Chapter 24 - Gusto ko pa maging tatay!

Magsimula sa umpisa
                                    

Habang kumakain si Coleen, napatingin ako sa kanya. Kahit kumakain, may poise pa rin. Bigla ko tuloy naalala si Julia nung nag group date kami ng P5 and their girls. Wala talagang poise ang isang yon pag gutom! That's what makes her more attractive, I guess?! 

Wait. Attractive?

Ako attractive kay Julia? Heh. Asa.

"May dumi ba ako? Bakit ka nakatingin? Tsaka bakit ka nakangiti?" Natauhan naman ako. Di ko namalayang nakangiti pala ako. 

"Ah. Wala, naalala ko lang si Julia." Natatawa komg sabi. Eh kasi naman nakakatawa talaga yung naalala ko! 

"What about Julia? Uso magkwento." Edi yon, nagkwento ako since gusto ko na din talaga ikwento yung naalala ko. Haha.

"Dati kasi nag-group date kami ng P5. Tapos nakain kami. Sobrang takaw kaya ni Julia non! Ni hindi nga siya nakikinig samin kasi sarap na sarap siya sa kinakain niya. Nako! Lalo na yung pizza! Jusko! Naka-ilan siyang slice ng pizza! Feeling ko kaya niyang ubusin yung sa Big 30! Jusko talaga. Hahaha." 

"You're really enjoying Julia's company huh. And you really like her, right?" 



You really like her daw Quen?! Si Julia, like ko?! Like kong asarin pwede pa! Pero hanggang pagpapanggap lang talaga kami. Kasi si Coleen talaga ang super like ko! Yes! 

Pagkatapos naming kumain, umuwi na kami. Pero pagdaan ko sa blue magic, nahagip ng mata ko yung isang malaking teddy bear dun. Kaso hinila na ako ni Coleen palabas ng mall kaya hindi ko na masyadong nakita. 

"Thank you ha! Nag-enjoy ako." Pagkasabi niya non, bumaba na rin siya ng kotse ko. Tapos inabot niya sa akin yung couple t-shirt na binili niya samin ni Julia. Psh! Bigay ko kaya to kay Julia? Ay ewan! Ang corny talaga ~.~

Haaaaay! Maka-uwi na kaya? Napagod ako e. Pero sabi ko kanina dadaan ako kela Julia. Wag na lang kaya? Baka isipin nila ang OA ko na naman mag-react. Pero totoo naman eh, nag-alala naman talaga ako. Ano na kayang nangyari dun? Pupuntahan ko na talaga. 

*Bzzt Bzzt.* 

Kinuha ko ang cellphone ko at binasa ang text. Ohhh? From Julia pala to eh. I opened it.

From: Montage

Kath, can you buy me some sanitary pads? You know, period hits today. Hindi ako nakabili kasi hindi na ako nakadaan sa store. Promise babayaran ko. Thanks ha! Love you :-* 

Hindi pa man ako nakakapag-reply, may nagtext na naman. Si Julia ulit. 

*Bzzt Bzzt.* 

In a Relationship with Mr. Ice PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon