"I-I'm sorry, I did not inform you about her working with me—"

"I'm sorry?! Hindi ka ba magsosorry sa pagbabalewala ko sa akin? I didn't receive even a single text or call from you!" Sagot ni Clarisse habang bahagyang tinulak si Keith. Ngunit nahuli naman kaagad ng huli ang mga braso ni Clariss at niyakap ito ng mahigpit.

"I'm sorry, baby." Ibinulong ni Keith ang mga katagang 'yon at marahang nilakbay ang kanyang mga labi sa pisngi ni Clarisse. Napapikit naman ang dalaga sa matinding pagkasabik sa mga halik na ito ng nobyo— ang nararamdamang galit, selos, lungkot, kahihiyan at pagkabigo kanina ay nawala nalang na parang bula.

"I'm scared Keith... Natatakot akong mawala ka sa akin." Sinagot ni Clarisse ang yakap ni Keith at tumulo ang kanyang mga luha dahil sa labis na nararamdaman.

"Someone texted me, threatening our relationship. Sigurado akong si mommy 'yon. Gumagalaw na naman si Mommy, Keith.."

Lumayo ng bahagya si Keith, upang makita ang mukha ng dalaga, may naaalala kasi siya bigla.

"Last time, May nagpadala sa akin ng bulaklak. I felt kinda weird because the card says 'The truth won't get tired to chase you.' Hinabol ko ang messenger upang tanongin siya kung kanino galing 'yon. I even scolded him when he answered that it came from a stranger."

Napalingo-lingo si Clarisse sa kanyang narinig mula kay Keith. "Hindi ko maintindihan kung bakit ito ginagawa ni mommy. Hindi ba pwedeng hahayaan niya nalang akong maging masaya?" Sa halip na sumagot, niyakap muli ni Keith ang dalagang humahalinghing.

"I miss you, KC." Sinuklian ito ni Keith ng halik sa mga labi. Sa pagkakataong 'yon, napagtanto niya ang labis na pangungulila sa nobya.

Nakakunot ang noo at galit na galit na pumasok si Nathan sa loob ng opisina ng kapatid nitong si Keith. Bumungad sa kanya ang sekretarya nitong si Sandra na nagulat sa hindi niya inaasahang pagdating. Bigla namang naconcious si Sandra sa lalaking matayog na nakatayo sa harapan niya, at pilit na iniiwasan ang mga nakakapaso nitong tingin.

"Where's Keith?" Matigas at malamig na pahayag ni Nathan, halatang pinipigilan ang sarili na sumabog sa galit.

"He's not feeling well, Sir Nathan that's why—"

"Fuck! Nag-aagaw buhay ba siya? Malala na ba talaga ang nangyari sa kanya para ipagpaliban niya ang importantent meeting na ito? Hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa kanya kapag nawala pa ito sa atin! Napakairresponsable! Nakakahiya!"

"Ako na po ang maghihingi ng tawad, Sir. Pasensya na po talaga kayo. Siguro naman po hindi niya hahayaang mapunta lang sa wala ang lahat ng pinaghirapan niya sa kompanya. I assure you with that, Sir Nathan..."

"But still, mag-uusap kami. I won't tolerate this negligence and inefficienc— What hap— Are you okay, Sandra?" Natigilan si Nathan matapos makita ang namumulang mga mata ni Sandra at mapansin ang paghingos nito.

"Ahhh... Okay lang po Sir. Sinisipon po kasi ako."

"What happened to the 'Kuya Pogs'— nevermind. Anyways, umuwi ka na Sandra. Kailangan mo lang magpahinga. Come on, ihahatid na kita."





Hatinggabi na at gising pa sina Keith at Clarisse. Magkayap ang dalawang hubo't hubad na nakahiga sa kama. Napangiti naman ang dalaga matapos  makaramdam ng matinding saya sa pag-iisa nilang muli ni Keith, na tila nakalimutan lahat ang mga suliranin sa buhay. Lalo niyang isiniksik ang kanyang katawan sa nobyo at sumisinghot dito.

"KC..." Pagtawag niya kay Keith.

"Hmmm?" Pag-ungol naman nito bilang sagot.

"Wala lang... I love you." Malambing na bulong ni Clarisse kay Keith at hinalikan ito sa pisngi.

Sa katunayan, kanina pa balisa si Keith. Hindi niya alam pero nitong mga nagdaang mga araw kasi hindi na niya kilala ang kanyang sarili. Nahihirapan siyang intindihin kung ano ba talaga ang gusto niya. Ngunit nang marinig niya ang mga katagang ito mula kay Clarisse, napapaalahanan siya kung ano dapat ang gagawin niya— na ang atensyon niya ay dapat nasa nobya lang, dahil hindi naman na magtatagal at maghihiwalay na sila ni Sandra at ang babaeng katabi niya ngayon ang papakasalan niya balang araw.

"Babe." Pagtawag ulit ni Clarisse sa kanya. Umungol siyang muli sa pagsagot dito.

"Will you promise me to fight for me?" Mahinahong tanong ni Clarisse na may bahid na kalungkutan sa boses nito. Napahigpit naman ng hawak si Keith sa braso ng dalaga dahil sa narinig.

"I -I promise."Pagsasagot ni Keith. Hindi niya alam kung wala ba talaga siya sa kanyang sarili habang sinasagot ito o dala lang ng matinding pagod?

The Desperate WifeWhere stories live. Discover now