"Uhmmn...anong nangyari sa dalawang to?" Tanong ni Greiv na bumungad sa amin pagka-uwi

"Lovers Quarell" nakangiting sagot ni Kylon pero pinandilatan ko lang siya ng mata, habang si Psycho naman ay parang di man lang nagsisi sa ginawa niya kanina at inaayos lang niya ang buhok at damit niyang nagulo dahil sa paghampas ko kanina

"Hmmn...I see, mukhang hindi na magtatagal at mapupuno na uli ng tawanan ng mga bata ang pack house" Inosenteng ngumiti lang si Greiv pero parang nagpantig lang ang tenga ko, BATA!? With that Psycho!? No way in h*ll! Magpapaka-Old maid na lang ako!

"F*ck this! I'm out!" Sabi ko at naglakad na papuntang elevator...

"Hey! Wait!" Pigil pa sana akin ni Psycho pero pinigilan siya ni Greiv

"Sumama ka muna sa akin Cyan may kailangan akong sabihin sayo" at dahil sa sinabing yun ni Greiv ay di na siya nakahabol kaya patuloy na akong nakasakay sa Elevator at umakyat sa floor kung saan kami natulog ni Gabriel kagabi at saktong pagbukas ko palang ng pinto ay isang malaking ngiti at yakap na agad ang sumalubong sa akin

"Kamusta? Kumain ka na ba?" Tumango-tango lang siya, nabinyagan na nga pala si Gabriel bilang miyembro ng Pack at mukhang ang apelyido pa ni Psycho ang dala niya kaya kung tutuusin parang anak na namin siya, oh! Nope! Scratch that! Anak ko siya!

"Hmm? Nagdra-drawing ka ba?" Tanong ko habang nakatingin sa maliit na mesa na puno ng crayons at papel, Ngumiti lang uli siya at tumakbo pabalik sa kinauupuan niya kanina para kunin yung Drawing book

"Aah!!" munting sigaw niya at itinuro yung crayon drawing niya atsaka itinuro ako

"Ako ba yan?" Tumango uli siya "bakit tatlo yan sino yung iba?" Tanong ko sa kanya, tatlong stickman kasi ang drawing niya ako na kulay pink gaya ng sabi niya tapos yung isa pang malaki ay kulay blue at yung maliit na hinala ko ay siya kulay green tapos yung background ay simpleng bahay na may bulaklak yung madalas idrawing ng mga bata*(yung drawing niya nasa attached na multimedia!^^v)*

"Uhh!" Itinuro niya yung green na stickman atsaka itinuro yung sarili niya, so tama ako na siya yun

"Wow so ikaw pala yan" tumango uli siya tapos yung kulay blue naman ang tinuro niya

"Uhn! Grrrr!!! Arrrgghh! Raaaarr!!!" Umakto naman siya na parang halimaw na may kasama pang pag-stump ng sahig ang cute niya ngang tingnan pero natawa na lang ako ng marealize kung sino yung tinutukoy niya, isa lang naman ang halimaw sa lugar na to kaya malamang si Psycho yun

"Haha kung ganun yan pala si Psycho" ngumiti lang siya sa akin atsaka tumango, pero nakakapagtaka dahil hindi ko naman siya binigyan ng Crayons atsaka Drawing book kaya saan galing ang mga to? "Gabriel sinong nagbigay sayo nito?" Lalong lumaki naman ang ngiti atsaka itinuro yung Blue na Stickman...

Si Psycho? Pero bakit? Akala ko ba ayaw niya sa batang to? Una hinayaan niyang gamitin ng bata ang apelyido niya tapos ngayon binigyan pa niya ng regalo? Parang nag-iba ata ang ihip ng hangin?

Oh well, baka nabulongan lang ng anghel yun!

"Sige na Gabriel bumalik ka na sa ginagawa mo di ka tapos diba?" Tumango siya at bumalik sa maliit na mesa at nagsimulang mag-drawing uli at ako naman ay inilapag na sa kama ang bag ko atsaka ko inilabas ang mga homework ko na naiipon na dahil sa pag-absent ko

"Teka asan nga pala ang phone ko?" Wala kasi siya sa loob ng bag kung saan ko ito madalas ilagay

"Uhn!" Napalingon naman ako kay Gabriel at nakitang nakaturo siya sa drawer sa may paanan ng kama, kaya lumapit ako dun at nakitang nakapatong lang pala dun ang phone ko, nakalimutan ko lang dalhin sa School

The White Queen(On Going Major Editing)Where stories live. Discover now