"Ang alam kasi namin maraming connection ang Daddy nya. Sabi kasi ni Margaux, konektado ang daddy n'ya sa isang mafia boss at may mga kilalang yakuza at assassin sa Japan." Napatingin sa akin si Chesca at alam ko na iisa lang ang iniisip namin.



Ako ang may hawak ng Mafia sa Europa at may mga underlings din kami sa iba't ibang bahagi ng asya. Bukod pa doon at isa kami sa nagpapatakbo ng mga illegal na transaction sa underground society.



"Ano'ng pangalan ng Daddy n'ya?" tanong ko.



"Hindi namin alam eh! Ai Margaux lang ang nagsabi sa amin ng bagay na yun."



"Pero nakita na namin s'ya sa picture at may address n'ya kami dito Pilipinas."



"Okay. After class, pupunta tayo sa Daddy n'ya."



After ng short meeting namin ay field ay umattend na kami ng aming mga klase. Buong oras ng discussion ay nakatingin lang ako sa labas at iniisip ang mga posibleng mangyari.



Kasalanan ko 'to eh. Kung hindi dahol sa akin ay hindi iyon gagawin ni Tyler. Hindi masisira ang relasyon nila.



Pero ano ba'ng ginawa ko? Wala naman akong ginawa. Basta isang araw nagbago na lang bigla si Tyler.



"Reminder lang pala class. Ang basketball tournament para sa interhigh ay magaganap 2 weeks from now. Ipapaskil mamaya sa announcement board ang official list ng mga players. Keep you things now. Class dismissed!"



"Class dismissed na daw!"



"Ay kabayo!" Napatalon ako sa gulat nang may magsalita sa may batok ko. Pakiramdam ko ay nag-angatan ang mga balahibo ko.



Paglingon ko sa likod, nakita ko si Lance na nakalagay ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon nito at prenteng nakatayo.



'dug...'



'dug...'



'dug...'



'dug...'



Napahawak ako sa dibdib ko. Ito na naman ang kakaibang pakiramdam na 'yon.



Kaagad akong tumayo at dali daling lumabas ng pinto pero bago ko pa nagawa ang gusto ko any nahawakan na n'ya ako sa braso. Nai-waksi ko ang kan'yang kamay at gulat na napatingin sa kan'ya nang maramdaman ko ang tila kuryenteng dumaan sa katawan ko dahil sa pagkaka-hawak n'ya.



"Nadz, may problema ba? Nagulat ba kita?"



"Ikaw!" sigaw ko sa harap n'ya at itinuro s'ya gamit ang daliri ko. "Minamaligno mo ba ako?" "Aminin mo!"



"Huh? Ano ba'ng sinasabi mo?" Halatang naguguluhan s'ya dahil napapakamot pa s'ya sa batok n'ya. Kahit ako ay naguguluhan na rin. Pero bakit parang nagliliwanag s'ya ngayon?



"Minamaligno mo nga ako!" Sigaw ko at lumabas na ng classroom.










"LANCE P.O.V"

"Minamaligno mo nga ako!"



Maligno? Itong mukhang ito, maligno? Sinasapian ba s'ya ngayon? Ano ba naman 'yan? Paano ko s'ya mayayaya sa birthday ko? Lumabas na lang din ako dahil iniwan na rin naman ako ni Nadz.



Habang naglalakad ako sa corridor ay wala man lang akong nakikitang mga estudyante. Breaktime naman ngayon, kaya nasan sila?



Nagtuloy tuloy lang ako sa paglalakad at nakita ko sila sa quadrangle na nagtitipon habang nasa gitna si Nadz.



"...ang sino mang makakita kay Princess Margaux Salvador ay kaagad na ipagbigay alam sa amin."



Napangiti na lang ako sa nakikita ko. Ang taas talaga ng pag-galang ng mga estudyante kay Nadz. Lalapit sana ako sa kanila nang makita ko si Steve na kasama si Claire. 'saan naman sila pupunta?' sa sobrang curious ko ay sinundan ko sila.



Nakarating kami dito sa stockroom sa rooftop at nakita ko si Steve na kaagad na siniil ng halik si Claire. Napakamot na lang ako sa batok, mukhang mali ang desisyon ko na sundan sila.



"Lance saan ka galing" tanong sa akin ni Stephen ng makasalubong ko sila. Magkakasama sila nina Nadz.



"Ah, nag-cr lang." Napatingin ako kay Nadz at napangiti ako nang makita ko s'yang nakatingin sa akin. Namumula ang pisngi na nag-iwas ito ng tingin sa akin.



"Hinahanap namin sina Claire, nakita mo ba?" Napa-iwas ako ng tingin dahil sa tanong ni Chesca.



"Baka may pinuntahan lang." sagot ko sa kanila



"Naku! Paano kung may masamang nangyari sa kanila. Hinahanap pa nga natin si Margaux eh"



"Tara na lang mag-lunch! Babalik din sila kapag natapos na sila." Namumulang sabi ni Nadz. Teka! May alam ba s'ya?

















HAPPY READING 😘

She's A Gangster Princess [COMPLETED]Where stories live. Discover now