CHAPTER 11: Mr. Bear and Creampuffs

Start from the beginning
                                    

Nailabas ko na lahat ng sama ng loob ko. Tuloy tuloy na lang silang lumabas sa bibig ko.. hindi ko din napigilan sarili ko eh. Nadala ng bugso ng damdamin. BV eh.

Bigla siyang natahimik. Nakatingin lang siya sakin. Parang gusto kong magtago sa kahihiyan. Teka, parang gusto ko ng bawiin lahat ng sinabi ko. Waaaah~ nagalit kaya siya lalo sakin???

K: ui Grace tahan na.. hindi ko naman sinasadyang sabihin yung mga yun eh. Eh ikaw lang kasi eh. Minsan ang hina mong pumick-up kaya ko bigla nasabi sayo kanina. Medyo badtrip lang din kasi ako. Sorry na.
G: hindi porket badtrip ka eh pwede mo ng sabihin lahat ng gusto mong sabihin. Ano mo ako, stress reliever? Na pag badtrip ka, lahat ng galit sa mundo sa akin mo sasabihin? Ken, tao ako ok? May damdamin din ako.
K: kaya nga humihingi ako sayo ng sorry eh.. uii~ tahan na.

Bigla niyang inabot sakin yung panyo niya. Medyo nag-hesitate akong kunin kasi baka mamaya pinagtitripan na naman niya ako.

K: ui.. kunin mo na tong panyo ko. Mabango pa yan. Tahan ka na. Ano ba gusto mong gawin ko para tumigil ka na sa pag-iyak???

Wow, si Ken ba tong kasama ko? Biglang bumait ah. Halatang halata sa boses niya yung pagka-worry niya. Bigla akong napatingin sa kaniya. Titig na titig pa din siya sa akin at halata naman sa expression niya ang concern. Feeling ko, sincere naman siya sa pagso-sorry niya kaya kinuha ko na yung panyo.

G: creampuffs.
K: creampuffs???
G: creampuffs.
K: anong meron sa creampuffs?
G: diba tinatanong mo ako kung anong magpapatahan sa akin? Gusto ko ng creampuffs.
K: ah.. hahaha sige sige mamaya bibigyan kita, ok? Bati na tayo ha?
G: magbabati na tayo kapag nabigay mo na yung creampuffs ko.
K: haha! O siya siya mamaya bibigyan kita ng creampuffs mo.

YEY! May creampuffs ako mamaya *u* buti na lang pala at nagdrama ako ano? Pero seryoso ah.. naiyak talaga ako kanina. Lagi kasi niya akong sinasabihan na tanga ako kahit wala naman akong ginagawa.. sino ba naman hindi maiinis doon diba? Pero hindi ko naman ine-expect na magiging ganun reaction niya eh. Ang ineexpect ko pa nga eh magagalit siya lalo sa akin. Pero no. Hmm.. medyo mabait din naman pala itong si Ken eh. Madaling makonsensya hehehe.

At infairness, ang bango ng panyo niya ha. ;) At dahil traffic, halos 1 hour ng marating naming yung mall.

K: ano ba dapat ibibigay ko sa kaniya?
G: Mr. Ong? Naka-ilang GF ka na, pero hindi mo pa rin alam kung anong dapat binibigay sa isang date?!
K: eh kasi po Ms. Aguirre, ganito kasi ang prinsipyo ko pagdating sa pakikipag-relasyon eh..
G: tss. Relationship pa ba tawag jan? hindi ba fling? :|
K: Ms. Aguirre?
G: ok. Go. Tuloy mo na explanation mo Mr. Ong.
K: ok. Ituturo ko sayo ang Ken's Principle. Simple lang. Kung gusto ko siya, at gusto niya din ako, edi KAMI na. Wala ng date date! Ang date, para lang yan sa taong gusto makuha ang loob ng taong gusto niya. Ngayon, naintindihan mo na kung bakit ako nagpapatulong sayo. I never had dates, or even serious dates before. Lahat kasi ng mga babaeng nagugustuhan ko eh nagugustuhan din ako. And hindi din ako naniniwala sa ligaw ligaw na yan. Kung MU kami, edi KAMI na! Bakit kelangan pa magligawan diba?
G: oooh. Ken's Principle. Ooohkaaaaaay.

Alam niyo guys, gusto ko talagang tumawa ng malakas eh. Pero nagpipigil lang ako. KEN'S PRINCIPLE.... FWAHAHAHAHAHAHAHA =)))))) ang daming alam talaga!

K: so please, help me to pick a gift for her? Hindi ko kasi alam kung ano gusto ni Claire eh. And also, I want this date to be successful.
G: hehe ok fine fine. I'll help you.

]Nag-stroll stroll muna kami sa mall para makahanap ng magandang ireregalo kay Claire. Pero medyo hirap din ako mag-isip kasi never pa ako nakaranas ng formal dates eh. Pero madali lang yan. Ibabase ko na lang siguro sa mga napanood kong dramas para medyo hindi na din kami mahirapan sa paghahanap.

Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit [ C O M P L E T E D ]Where stories live. Discover now