Chapter 11 - Si Aly

60.8K 1.7K 666
                                    


Hi guys, time out muna tayo sandali kina Reese at Maddy. Silipin muna natin yung nangyari kay Aly, kung muli ba uling magtatagpo ang landas nila ng nagiisang girl crush nya na si Drew na Amber Heard look-alike. Look how gorgeous she is.

Another side story sa KRS book 2. I hope you' ll like it.

Sointoyou06


ALY P.O.V.

"Hey Aly, where's Maddy?" Narinig kong tanong ni Reema.

Mabilis akong napahinto sa pagsasayaw at napatingin sa kanya, nakatayo siya sa tabi ko habang palinga linga sa paligid habang ako at ang mga kasama ko ay busy sa pagsasayaw dito sa may dance floor.

Luminga din ako at pilit na inaaaninag ang mga tao na nandoon. Pero dahil sa medyo nakainom na ako at sa may kadiliman ang paligid ay nahirapan akong kilalanin kung sino ang bestfriend ko dito.

"Hmmmm 'di ko alam eh, baka nagpunta ng CR.." tanging nasagot ko, alam ko naman na nasa paligid lang si Maddy, baka bumalik sa VIP room kasama si....

Bigla akong natigilan, may naisip kasi ako. Luminga ulit ako sa paligid at pilit na hinahanap ang nag iisang tao na posibleng kasama ngayon ng bestfriend ko, pero akalain mo yun gaya nito ay hindi ko din siya makita dito.

Posible kaya na magkasama sila?

Umalis na si Reema para hagilapin si bestfriend sa buong area.

"Aly what's wrong?" Ask ni Beth, napansin siguro ang paghinto ko sa pagsayaw.

Sumulyap ako sa kanya "Ah hmmm...hindi ko kasi makita si Maddy."

"Tsk nandyan lang yun, baka nasa CR o bumalik sa room, don't worry ok? Let's just have some fun!" sa halip ay sagot nya at hinila na ulit ako sa tabi nila, wala na tuloy akong nagawa kung hindi makijoin sa kanila at isipin na nandito nga lang sa paligid sina friend at Reese.

Ilang minuto pa kami nanatili sa dance floor at ng mapagod at sabay sabay na kaming nagbalik ng VIP room. Bago tuluyang nakapasok ay nasalubong ko ulit ang nag aalala pa din na si Reema, obvious na ang pagkabalisa nito.

"Nakita mo na siya?" tanong ko, nauna ng pumasok yung mga kasama namin sa loob ng room at mga pagal na naupo pero ang iingay pa din.

Umiling sya "No i didn't. Nag aalala ako Aly, pati si Reese hindi ko din makita." Hawak nya yung phone nya habang may dinadial bago ulit tumingin sa akin "I'm trying to call her phone but she's not answering.."

Nagulat ako ng marinig ito, sina Maddy at Reese nawawala?? Mukhang nagkatotoo ata ang kutob ko ah.

Pumasok na ako sa loob at doon ay napansin ko pa yung bag ni friend, dinampot ko ito at saka napaisip 'Kung umalis sya bakit nya naiwan yung bag nya?'

Binuksan ko ito at nakita ko yung phone nya na nandoon din.

'At saan naman pupunta yung dalawa na yun?? Hindi kaya nagtanan na?'

Hindi ko namalayan na kasunod ko na pala si Reema at nakita nyang hawak ko yung bag at phone ni Maddy.

"She left her things??" lalo syang nag alala nang makita ito.

"She's not here and so is my sister, hindi kaya nakidnap na sila?!" sabi nya habang napatakip sa bibig at parang nagpapanic na. Nagdial ulit sya sa phone nya at this time ay parang sa police station na siya tumatawag.

May ideyang pumasok sa isip ko pero hindi ko masabi sa kanya. Alam kong magkasama yung dalawa ngayon pero di ko lang alam kung saan sila posibleng pumunta.

Remember 2 Love me (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon