[ 51 ] Good Day

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hindi ko nakita ang mukha mo na bagong gising!"

"Pwede mo naman na makita sa susunod. Tara, ihahatid na kita sa inyo. Kailangan na natin pumasok."

"Okay na ba ang kamay mo? Bakit mo tinanggal 'yong bandage nyan?"

"Okay lang. Gagaling din ‘to."

Pagkatapos mag-ayos sandali ni Jin ay umalis sila doon at habang nasa sasakyan sila ay may maalala si Gab.

"Oo nga pala, tumawag sa akin si Terrence kanina."

"Sinagot mo?"

"Oo. Gusto ka sana niyang makausap pero tulog ka pa. Sinabihan ko na lang siya na ikaw ang tatawag sa kanya."

"Okay lang sa ‘yo?"

"Oo. May tiwala ako sa 'yo, Jin."

Pagkahatid sa kanya ni Gab sa bahay nito ay umalis na doon si Gab para maunang pumasok sa opisina habang si Jin naman ay naligo na at nagbihis. Papasok na siya ng opisina nang may tumawag sa kanya. Tiningnan niya kung sino ito at nang makita niya kung sino ang tumatawag ay sinagot niya kaagad.

"Hello, Terrence. It's been a while."

"It's good to hear your voice."

"Hindi ka na ba galit sa 'kin?"

"Hindi naman ako nagalit sa ‘yo, Jin."

"Kung ganun, bakit mo ako iniwasan?"

"I was hurt by your decision but I'm okay now."

"I'm very sorry, Terrence."

"It's okay. I understand and I respect your decision. I was wrong for feeding you with so many lies--"

"Stop! It’s already a part of the past. It doesn't matter anymore to me."

"Are you okay, Jin?"

"Of course, I am."

"I heard the news about Gab's child. KL told me all about it."

"It's not Gab's child, Terrence. You don't have anything to worry about. We're okay now."

"That's good. So, what happened?"

"Pakana lahat ni Mika ‘yon para paghiwalayan kami ni Gab. Please don't let anyone know about it. We're planning something."

"As you wish. I’m glad to know you’re okay."

"I miss you, Terrence."

"I miss you, too, Jin. I have to go. Take care of yourself."

"Okay. Goodbye."

Binabaan siya ni Terrence. Sinadya ni Terrence na putulin ang usapan dahil alam niya na lalo niya lang na mamimiss si Jin sa ginagawa nilang pag-uusap. Mahal niya pa din ito pero alam niya na iba ang taong mahal ni Jin kaya naman hinayaan niya na lang si Jin. Naisipan niya lang na tumawag para kamustahin ito matapos niyang marinig ang balita tungkol kay Gab.

Pagkatapos magusap nina Jin at Terrence ay may tumawag na naman kay Jin. Napangiti siya nang makita kung sino ang tumatawag.

"Hello."

"You're very late, Ms. Tan."

Game of Love 2: Still in Love (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon