"I’m sorry, Sir. I know I’m late. I'll be there within thirty minutes."

"Ang tagal," reklamo nito.

"'Wag kang mag-alala, bibilisan kong magdrive para mabilis din akong makarating dyan."

"Magdrive ka na lang mabagal. Kahit isang oras pa bago ka makarating dito, okay lang. I want you safe."

"Okay. 'Wag ka ng magpakuha ng kape, dadalhan na lang kita. I'll see you."

"Bye."

Umalis na ng bahay si Jin para pumasok sa opisina. Hindi niya inaasahan ang matinding traffic kaya natagalan siya sa byahe. Bago pa man siya pumunta sa opisina ni Gab ay nagtimpla siya ng kape nito. Agad niyang inilapag ang gamit sa pwesto niya at pumasok sa opisina ni Gab.

"Good morning, Mr. Teppei. Here's your coffee."

Inilapag ni Jin ang baso sa lamesa ni Gab at dahil busy ito, hindi siya nito tinitingnan. Nakaharap lang ito sa laptop niya.

"Sinabi ko lang na pwede kang tumagal ng isang oras, ginawa mo talaga," sabi ni Gab na hindi pa din tumitingin sa kanya.

"I wasn't expecting the heavy traffic on my way here. Ngayon lang ako pumasok ng ganitong oras kaya wala akong idea na traffic pala."

"Kumandong ka sa ‘kin," utos nito.

Nanlaki ang mata ni Jin sa iniuutos sa kanya ni Gab.

"I want to see my girlfriend's face up close."

"It is still office hours, Gab. That can wait. Now, if you don't have anything to say, I'll go back to my seat and start doing my work. Ayoko ng mahirapan si Haeja ng sobra at baka makasama ‘yon sa kanya at sa baby niya."

"Sige, pwede ka nang lumabas."

Lumapit si Jin kay Gab at hinalikan niya si Gab sa pisngi bago siya lumabas doon. Agad niyang tinabihan si Haeja para tulungan ito sa mga ginagawa niya.

"Good morning," bati ni Jin sa kanya.

"Good morning. Blooming ka yata ngayon? It seems like you're very happy."

"Yes, you're right. I’m very happy and it’s all because of you."

"Wala naman akong ginawa."

"Kung hindi mo sinabi ang totoo sa ‘min, hindi din ako ganito ngayon. Thank you."

Nagulat si Haeja nang bigla siyang yakapin ni Jin. Napangiti na lang siya sa ginawa nito at niyakap din ito pabalik.

"You're welcome. It must have been hard for you."

"It must have been hard for you, too, Haeja."

Umupo na silang dalawa ng maayos at itinuloy ang ginagawa nila.

"Tulungan na kita dyan, Haeja."

"'Wag na, Jin. Hindi mo naman ‘to trabaho."

"Parehas tayong sekretarya dito kaya dapat nagtutulungan tayo. Hindi man ito ang naka-assign sa ‘kin, parehas naman tayo ng posisyon kaya trabaho ko na din ‘to."

Game of Love 2: Still in Love (PUBLISHED)Where stories live. Discover now