44- Double Personality

Start from the beginning
                                    

"Bakit? Anong meron? Gusto man nating makatakas pero hindi natin kaya. Ang rules diba? Survivors lang ang makakalabas dito at sa tingin ko kapag natalo na natin ang principal doon na matatawag na game over" Sabi naman ni Kheo



"Huwag mong sabihing kilala mo na kung sino ang principal?" Naguguluhang tanong ni Jeirahlyn. Tumango nalang ako at halos kinilabutan ang lahat ng mga kasama ko



Ilang minuto ang lumipas, kwinento lahat ni Sakura kung ano ang nalalaman niya. "Gusto ko na talagang umuwi, ayoko na dito" Reklamo ni Vanessa at halos maiyak na siya



"Guys anong oras na ba? Bakit parang sobrang dilim sa labas?" Tanong ni Kheo sa amin "12 palang ng tanghali, pakiramdam ko kinokontrol ni Kenneth ang oras dito sa loob ng campus, pinaglalarun niya tayo" Sagot naman ni Sakura



"Natatakot ako" Sabi nalang ni Yeka habang nakaupo na nakapatong ang mga hita sa isang upuan. Ilang saglit lang ay biglang nawalan ng ilaw ang buong campus at may narinig kaming nakakatakot na tawa na nagmumula sa mga speaker na nasa canteen



"Lets end this ga-- Achoo!" Narinig naming sabi ni Kenneth pero hindi niya natuloy dahil nabahing siya. Matapos nun ay bumalik ang lahat ng ilaw sa buong campus at biglang lumabas ang sikat ng araw, habang ang iba ay takot na takot parin sa mga nangyayari



Nananatili parin kaming nakakulong dito sa loob ng cafeteria ng may biglang pumasok sa loob. Nanlaki lahat ng mga mata namin ng makitang si Kenneth?! "Anong nangyari?" Sabay tanong sa amin nun, naguluhan naman kami sa kanyang pagbago ng kilos dahil hindi naman siya ganyan kanina at halos gusto na niya kaming mapatay



Napapansin namin na ang inosente ng mukha niya, at para bang bagong gising dahil sa singkit na mata nito at mga nakatayong buhok nito. Tila walang gustong kumausap sa kanya dahil lahat kami ay gulat na gulat sa mga nangyari pinapanood lang namin siya na tahimik na kumakain ng lunch



"Ano sa tingin niyo ang nangyari sa kanya?" Pabulong na tanong sa amin ni Jeirahlyn "Abay malay ko? Maging ako nanibago sa kinikilos niya, hindi kaya patibong nanaman 'to?" Sagot naman ni Yeka, sabay-sabay naman kaming nag kibit balikat



Maya-maya'y nagkaroon ng lakas ng loob si Yin para kausapin si Kenneth, habang kami naman ay patuloy lang sa panonood at inoobserbahan kung may mangyayaring masama




[Yin's POV]



Napag-isipan kong kausapin si Kenneth dahil isa rin ako sa naguguluhan, nababaliw na ba siya? Bakit ibang-iba ang kinikilos niya sa ngayon. Para bang naging inosente siya matapos lang niyang bumahing. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya, habang naglalakad ako hahawakan ko na sana ang balikat niya dahil nakatalikod siya ng bigla siyang nagsalita. Patay, napansin niya yata ako



"Kuya Yin? Bakit?" Mahinahong tanong nito sa akin. "Ah-eh, kasi, wala ka bang naaalala tungkol sa nangyari kanina?" Kinakabahang tanong ko sa kanya, hinihintay ko lang ang sagot niya dahil kumakain siya



"Wala naman, ang huling naalala ko lang ay nung nasa biyahe tayo pabalik dito sa university, tapos bumalik nalang ang alaala ko na nakatayo ako sa loob ng room ng principal at nasa harapan ko ang mikropono" Pagsagot nito, pinataas ko nalang ang buhok ko at halos manlamig na ako dahil sa kinakabahan



Matapos kumain ni Kenneth ay nagpaalam lang ito sa akin na magpapahinga nalang muna daw siya dahil sobra siyang napagod. Kakaiba talaga ang nangyari, seryosong wala talaga siyang naalala. Nag-iisip parin ako nang biglang lumapit sa akin si Sakura



School 26 UniversityWhere stories live. Discover now