pupunta?" Tanong ko.

"Basta!" Sabi nya.

Pinara nya ang jeep na parating.

"Mag cocommute tayo?" Tanong ko sa kanya.

" Oo :)" sabi nya.

"May sasakyan naman ako bakit kailangan pa natin mag commute?" Tanong ko ulit.

"Ang dami mong satsat. Sakay na! Hehe." Sabi nya.

Napilitan ako na sumakay ng jeep kahit ayoko talaga!

Magbabayad na sana ako sa jeep nang mapansin ko na nakapag bayad na pala si Nicole.

This Nerdy Girl is Mine (COMPLETED)Where stories live. Discover now