Kapitel 25

2.7K 77 2
                                    


FÜNFUNDZWANZIG~~

Elie's POV

Nandito kami sa kotse ngayon at dahil matagal din ang byahe ay naisipan kong gawin na lang muna dito ang report ko atsaka ayaw ko rin kasing pansinin ang halimaw sa tabi ko

"So now your sulking?" SULKING?! Ako? At bakit?! Anong tingin niya sa akin bata!?

"Don't speak to me I'm busy" poker face ko na sagot kahit na gusto ko talaga siyang sigawan

"Why didn't you sleep in our room last night?" Hindi ko alam sayo! Itanong mo sa sarili mo! Gusto ko sanang sabihin yun pero ayoko talaga siyang kausapin kaya nagtype na lang ako sa MS word at nilakihan ang font nito atsaka ko iniharap sa kanya ang laptop ko

(I'M NOT SPEAKING WITH A PSYCHO!) In chiller font pa yan napasimangot naman siya at ako ibinalik na ang atensyon sa report ko

"So your not speaking to me huh? And you'll also pretend that I'm just an air here right?" Alam kong may pagka-isip bata ang ginagawa ko pero ito lang kasi ang naiisip kong gawin para wag na akong kulitin ni Psycho at makaiwas na rin sa away

"Then i'll just enjoy being an air then" huh? Anong ibig sabihin ng lokong to? Di ko na lang uli siya pinansin 'Air' nga daw siya e

Pero mukhang na wrong move ako dahil naramdaman kong unti-unti siyang lumapit sa akin at nabigla na lang ako ng hapitin niya ang baba ko para iharap sa kanya

"Ano ba--" Bad! Bad! Bad Move!!!!

Di ko akalain na bigla nalang akong hahalikan ni Psycho! At dahil nga magsasalita sana ako kaya medyo naka-uwang ang bibig ko at dahil dun parang binigyan ko na rin opening ang dila niya para makapasok!

F-French Kiss!?!?

Naramdaman kong lahat na ata ng dugo ko ay napunta na sa mukha ko at saka lang ako nabalik sa ulirat ng maramdaman kong hapitin niya ang bewang ko palapit sa kanya kaya natulak ko siya agad...

"B-bakit mo ginawa yun!?" Tanong ko habang tinatakpan ang bibig ko, mahirap nang maisahan uli...

"Why?" Unti-unti siyang lumapit sa akin wearing a seductive face at ako ay napa-atras lang ng napa-atras hanggang umabot na ako sa dulo, sa may bintana ng kotse! Geez! Pagadating sa away di ako kinakabahan pero bakit kapag ganito na ang sitwasyon tinatakbuhan na ako ni tapang!

"A-ano ba Psycho!" Sigaw ko sa kanya habang naka-handa na naman ang kamay kong itulak siya dahil sobrang lapit niya na

"Why? I'm being an air..." Hinawakan naman niya ang kamay ko na nakaharang sa kanya, ano namang connect ng halik na yun sa pagiging 'Air' niya!? "I'm an air that's why you need to Breathe me..." Normal na masuka ako sa mga baduy na cheezy lines na yun pero ngayon pakiramdam ko sasabog na sa sobrang pula ang mukha ko at ayaw rin matahimik ng pesteng puso ko!

"Ahemmn! Uhh...sa pack house niyo na lang siguro ituloy yan dahil may inosente tayong kasama dito..." Napalingon naman ako kay Kylon na siyang nagdra-drive ngayon at nakitang nakatingin siya sa amin gamit ang rearview mirror

Inosente? Napunta tuloy ang tingin ko kay Tsuki na katabi ngayon ni Kylon at napansing nakatakip sa mukha niya ang dalawa niyang kamay habang ang tenga niya naman ay pulang-pula bigla din tuloy akong nahiya dahil medyo nakalimutan kong andito din pala sila!

"Kasalanan mo to Psycho!!!" Arrrgghhh!!!!! Nakakahiya talaga!!! Hinablot ko kaagad ang notebook ko sa bag at nagsimulang paghampasin si Psycho, bakit ba ang hilig akong pahiyain ng Psycho na to!?

"Ow! What-ouch! Stop it! It hurts!!!" Nagpatuloy lang ang paghampas ko sa kanya at pagpigil niya sa akin, at hindi ko na din namalayan kong kailan kami tumigil basta nalaman ko na lang na naka-uwi na pala kami sa pack house

The White Queen(On Going Major Editing)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt