Tiningnan ni Glaiza si Rhian. Halatang nangingilid ang luha niya pero ayaw niyang umiyak... Ayaw niyang umiyak sa harap ni Rhian ngayon.





"Rhian, tigilan na nga natin to." Glaiza said.





Literal namang napa-stop si Rhian sa narinig niya from Glaiza. Anong tigilan? Ano bang ginawa ko?


"Glaiza......"


"Tigilan na natin tong kalokohan na to Rhian. Itong Loveteam natin, itong pagpapaasa natin sa mga fans, itong kung anong meron tayo, itong sa pagitan natin, itigil na natin. Ayoko na.... Rhian, tumigil na tayo."


Ramdam na ramdam ni Rhian ang pagkadurog ng puso niya sa mga naririnig niya kay Glaiza.

"Bakit?! Ano bang meron?! What did I do?!"


"AYAW NILA SATIN!" Glaiza shouted. Hindi na rin niya napigilan... "Rhian, sabihin mo nga. Ano ba tong tayo? Ano ba tong mga ginagawa natin? Fan service pa rin ba to? Ayoko ng umasa sayo... Yun ang totoo. Pagod na kong umasa kasi alam ko namang imposible e. May boyfriend ka diba? So tigilan na natin to. Wag na tayong manloko!"


"Wala na kong boyfriend Glaiza!" Rhian said. Maiiyak na ata siya dahil sa nararamdaman niya....

Nagulat naman si Glaiza kaya napa-stop siya at pinakinggan ang sasabihin ni Rhian.

"Wala na kami ni Jason... Nakipagbreak ako dahil umamin akong ikaw yung totoong gusto ko. Umamin ako kasi ayoko ng lokohin yung sarili ko... Ayoko ng magpretend na hindi ako napapamahal sayo. Ito yung sasabihin ko kaya gusto kong makipag-usap sayo.... Ito yung gusto kong sabihin. Na wala na kami ni Jason and handa akong ipaglaban ang nararamdaman ko para sayo. G, sasamahan mo naman ako diba? Sabihin mong di ako nagiisa kasi sasama ka sakin. Sasamahan mo ko...."


·

·

·


Umiling si Glaiza... Kasabay ng tahimik na pagtulo ng luha nito. At kasabay din ng pagtulo ng luha ni Rhian. Parehas na silang tahimik na umiiyak...






"May boyfriend na ko." Glaiza said.


Dun na naramdaman ni Rhian ang literal atang pagkapunit na talaga ng puso niya.

"Kami na ni Benjamin...." Labas sa ilong na sabi ni Glaiza. Nasasaktan din siya. Pero kailangan niya tong gawin... Kailangan niya tong gawin para wala ng mas masaktan pa sa kanilang dalawa. "Kaya nga sabi ko, tigilan na natin Rhian. Tumigil na tayo. Wag na tayong magpa-asa pa... Pagod na rin akong umasa kaya ibinaling ko na sa iba yung atensyon ko... Huli ka na Rhian. Tigilan na natin to."

Nakatingin lang si Rhian sa mga mata ni Glaiza habang umiiyak pa rin siya. "Kagustuhan mo ba yan?" Diretsang tanong niya. "Gusto mo ba yan Glaiza? Ikaw ba ang may gusto niyan ha? O baka gusto lang yan ng pamilya mong mangyare para sayo?"

RASTRO FEELSWhere stories live. Discover now